bc

Isla Esperanza (Tagalog) [BoyxBoy]

book_age16+
1.3K
FOLLOW
8.6K
READ
bitch
prince
others
student
heir/heiress
drama
comedy
sweet
bxb
bully
like
intro-logo
Blurb

Isla Esperanza ay kilala bilang isang napakagandang probinsiya at dito naninirahan si Steven Nathan Ramirez sa isang hacienda na kilala sa lugar. Sa syudad naman kung saan naroroon si Timothy Park na sunod sa luho, isang binatang lahat ng gusto ay nakukuha at parang nagpapalit ng damit kung mambabae. Kaya hindi na nakapagpigil ang pamilya ni Timothy na ito ay turuan ng tamang leksiyon sa buhay na hindi lahat ng bagay ay laro lang.

Kaya’t ang lola nitong si Silvestre ay ipinatapon s’ya sa Isla Esperanza sakanilang Hacienda kung saan naroroon si Steve.

Ano kaya ang mangyayari sa pagitan ng dalawa kung magtatagpo ang kanilang landas sa lugar na ‘yun? May mabubuo kayang kakaibang pag-ibig o hanggang kaibigan nalang ang turing nila sa isa’t isa?

chap-preview
Free preview
Episode 1
TIMOTHY   Nakarating naman ako sa Isla Ezperanza. Masasabi kung maganda ang lugar dahil sa ganda palang ng mga tanawin dito, fresh air ang halos malalanghap mung hangin. But I don't care, I'm here to do what I want hindi para magbago. Dito ko itutuloy ang mga kalokohan ko sa syudad.   Well, masaya naman ako dahil dito nila ako pinunta because I'm all free, I have freedom. Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin.   Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil nagriring ito, means may tumatawag.   Sinagot ko ang tawag, it was my mom.   "Hello, Ma" I said. Nilapag ko naman ang gamit ko sa magiging kwarto ko dito sa bahay kung saan ako mananatili.   "Nakalimutan kung ipaalam sayo na naka-Off muna ang mga credit cards mo. You are not allowed to use it unless I said" Aniya na nagpalaki sa aking mga mata.   The heck? Akala ko hindi ako mahihirapan dito? How can I live without money?   "Fck? Bakit niyo naman ito ginagawa sa akin, Ma? Pwedi naman ako manatili dito ng ilang taon but not my money. Hindi niyo ako pweding ubusan ng pera" Sabi ko sakanya.   "Learn to live without money, Timo. Masyado ka ng magastos ni wala ka pang negosyong napagkukuhanan mo ng pera. Good bye, and enjoy your vacation" Aniya.   Nang-aasara talaga sila, e. Paano ako mabubuhay ng wala man lang pera? I have my cash in my wallet pero hindi ito sakto sa loob ng bakasyon.   Lumabas ako ng kwarto dahil tanghali na ng makarating ako dito. Malayo layo rin ito sa syudad kaya mahihirapan din akong pumunta doon para magbar.   Fck, talaga hindi pweding wala akong pera.   "Good afternoon, Seniorito" Bati sa akin ng isang katiwala dito sa bahay.   This house is old pero mukhang matibay parin naman. Mananatili ako dito sa hacienda ng pamilya namin pero paano ako mabubuhay dito kung wala naman akong kasiyahan?   "Where's the kitchen?" Tanong ko since this is my first time na nakapunta ako dito.   "Dito po, Seniorito," Anito kaya sinundan ko naman siya.   Nakahanda naman na ang mga pagkain sa hapag, Bigla akong nagutom dahil sa dami. Patay gutom? No! I'm just hungry dahil hindi ako kumain simula pa kaninang umaga.   And I think the foods are delicious kaya nakakatakam siyang kainin.   May mga katulong naman doon na nakasuot ng usual uniform nila. Well, i don't care.   Umupo nalang ako at kumain, wala ako sa diet ngayon since these foods are delicious.   "Ang gwapo niya kumain, Neng."   "Sobra, parang ang sarap niya."   Bulungan naman ng mga maid. Tss, I'm used to it, guys.   Sanay na ako sa mga ganiyang bulungan sa school palang. Kaya madali narin para sa akin ang makahanap ng babaeng maikakama.   Patay malisya nalang akong nagpatuloy kumain. Pagkatapos ko ay umalis agad ako doon, gusto kung libutin ang hacienda.   Lilibutin ko muna bago ako magpaplano ng mga dapat kung gagawin sa aking mga kalokohan para ibalik nila agad ako sa syudad.   Nagpasama lang ako kay manong Perding, isa sa mga katiwala dito.   "Seniorito, Sakay po kayo sa kalesa upang hindi po kayo mapapagod" He said na itinuturo ang isang sasakyan na isang kalabaw ang magmamaneho.   What the? Anong klaseng sasakyan iyan? Mas mabuti pang maglalakad nalang ako kesa sumakay sa isang maduming kalesa tulad niyan.   "Maglalakad nalang po ako" Kahit na isa akong brat I do respect ang mga matatanda.   Hindi naman ako masyadong masama katulad ng iniisip ng mga magulang ko. Babae lang at kalokohang ang mga ginagawa ko pero sa pagrespeto sa mga matatanda ay marunong ako.   And I'm sorry for my grandmother dahil nasigawan ko siya, ayoko lang kasi na inilalayo ako sa kaligayahan ko.   "Malayo po ang lalakarin ninyo, Seniorito. Mas mabuti pa hong sumakay na kayo dito" Pamimilit pa nito.   Dahil nga sa pagod rin ako byahe, kahit na nandidiri dahil sa dumi ay sumakay ako.   Si mang Perding naman ang nagmaneho sa kalabaw at nagsimula na nga itong maglakad papunta sa hindi ko alam dahil hindi ko talaga alam ang lugar na 'to.   Habang nasa byahe kami kung saan ang tanawin na makikita mo ay mga, sugar cane, may mga tao ring nag haharvest.   "Ito po ang tubo na pagmamay-ari ninyo. Sugar cane po inenglish at ang head nito ay si Ferdinand" Pagsasalita ni Mang Perding.   Tumigil kami saglit at nagsilapit naman sa amin ang mga trabahante.   "Maganda araw po, Seniorito. Kayo po pala ang apo ng mga Park" Sabi ng isang lalaki na nasa edad 40.   Ngiti lang ang isinagot ko sakanila at nagpakilala naman sila, si Mang Ferdinand 'yung lalaking unang bumati sa akin.   Nagpatuloy kami sa paglilibot at napunta kami sa part na mga palayan ang tanim.   Then I see a guy? Or a girl? I don't know.   Naglalakad siya sa palayan na kumekembot kembot pa, then I can't help myself but to laugh dahil sa kanyang ginagawa. Bigla rin kasi itong nadapa at nagpatuloy ulit.   Dumiretso naman siya sa isang kubo kung saan may mga tao roon na nakatambay. Doon din ang punta naming dalawa ni Mang Perding.   Pagkalapit namin doon ay napatingin sila sa aming lahat.   "Magandang araw po, Mang Perding. Sino ho itong kasama niyong gwapong binata?" Tanong ng isang may edad ng babae.   "Siya ang isa sa mga apo ng mga Park, Andito siya upang bantayan tayo sa ating mga gawain" Sabi ni mang Perding.   May silong naman dito at masarap pa ang simoy ng hangin sa paligid.  Nilibot ko naman ang paningin ko at nakita ko iyung taong kanina ko pa tinitignan, confirmed he's gay.   May kinukuha siya sa dala dala niyang basket at pinamimigay niya sa bawat taong nandito. Siguro'y mga nasa 15 ang taong andito ngayon.   "Steve, Nak" Sigaw ni Mang Perding at lumingon sa aming pwesto ang bakla.   Lumapit siya sa amin dala dala ang basket na naglalaman pala ng mga pagkain.   "Bakit ho 'tay?" He said then tumingin sa akin at bakit hindi na niya maialis ang tingin niya? And also me, hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.   "Hoy, Steven. Umayos ka, huwag ka ngang babakla bakla diyan" Tinapik siya ng kanyang ama.   Napaayos naman ito ng tayo at tumingin kay mang Perding kaya naputol ang titigan namin. Baka siya lang?   At may biglang pumasok na idea sa aking isipan. Gumuhit ang isang ngisi sa aking labi.   Well, I am not into gay because I'm pretty sure that I'm straight. Hindi naman ako galit sakanila pero hindi ko rin sila gusto.   At dahil nga sa gusto ko magrebelde dahil inilayo nila ako sa syudad. I'm going to play, at gusto kung paglaruan ang baklang ito. Siguradong masaya iyun. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.5K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.2K
bc

NINONG III

read
364.6K
bc

My Favorite Subject

read
218.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook