Sobrang sakit ng mga binitawang salita ni Angel. Tagos ito sa puso ng binata pero mas nanatili pa rin itong kalmado kahit na walang preno si Angel sa pagsasalita. Naisip nya rin na tama ang hula ni Risa na kaya sya kinupkop ni Angel ay dahil sa kagustuhan nito na umangat sa buhay. "Nasasaktan ako sa mga sinabi mo Angel. Naging tapat ako sa iyo at sa pamilya mo. Naging mabait ako at masunurin sa lahat ng mga pinag uutos nyo. At kahit nga isang beses, wala man lang nangyari sa atin noong nasa iisang kwarto tayo." "Lars, di ko na kasalanan pa kung naging isa kang dakilang uto ito at tanga. It's your fault at wag mo akong susumbatan ng mga ganito dahil kung tutuusin, kulang pa ang paninilbihan mo sa amin ng pamilya ko, at kung di rin sana makapal yang pagmumuka mo, gusto kong singilin ang

