EPISODE 11

1018 Words
"Oo naman, tinatanggap ko ang alok mo sa akin," mabilis na sagot naman ng binatang naka ngiti. "Good! Siya nga pala, I forget to ask, single ka ba o taken?" Tanong ni Risa na parang may pag nanasa ang tingin kay Lars. Maging ang binata, talagang kahit ilang beses niyang tingnan ang mukha ng dalaga ay talaga namang nabibighani pa rin siya rito. Isang bagay na huli niyang naramdaman kay Angel na di naman niya naramdaman ang pag mamahal sa kanya. "Single ako, wala na akong pamilya at wala na rin akong ibang matutuluyan. Kaya pasensya ka na ha? Ayaw ko sanang maging isang abusado kaya lang, ikaw lang din ang pwede kong malapitan ngayon," sabi ng binata na bahagya namanf nalungkot. "Ano ka ba? It is my pleasure na tumulong sa isang kagaya mo, Lars! Actually, I am not trying to brag pero hirap din ako na gastusin ang pera ko. Marami naman akong mga charities but I cant spend all of it," sabi pa ng dalaga. "Mabuti ka pa, marami kang pera... subalit matanong ko na lang din... single ka ba o may asawa?" Aminado naman si Lars na kahit siya ay kinabahan sa kanyang tanong sa dalaga. "Don't worry, single na single ako. Wala lang din talaga akong time na mag hanap ng boyfriend. And besides, mataas din kasi ang standard ko sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong syota." Sa isip ni Lars, baka siya na ang magpa t***k sa puso ng dalaga sapagkat parehas na naman silang single. Sadyang akit na akit lamang siya sa hitsura ng dalaga na di hamak na mas maganda pa kay Angel. Samantala, nagpa cute naman si Angel kay Lars at para bang sinasabi ng kanyang malagkit na tingin na gusto niya rin ang binata. "Uy, grabe naman ang titig mo sa akin, Mr. Lars? Baka naman bigla akong matunaw niyan hehe?" Pag bibiro pa ng dalaga. "Oh I am so sorry, hindi ko lang din talaga sinasadya. Ang ganda mo kasi talaga eh... siguro ay maraming mga lalaki ang nagkakagusto sayo... tama ba ako?" "Well, again, mataas ang standard ko sa mga lalaki kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa akong mapili. Eh ikaw, gwapo ka namang lalaki ha? Sure din ako na maraming mga babae ang nagkakandarapa sayo." Sa isip ni Lars, para bang nagi guilty siya sapagkat nag sinungaling siya sa magandang dalaga na tumulong sa kanya. "Wala eh, ano ba naman ang palag ng pagiging gwapo sa mga lalaking mapera? Sa panahon ngayon, mahirap ang buhay kaya mas pipiliin na ng mga babae ang maging practical." "Siguro sa ibang babae? Pero ako kasi, hindi naman ako gumagamit ng lalaki para lang umangat ako sa buhay. Talangang nag sariling sikap lang din ako para makamit ko lahat ng mga natatamasa ko ngayon." Proud namang ngumiti si Lars sa kanya sapagkat di kaya ni Angel na gustong makipag relasyon sa isang lalaki para umangat, si Risa ay isang napaka independent woman na nag sariling sikap sa kanyang buhay. Matapos naman nilang kumain ay pinag shopping pa ni Risa ng mga damit at ibang gamit si Lars. Sapagkat alam niya na ang lalaking ito ay walang kakayahan upang bilhin ang mga ito. Way na rin ito ni Risa upang makuha ang loob ng binata. Habang nasa biyahe sila papunta sa magarang mansyon ni Risa, halos hindi na mapakali si Lars sa dami ng mga biniling gamit para sa kanya ng magandang binibini. "Salamat Risa, ngayon lang ako naging masaya ng ganito." "You are very much welcome, Lars! Consider that as my help na rin and I am expecting na babagay sayo ang mga isusuot mo." Nang makarating naman sila sa mansyon ni Risa, halos hindi makapaniwala si Lars sa laki at lawak ng mansyon ng dalaga. "Wow! Sobrang laki naman nito, hindi ako lubos maka paniwala na ganito pala kalaki ang mansyon mo," namamanghang sabi pa ng binata. "Ganyan talaga siguro kapag nag sumikap sa buhay-" Tatapusin pa lang ni Risa ang kanyang pag sasalita ng bigla namang nag ring ang kanyang cellphoje. Tiningnan niya ito at sobrang importante pala ng kanyang tawag. "Sorry Lars, would you mind if I just answer my call? Sobrang importante lang din kasi nito. I promise na babalik din ako kaagad pagkatapos ng ilang minuto." "Ay sige, ayos lang naman sa akin," mabilis na sagot pa ni Lars. Dumistansya naman si Risa at sinagot niya ang tawag sa gilid ng pool. Unti unti namang nag laho ang ngiti sa kanyang mukha ng mag salita ito. "Dad? Napatawag ka?" Sabi niya pa na parang pagalit. "Risa, kamusta ka na? Alam ko na mayroon ka pa ring tampo sa akin dahil sa mga nagawa ko sayo pero tatau mo pa rin ako. I still cannot believe na nagagawa mo akong tiisin ng ganito!" She started rolling her eyes in annoyance, "Because Dad, you are forcing me to marry someone na hindi ko naman mahal. It is just so wrong you know? I hate to admit it pero wala nagtatampo talaga ako sayo due to that. Kung tutuusin ay maayos naman ang relasyon nating dalawa until that man arrives." "Ano ka ba naman, Risa? Di ba sinabi ko naman sayo na malaki ang maitutulong sa atin ni Cholo sa mga negosyo mo? At bukod pa doon, parehas pa kayong single so what is the problem?" "Dad, I do not need his help so please... let us not talk about that guy anymore because it really annoys me. Hanggat ipinag pipilitan mo siya sa akin, patuloy pa rin akong mag tatampo sa inyo. Kaya mag move on na lang tayo sa kanya okay?" prangkang sabi pa nang dala, napatingin siya sa kinaroroonan ni Lars na mag isa at naka tingin pa rin ito sa kanyang mansyon. "Basta bahala ka, we are in the midst of negotiation. Ipagkakasundo kita sa kanya sa ayaw at sa gusto mo," sabi ng tatayni Risa and then he hang up the call. Yamot na yamot si Risa sa mga nangyayari pero habang naka titig siya kay Lars, napa ngisi ito at naka isip siya ng isang plano!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD