EPISODE 12

1705 Words
Lumapit naman si Risa kay Lars na napa tingin sa kanya. "Sorry, I have to answer an important call. But feel yourself at home, Lars, Ipapakilala kita sa mga tauhan ko sa loob," sabi ni Risa. Pumasok siya sa loob at sinundan naman siya ni Lars na hindi naging komportable ng makita ang mga tao sa loob na masama ang tingin sa kanya. Para bang ayaw nila itong i welcome sa kanilang mansyon. "Everyone, I would like to introduce to you, ang bago ninyong makakasama rito, ang aking bodyguard. Please be nice to him, alam kong biglaan ito pero one of my bodyguards has resigned and I happened to see this guy, sa katunayan nga ay muntik ko na siyang masagasan. So bilang pag hingi ko na rin sa kanya ng sorry, I decided to hire him. Don't worry guys, naniniwala naman ako na isang napaka bait na lalaki nitong si Lars at alam ko na gagawin niya ang lahat para lang magampanan niya ng maigi ang kanyang trabaho." Natahimik naman ang lahat ng mga tao sa pag papakilala ni Risa kay Lars sa lahat ng mga kasamahan nito sa trabaho. Napatingin naman si Risa sa isa sa mga trabahodor niya. "Mang Erwan, please accompany him sa guest room. Doon ko siya gustong mag stay. And I will be coming there later, I just need to take some rest dahil sa pagod ko," pag papaalam pa ni Risa. "Salamat talaga sayo Ma'am! Hulog ka talaga ng langit sa buhay ko," nakangiting sabi ng binata, alam niya na naka jackpot siya sa dalaga na talaga namang isa ring napakayaman pero napaka bait na babae. Napagtanto ni Lars na mas mabait pa itong si Risa kesa kay Angel. Nag ngitian lamang silang dalawa ni Risa bago ito umakyat sa kanyang kwarto. Samantalang, hinatid naman ni Mang Erwan si Lars sa magiging kwarto nito. Nang makarating sila dito, nalula na lamang si Lars sa ganda ng kanyang magiging kwarto. Malayong malayo ito sa dati niyang tinutuluyan sa bahay ng kanyang manugang. "Boy, sa totoo lang, against kami sa pag papatuloy ni Madam sayo dito! Ilang beses na siyang nag tiwala sa mga tao pero paulit ulit lang din siyang sinasaktan," ang sabi ng matandang lalaki. "Wag po kayong mag alala sir! Alam ko po ang pakiramdam ng maloko at sinasabi ko po sa inyo na hindi ako ganung klase ng lalaki. Mayroon po akong delikadesa at marunong akong tumanaw ng utang na loob sa ibang tao," sagot naman ng binata. "Ganyang ganyan din ang sinabi ng dating pinag katiwalaan ni Madam pero ano ang ginawa nila? Talaga namang niloko pa rin sila, kaya wag mo na sana akong daanin sa ganyan. To see is to believe, sige na pwede ka na munang mag pahinga rito. Bababa naman dito si Madam mamaya para i check ka. At isa pa nga pala, bago ang lahat, gusto ko lang sabihin sayo na babantayan ko ang bawat galaw mo dito sa mansyon. Hindi naman sa hindi kita pinag kakatiwalaan pero sigurista lang kasi akong tao," seryosong sabi pa ng matanda. Napa ngiti naman si Lars at walang bakas ng takot na nararamdaman ang binata kahit na ang sama na ng tingin sa kanya ni Mang Erwan. "Wag po kayong mag alala, wala naman po akong gagawing masama pero naiintindihan ko naman po ang pinanggagalingan ninyo. Titiyakin ko po sa inyo na hindi nagkamali si Madam nang pagtitiwala sa akin," sabi ni Lars na naka ngiti pa rin. "Siya nga pala, since bago ka pa lang dito, kahit ngayong araw lang, pwede kang humingi ng pabor sa akin. Ano ba ang gusto mo? Pwede kitang ipag timpla ng kape o baka mayroon kang ibang gusto? Baka kasi bigla mo na lang akong isumbong sa amo natin eh?" "Kape na lang po," sagot naman ni Lars, "Black coffee lang po ang gusto ko sir. Maraming salamat po," sabi niya. Umalis na si Mang Erwan at naiwan na sa loob si Lars na nag mumuni muni sa loob hanggang sa lumabas ito sa balcony kung saan yumakap kaagad sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Sa kanyang harapan, bigla na lamang nag form ang rainbow sa kalangitan at para sa kanya ay mayroon itong malalim na kahulugan. Itiniklop niya ang kanyang kamao sa gigil nito. At pumatak ang luha sa kanyang mga mata ng hindi niya namamalayan. "Pinapangako ko na babalik ako at dudurugin ko ang lahat ng mga taong umapi sa akin. Ang mga tao na minaliit ako at tinrato akong parang basura. Mag tutuos kaming muli ni Andrew at pinapangako ko kay Angel na hindi siya kawalan sa buhay kong ito. Lahat ng mga masasakit na ginawa nila sa akin, hindi ko lamang gagawing doble, ti triplehin ko ang lahat ng ito at di ko sila tatantanang lahat hanggang sa mag dusa sila at dumapa sa putikan. Sa huli, titiyakin ko sa kanila na nasa akin pa rin ang huling halaklak!" ang bulong ng binata na siya lamang din ang bukod tanging nakaka rinig. Habang nakatingin siya sa magandang tanawin sa kanyang harapan, bigla namang dumating si Mang Erwan sa kanyang likuran. "Aba! Tingnan mo nga naman oh? Napaka swerte mo naman iho? Nakita mo ang bihirang bahaghari sa kalangitan. Sa huling naaalala ko ay medyo bata pa ako noong mayroog ganyan akong nakita. Alam mo ba ang ibig sabihin ng rainbow noon sa amin? Pag asa! Kapag naka kita ka ng ganyan, ibig sabihin daw noon ay magiging maswerte ka na sa buhay mo," sambit ng matanda. Pinunasan naman ni Lars ang mga patak ng luha sa kanyang mga mata at pilit itong ngumiti ng lumingon siya kay Mang Erwan na mayroong dalang isang tasa ng kape. "Maraming salamat po Mang Erwan! Sana nga ay magkatotoo po ang sinasabi ninyo dahil ayaw ko na talagang bumalik sa dati kong mala impyernong buhay. Gusto ko nang maging maginhawa ang buhay ko kaya gagawin ko talaga ang lahat para mag bago ito. Eh sino ba naman ang makakapag bago ng buhay natin kung di tayo lang di di ba?" sabi pa ni Lars, puno ng pag asa ang kanyang boses. Samantala, lumapit naman si Mang Erwan sa kanya at binigay ang black cofee sa kanya. Humigop siya at nasarapan si Lars dito. "Wow! Ang sarap po ng kape ninyo-" "Sus! Talaga ba? Baka naman inuuto mo lang ako Lars?" pag puputol ni Mang Erwan sa kanya. "Hindi po! Masarap talaga ang kapeng tinimpla ninyo sa akin pramis," ang paninindigan ni Lars sa kanyang sinabi. "Siya nga pala, Lars? Saan ba ang probinsya mo ha? O nasaan ang pamilya mo?" Bahagyang nawala ang ngiti ni Lars, alam niya na bukod kela Angel ay wala na siyang iba pang maalala kaya naman ay hindi nito alam kung paano niya sisimulan ang kanyang pag sasalita. "Wag mo sabihin sa akin na talagang nag iisa ka na lang sa buhay? Napaka imposible naman niyang mangyari, walang taong nag iisa sa mundo. Ang wika nga nila jan sa ingles ay no man is an island eh. Wala naman sigurong masama kung sasabihin mo ito sa akin di ba?" Still, ayaw pa rin ni Lars na mag kwento dahil sa alam niya na maaari niya itong ikapahamak. At kung mayroon man siyang ibang gustong pag sabihina nito, wala yung iba kung di si Risa na kumupkop at nag bigay ng trabaho para sa kanya. Not anyone lalo na si Mang Erwan na mayroong pag dududa sa kanyang pag katao. "Sa maniwala po kayo o sa hindi, wala na po talaga akong pamilya. Sa katunayan ay lumaki po ako sa isang orphanage at simula noon ay kung sino sino na ang mga nakaka salamuha ko sa aking buhay. Mahirap ang ganitong klase ng sitwasyon, sobrang naawa nga ako sa sarili ko eh. Mahirap po talaga ang walang pera at mas mahirap po na wala akong ibang malalapitan sa oras ng pangangailangan ko," sabi pa ni Lars na muling naalala ang mga masasakit na salitang sinabi sa kanya ng pamilya ni Angel lalo na ang nanay nito na nag bigay sa kanya ng napaka tinding trauma. "Talaga? Kawawa ka naman talagang lalaki ka. Pero anyway, mabait na babae naman si Madam at kagaya mo ay natulungan na rin niya ako sa aking buhay. Ako nga, galing ako sa Tacloban at lumuwas ako dito sa Manila para hanapin ang asawa ko noon na may iba na rin pa lang pamilya. Hanggang sa isang araw, nag lakas ako ng loob na mag apply ng trabaho dito dahil sa kakilala ko at natanggap naman ako. Kaya masasabi kong ma swerte ako sa kanya. Kaya ikaw, wag kang maging abusado ha? Kapag binigay na ni Madam ang kanyang kamay, wag mo nang hilingin ang kanyang braso. Matuto tayong makuntento sa buhay," mahabang salaysay pa ni Mang Erwan. Napa buntong hininga naman ng malalim si Lars na para bang walang pakialam sa sinasabi ng lalaking nasa harapan niya. Ang gusto niya lamang ngayon ay ang mapag isa habang nagkakape kaya lamang ay tila walang lakas ng loob ang binata upang mag salita sa matanda. "Ganun po ba? Di naman po ako isang abusadong tao. Pero kayo na rin naman po ang nag sabi di ba? To see is to believe? Kaya naman handang handa po talaga akong patunayan ang sarili ko kung yan po ang gusto ninyo. At si Ma'am, pinapangako ko talaga sa kanya na handa akong sumalo ng bala sa kanya." "Talaga? Baka mamaya niyan ay tumakbo ka lang? Pero wala namang banta sa buhay ni Madam. Sa katunayan, ang bukod tanging iniiwasan niya lang naman ay ang maka salamuha ang kanyang tatay. Isang buwan na silang nagkakatampuhan at kalat na kalat na ang chismis dito sa mansyon na talagang di na sila nag uusap." Na curious naman si Lars sa narinig niya galing sa bibig ng matanda, "Talaga po ba? Baka naman pwede ko pong malaman ang dahilan?" pag uusisa pa niya. "Eh kasi naman, mayroong pinag kakasundong lalaki ang tatay niya sa kanya. At ang sabi pa nga raw ng ilang kasambahay dito, yung gwapong lalaki na kasama niya nang nakaraan ang pilit niyang pinag kakasundo kay Ma'am kaya nagkakagulo silang dalawa. Ewan ko nga kung ano ang mangyayar sa kanilang dalawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD