Isang linggo naman ang naka lipas, naka recover kaagad si Lars sa mga sugat na kanyang natamo. At sa pagkakataong ito, napadpad naman siya sa tapat ng isang palengke. Habang siya ay nakatingin sa mga prutas na naka display, kumalam ang kanyang tiyan.
Umaga pa siya kumain at wala na siyang lakas upang magpatuloy pa. Kaya kahit na mayroong tindera, sa sobrang desperasyon niya ay nag nakaw siya ng isa at kumaripas ito ng takbo.
"Hoy magnanakaw!" ang malakas na sigaw ng tindera kay Lars kaya naalerto ang ibang ilang mga barangay tanod na humabol naman kay Lars.
Subalit patuloy lamang siya sa kanyang pagtakbo kahit na sobrang hinihingal na siya. Ilang sandali pa ang lumipas, muntikan na namang maaksidente si Lars ng isang sasakyan habang siya ay tumatawid. Mabuti na lang at nagawa nitong mag preno.
Lumabas naman ang babae at tinanong si Lars na nabitawan ang apple at gumulong sa kanal.
"Oh my gosh! Are you okay?" nag aalalang tanong pa ng babae.
Halos kumislap ang mga mata ni Lars nang makita niya ang magandang babae na ito na lumabas ng kanyang sasakyan. Tila ay mabilis na tumibok ang kanyang puso para sa dalaga.
"Ahhh... ayos lang ako miss..."
Samantala, dumating na ang mga barangay tanod at tinderang ninakawan ni Lars na mabilis siyang sinampal pagkatapos niyang tumayo.
"Walang hiya kang mag nanakaw ka! Matumal na nga ang benta ko tapos nankawin mo pang hayop ka, dalhin niyo yan sa presinto at nang makulong!" galit na sigaw ng tindera.
Naawa naman ang babaeng may ari ng kotse kaya siya na ang nag lakas loob mag salita, "Sorry po, mawalang galang na kaya lang ay kung pwede, ako na po ang magbabayad ng kinuha niyang mansanas sa inyo," nakangiting sabi pa ng dalaga.
Dinuro naman siya ng tindera, "Hoy, pwede bang wag kang mangialam ditong babae ka ha? Hayaan mong matuto ng leksyon ang isang magnanakaw!"
Kinuha naman ng babae ang kanyang wallet sa kanyang kotse at nag bigay ito ng 5 thousand sa matandang babae.
"Sige na po, tanggapin niyo na lang ito wag niyo lang ikulong yung isang lalaki na kumakalam lang ang sikmura kaya nagawang kumuha ng paninda ninyo," sabi niya pa.
Mabilis namang tinanggap ng tindera ang binigay na pera ng nagmalasakit na babae para kay Lars. Umalis na rin ang mga barangay tanod pagkatapos nito.
"Ano okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ng babae, "Siya nga pala ako si Risa, and kung gutom ka ay ililibre kita," sabi pa ng mabait na dalaga.
Nag taka naman si Lars sa ipinapakita ng babaeng itong kabaitan. Kaya naman napatanong na lamang itong bigla.
"Saglit lang miss? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kasi ngayon lang tayo nagkita eh," sabi ni Lars habang titig na titig ito sa kanyang maganda at maamong mukha.
Isang maaliwalas na ngiti naman ang binigay ng magandang babae sa kanya.
"Oo naman. Come on, isa rin naman akong masamang tao dati at nag bagong buhayn lang din ako. Tara, ako ang bahala sayo."
Sa palagay naman ni Lars ay mapag kakatiwalaang babae si Risa kaya naman ay pumayag siya. Habang nasa loob sila ng kotse at nag mamaneho ng sasakyan ang magandang dalaga, napatanong naman itong bigla kay Lars.
"Siya nga pala, ano ang name mo? Kahit nick name lang kung ayaw mong ibigay ang real name mo," tanong ni Risa.
"Ayos lang naman sa akin. Pwede mo na lang siguro ako tawaging Lars," sagot ng naka ngiting binata.
"Wow! You have a nice name Lars. Pero matanong ko lang kung bakit ka nag nakaw ng mansanas? Talaga bang wala kang pera?"
Gustuhin man ni Lars na mag tiwala sa babaeng ito, kaya lamang ay maraming beses na siyang nag tiwala sa ibabg mga tao at nabigo siyab sa mga ito kaya naman ay napilitang mag sinungaling ang kawawang binata.
"Nawalan lang talaga ako ng trabaho at biglaan ito. Wala akong kaipon ipon kahit na singkong duling. Kaya nang makita ako ng pagkain, kumalam kaagad ang sikmura ko."
"Kawawa ka naman pala. Pero hayaan mo na, kakain tayo sa masarap para nanan di na kumalam ang sikmura mo. May matitirahan ka ba?"
Mas lalo namang nag taka si Lars sa ipinapakita ng babaeng ito sa kanya.
"Saglit lang? Bakit para yatang ang bait bait mo at madali mo akong pinag kakatiwalaan? Ngayon lang naman tayo nag kakilala at alam mong nag nakaw ako?"
"Well, sabihin na natin na alam ko kung ano ang pakiramdam ng nasa sitwasyon mo. Ako din naman noon, nasa ganyang kalagayan din kaya masasabi ko na napaka hirap ng buhay. Dont worry, kung wala kang trabaho, pwedeng pwede kitang kuhaing body guard ko. Saktong sakto kasi kaka resign lang ng body guard ko na two years nag trabaho sa akin," sabi pa ni Risa.
Halos hindi makapaniwala si Lars sa sinasabi sa kanya ng dalaga. Ngunit wala na siyang ibang taong pwedeng hingian ng tulong ngayon bukod kay Risa kaya naman kailangan niyang lunukin ang kanyang pride at tanggapin ang kahit na anong tulong na manggagaling sa babaeng ito.
Pumunta naman silang dalawa sa isang napaka gandang restaurant kung saan napa lamon talaga si Lars sa tindi ng gutom na kanyang nararamdaman.
Wala pa ngang limang minuto ay natapos niya kaagad ang kanyang pagkain. Talagang natulala na lamang si Risa sa kanya.
"Wow! Mukhang gutom na gutom ka tagala ha?" Sambit pa ng babae.
"Sorry, ngayon lang kasi ako naka tikim ng mga masasarap na pagkain," muntikan pa ngang madulas ang bibig niya at banggitin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Angel at kanyang mapait na karanasan sa bahay ng tinatawag niyang demonyang biyenan kaya lang ay napa dighay siya.
"I see... alam ko naman na talagang mahirap ang buhay dito sa bansa natin. Kahit naman ako, naranasan ko na rin ang mag hirap. So as someone who experienced this, masasabi ko talaga na kailangan mo ang tulong ko. Di sa nag yayabang ako, I am jusy simply telling you the truth," paliwanag pa ni Risa. "So, I am going to ask you again, take it or leave it, Lars?"