Nakarating na sila sa isang Derma Clinic sa isang sosyal na building sa Makati. Kaunti ang mga tao sa loob at tila ay bahagyang nanliit si Lars sa kanyang sarili sapagkat nasa isa syang sosyan na lugar. Alam ng binata na maganda ang naging mansyon ni Risa pero nagagandahan din sya sa lugar na ito.
Hinawakan ni Risa ang kamay ni Lars at pumunta sila sa lobby at naging priority silang dalawa. Kaagad na nag proceed si Lars sa pagpapa enhance ng kanyang mukha. Marami syang mga nakitang machine at kasama nya sa loob ni Risa.
"Kalma lang Lars ha? Di tayo magpapa retoke just like what I have told you."
Kumalma si Lars at isinagawa na ang page enhance ng hitsura nya. Samantala hinatak naman si Risa ng isa sa mga kakilala nito na nagpunta rin ng derma. Paglabas nila ay nag chikahan silang dalawa.
"Hoy Risa! Kamusta ka na ha? It has been a long time and I think na marami din ang nagbago sayo sis? Tumaba ba at mas lalo kang naging pretty since the last time we met sa party ng dad mo?" sabi ni Joan, ang isa sa mga anak ng negosyante na dumalaw sa birthday party ng papa ni Risa.
"Well, heto, maayos naman ang lagay ko and I am with my boyfriend Lars, supposedly ay sasamahan lang sana ako nito dito sa derma but niloko ko sya na pede rin syang magpa derma ng libre ko then pumayag sya."
"Ay di ko na notice ang face nya kanina. Pero ikaw, I noticed you kasi at ka holding hand mo sya. In fairness matangkad syang lalaki ha? So how long have you been in a relationship?"
"Six months na kami and going strong!" mabilis na pag sisinungaling ng dalaga.
"Wow! Nakaka inggit, eh samantalang ako, six months na rin akong going strong pero going strong ako sa pakikipag break up ko sa lalaking walang ka kwenta kwenta!"
Nalungkot naman si Risa sa narinig nya ito pero wala syang ideya na mayroong boyfriend si Joan.
"I am so sorry to hear that sis, actually I have no idea that you already had a boyfriend kasi naging short lang ang conversation nating dalawa. But I feel so sad for him because pinakawalan nya ang isang kagaya mo. Soon enough, matatagpuan mo rin ang tamang lalaki for you."
"Sana nga eh! But how about you pala? Does your dad approve of him? Sabagay, six months na kayong dalawa so I think that he already approved him."
"Actually di pa nami meet ni Dad ang boyfriend ko. I hide him from my Dad simply because I was too afraid of him, medyo marami kaming mga napagtalunan namin these past few days but right now I need to face him at ipakilala ang lalaki sa buhay ko," patuloy na pagsisinungaling ng dalaga.
"Good luck! Alam mo kasi, let me share this to you pero mayroong chinika si Dad to me last time na mataas daw masyado ang standard ng papa mo pagdating sa negosyo and kung mataas ang standard nito sa business, what more pa kaya sayo na nag iisang daughter. Would you mind telling me kung saan nagtatrabaho ang boyfriend mo? Ako kasi, may ari ng isang resort ang boyfriend ko at may kaya ang pamilya nya so pasado ito kay Dad."
"Lars is a manager of a restaurant where I dined in the last time. And we actually exchanged glances, then the rest is history ng hingin ni Lars ang number ko."
"Sana all! But how about his family?"
"His parents passed away since he was a kid so nakakalungkot. But he managed to stand up on his own, medyo masalimuot ang naging life nya before but looked at him now, isa na itong successful na lalaki and si Dad, he really likes hardworking people so di ako mahihirapan na ipakilala ang boyfriend ko."
"Good luck ulit! Sya nga pala, friend ko yung may ari ng derma na ito so I will ask her na bigyan ka ng discount."
Inalmahan kaagad ito ni Risa.
"Please there is no need for you to do that sis," sabi nya. "I don't need discount, salamat na rin at naka chikahan kita but I swear that I can afford going here. Me and my boyfriend have enough money for this."
"Oo nga pala, rich kid ka pala so you don't need discount. Ako kasi kaya dito ako sa clinic nya nagpupunta ay dahil parati akong mayroong discount. More than thankful ako kasi malaki rin ang nase save kong pera. Sige na pala, balikan mo na yung boyfriend mo at baka hinihintay ka na nya."
"Anyway, salamat sa time mo sis, good luck din sa magiging journey mo."
Pumasok na si Risa sa loob at saktong natapos na ang page enhance sa muka ni Lar na nananalamin na at nakangiti. Poging pogi na nga si Lars sa kanyang sarili nya. At dahil sa nakita ni Risa na nasiyahan ang binata ay napangiti na rin sya.
"Ano ayos ba? See? Sabi sayo, di mo pagsisisihan na sumama ka saken, Lars. Pogi ka na bago yung enhancement mo pero mas lalo ka pang naging pogi in my eyes and I feel na ready ka nang kaharapin ang Dad ko."
"Salamat sa libre mo Risa. Di ko pa naranasan yung ganito, kung makita nga ni Angel ang pagbabago sa hitsura ko, baka magsisi kaagad sya na iniwan nya ako eh."
"Hahaha! Baka nga, pede ka naman makipag meet up sa kanya right after kitang ipakilala sa papa ko. If you want, I can also pretend to be your girlfriend para mas masaktan sya. You do me a favor so I will also do you a favor, give and take tayo rito."
"Di na siguro kelangan at hihintayin ko na lang yung tadhana na paglapitin kaming dalawa ulit. Ngunit kung ako lang, di ko gugustuhin na makita sya ngaun kasi pakiramdam ko ay di pa ako ready. Sya nga pala, sino yung kausap mo kanina sa labas? Ano ang pangalan nya?"