"Si Joan nga pala, di ko naman siya friend pero sa friend nya itong clinic. We happened to talked to each other before sa party ni Dad and who would have thought na magkikita kami sa lugar na ito? Ang bait nga niya eh, she gave me a discount but I declined because I don't need it."
"Naikwento mo ba ako sa kanya?" tanong ni Lars.
"Actually yes, that is unavoidable question. I said na six months na tayong in a relationship and we are happy to each other's company. Don't worry, I did not disclose what you told me earlier."
Napangisi ang binata, "Ipagpaumanhin mo sana pero mahina kasi ang utak ko pagdating sa pagsasalita ng English. Kung maaari sana ay mag tagalog muna tayo rito."
"I am so sorry, di na ito mauulit pa sa susunod. So ano? It's my turn na ha? Just stay here, mabilis lang ako promise. At uulitin ko yung sinabi ko sayo kanina, ang pogi mo lalo. Kapag nakita mo yung guy na ipapakilala sa akin ni Dad, I think na wala itong magiging panama sayo. Baka nga mabakla pa sya sa magiging hitsura mo eh," sambit ni Risa.
"Grabe ka sa sinabi mo. Salamat sa papuri, sige hihintayin ko hanggang sa matapos ka naman."
Naging matyaga naman si Lars na nasa upuan sa labas habang nagpapa enhance ng hitsura si Risa. Pero habang naghihintay sya ay nakita nya ang ibang mga tao sa loob na may kanya kanyang hawak ng kanilang cellphone subalit sya ay walang libangan. Marunong naman gumamit ang binata sapagkat tinuruan pa ito ni Angel. At kabisado nya pa ang number nito. Para ngang mayroong agam agam si Lars na tawagan si Angel dahil sa ang alam pa nito ay nakatira pa rin sya sa kanila. Baka biglang mag alala si Angel at bigla sya nitong ipatawag.
Kaya naman sa labis na pag iisip ni Lars, nag lakas loob na itong manghiram ng cellphone sa lalaki sa harapan nya.
"Sir, pede po ba akong makigamit ng phone?" magalang na pagpapaalam pa ni Lars.
Tinago bigla ng lalaki ang kanyang cellphone sa bulsa nito at bahagyang sumimangot ang kanyang muka.
"Pasensya ka na pare, lowbat kasi ang cellphone ko kaya di ko magagawang makihiram sayo. Sa iba ka na lang mang hiram," sabi ng lalaking masungit kay Lars.
Halos manliit si Lars sa sarili nya. Di nya lubos maisip na magagawa syang supladuhan ng ganito ng lalaki. At habang nag daramdam si Lars ay lumapit naman si Joan sa kanya na halatang nakikinig sa usapan nila. Binigay nya ang phone nya kay Lars ng nakangiti.
"Hey Lars, wala ka bang phone? Here is mine, gamitin mo muna at tawagan mo kung sino ang gusto mong tawagan."
Napangiti si Lars at medyo natulala ng makita ang magandang dalaga.
"Miss, paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Lars.
"It seems that your girlfriend does not mentioned my name to you pero let me introduce myself to you. My name is Joan and I met Risa sa party ng Dad nya. Anyway, if you need to call someone, you can borrow my phone. If sobrang importante naman ng call at ayaw mong may makarinig, then pede ka munang lumabas."
Napangiti ang binata na napawi yung lungkot.
"Sige salamat Joan, naiwan ko kasi ang cellphone ko sa bahay," pagsisinungaling ng binata.
"Ganun? Paano kayo nag meet ng gf mo if wala kang phone?" tanong ni Joan.
Muling napakamot ang binata na naging blangko ang utak sapagkat di nito alam kung ano ang susunod nyang sasabihin sapagkat nag sinungaling ito.
"Charot! Sige na, sometimes kasi lutang din ako at nangyayari talaga ang mga lutang moments in our life pero go ahead."
"Maraming salamat Joan, promise saglit lang talaga ako. Sobrang importante ng tatawagan ko."
Lumabas na si Lars at mabilis nitong dinial ang number ni Angel na sumagot din ng mabilis.
"Hello? Who is this?" tanong ng dalaga na seryoso ang tono ng pananalita.
"Angel? Ako ito si Lars, nakitawag lang ako dito, at marahil ay ito na rin ang huli nating pag uusap kaya sana ay makinig ka sa sasabihin ko sayo."
"Hoy Lars, ang sarap mong sampalin! Bumalik ka na nga sa bahay, iniwan kita para mag laba ka ng damit nila mama pero wala silang nadatnan na Lars. Galit na galit pa nga sya saken, kung saan saan ka na naman nagpupunta. Gusto mo bang lumala ang biyak sa utak mo ha? Naiinis na ako sayo, marami na tayong mga problema kaya utang na loob, wag ka na sanang dumagdag pa!"
Natahimik ng saglit si Lars, ayaw pa naman ng binata na magsalubong ang galit nilang dalawa pero ang tanging hangarin nito kaya sya tumawag ay dahil sa gusto nya nang tapusin ang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Angel, sawa na ako sa peke nating relasyon. Oo, umalis ako kanina at sinundan ko kayo ng mama mo hanggang sa makita ko ang harap harapan nyong panloloko. Wag mo nang ipagkait pa sapagkat ipinagkasundo ka na ng mga magulang mo sa ibang lalaking mayaman. Binalewala mo ang kasal natin. Di ko na nakuha ang mga gamit ko sa bahay, pero pede mo nang itapon sa basurahan. Di ba basura naman talaga ang tingin mo at nang pamilya mo sa isang lalaking kagaya ko? Mas maigi na sigurong itigil na natin ang malaking kalokohan na ito at maluwag na sa puso ko kung ibang lalaki na ang gusto mo. Papalayain na kita, minahal kita pero hanggang dito lang yung kaya kong ibigay sayo!"
"Okay fine, Lars! Itatapon ko ang lahat ng mga gamit mo sa basurahan at tama ka sa mga sinasabi mo, ipinagkasundo na ako ng pamilya ko sa ibang lalaki. Sorry ha? Akala ko kasi talaga ay mayaman kang lalaki noong nakita ka namin kasi mayroon kang driver's license at may picture ka sa wallet mo na may magara kang kotse. Marami ka ring pera at ang mahal pa ng suot mong damit, di mo kami masisisi na tumulong kahit na papakitang tao lang kami that time, gusto namin makaaahon kami sa kahirapan."