EPISODE 7

1024 Words
Hindi tumitigil ang malakas na ulan kaya nagpasya siyang pumasok sa lumang bahay. One month after, nasanay na siyang mamuhay mag-isa sa loob ng bahay na ito na parang walang umaangkin. Hanggang sa may isang grupo ng mga lalaki ang pumasok sa bahay habang siya ay kumakain sa mesa. Nakasuot sila ng itim na at mukhang hindi palakaibigan. "Sino kayo?" Gulat na tanong ni Lars dahil hindi niya inaasahan na mapipilitan silang pumasok sa loob ng bahay at pinalibutan siya. Walang sumagot sa kanya sa halip ay itinutok nila ang baril sa kanya. Sa takot, itinaas ni Lars ang mga kamay sa ere at inikot ang mga mata sa mga ito ngunit parang hindi niya sila makilala. "Nagtatrabaho ka ba kayo kay Andrew?" tanong niya. "Kung hindi kayo sasagot, totoo ngang nagtatrabaho kayo para sa kanya." "Hindi!" sagot nung lalaki sa likod niya. "Ito ang teritoryo namin and we are working for your father, Vincent. Hinahanap namin ang lokasyon mo simula noong gabing nawala ka. May nakakakilala sa mukha mo hangang sa mahanap ka namin dito." Muling bumungad sa kanyang ulo ang pag-flashback ni Andrew na tinawag siyang Vincent at tumalikod siya para harapin ang lalaking tumawag sa kanya sa ganoong pangalan. "Anong sabi mo?" "Mukhang nakalimutan mo na kung sino ka, Vincent!" sabi nung lalaki. "Ako si Ezekiel at ako ang head bodyguard ng iyong ama. Siya ang nag-atas sa akin na sunduin ka at ibalik ka sa kanyang mansyon!" Matalino si Lars para magtanong. "Pero bakit mo itinutok sa akin ang baril mo?" Biglang dumating ang isa pang grupo ng mga lalaki at binaril ang bahay, ang grupo ng mga itim na lalaki ay nakatuon ang kanilang atensyon sa mga taong nagpapaputok sa labas. Ginamit ni Lars ang pagkakataong ito at nagtago sa ikalawang palapag ng bahay habang iniisip pa rin kung ano ang nangyayari sa pamamaril. Frustrated sa nangyayari, sinuntok niya ang pader hanggang sa dumugo ang kamay niya. Isinandal niya ang ulo sa dingding at humagulgol. "Dammit! Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ako makahanap ng kapayapaan? Akala ko ang pag-iwan sa asawa ko ang pinakamagandang ideya. Mayroon ba akong napakadilim na nakaraan na maraming tao ang humahabol sa akin gamit ang kanilang mga baril?" nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mukha. Nabasag ang salamin sa bintana at may sumulpot sa likod niya. "Lars, nanganganib ang buhay mo at hindi ito titigil hangga't hindi mo nababalik ang alaala mo!" Nang lumingon si Lars, nagulat siya nang makitang muli ang lalaking naka-red hoodie jacket. Itinutok niya ang baril sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata. "Gusto ng iyong ama na bumalik ka sa mansyon ninyo at hindi ako papayag na mangyari iyon. Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kapag nagkita tayong muli, huwag mo na akong ituring na kakampi mo?" ibinalik niya ang baril sa coat niya at humakbang papalapit kay Lars habang umaatras naman si Lars. "Anong gagawin mo?" Tanong ni Lars na takot na takot sa paraan ng tingin nito sa kanya. May lumitaw na dalawang lalaki sa likuran ni Lars, may dalang dalawang maleta. Ibinaba nila ang maleta at hinawakan siya sa kanyang mga braso. Pagkatapos, sinimulan ng nakah hoodie jacket na sapakin ang kanyang mukha hanggang sa mapuno ito ng mga pasa. Hindi pa siya nakuntento, inuntog niya ang ulo ni Lars sa dingding para mawalan siya ng malay. "Tama na, hindi natin siya papatayin. Dalawang tama ng mukha niya sa pader ay sapat na para tulungan siyang maibalik ang alaala niya. Kapag nangyari iyon, magiging napakadelikadong tao siya at babalik siya para ipaghiganti ang lahat ng kanyang mga kaaway!" sabi nung lalaking naka red hoodie Jacket. "Higit sa lahat, give him money para makatira siya sa kanyang apartment." Ginawa ng dalawang lalaki ang sinabi ng lalaking ito na red hoodie jacket. Binuksan nila ang mga maleta at inilagay sa tabi ni Lars. "By the way, bumaba ka at siguraduhin mong patayin mo talaga ang mga bastos na humahabol kay Lars. Walang sinuman sa kanila ang dapat na mabuhay," utos niya. "Poprotektahan ko ang buhay ng lalaking ito hanggang sa dumating ang panahon na magtutuos kaming dalawa." "Sir James, hindi ko maisip kung ano ba talaga ang plano mo. You used to work under Andrew and you know exactly why they want this man to die on his hand. I'm sure na alam na nila na nailigtas natin ang anak ng mortal na kaaway!" sabi ng isang bodyguard niya. "Let us put it simple," napatingin siya sa walang malay na katawan ni Lars, "Itong lalaking ito ang susi ko para manalo sa laban na ito. He plays a vital role in making my plans successful!" The moment they left, Lars was still unconscious and a flash of memory suddenly appeared on his mind. Ngunit ang unang alaala na pumasok sa kanyang isipan ay nang siya ay nasa loob ng mansyon, nakikipag-usap sa kanyang amang mayaman na si Ricardo Montreal habang nagsasagawa ng kanilang intimate dinner at napapaligiran ng kanilang labindalawang royal guards. Simula bata pa lang si Vincent, namatay ang nanay niya sa isang aksidente, atleast yun ang alam niya. Simula noon, ang nag-aalaga na lang sa kanya ay ang kanyang ama. "Vincent, I trained you hard enough to so you can sell guns and illegal weapons to our clients. After all, our underground businesses are the main reason why our legal businesses remain afloat-" Sa isip ni Vincent, gusto niyang ihinto ng kanyang ama sa mga masasamang ginagawa nito lalo na't gusto niyang maging matuwid ang kanyang buhay at makapag asawa. At hindi niya gugustuhin na itakwil siya ng kanyang magiging asawa kapag nalaman na anak siya ng isang Mafia king. "Hindi ka ba natatakot na balang araw, may maglantad sa atin para ibagsak ka Dad?" sabi ni Vincent. Napakadirekta ni Ricardo Montreal sa kanyang mga salita, at wala itong laban na inaatrasan. "Bakit ako matatakot? Isa ako sa mga mayayaman sa ating bansa. Kahit sinong maglakas-loob na pumasok sa aking mga negosyo, they are going to die in my hands. Kahit na sino pa sila! At ikaw naman, gusto kong makapag asawa ka na rin para mabigyan mo na ako ng apo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD