STEVE Nandito lang ako sa loob ng bahay dahil wala naman akong gagawin ngayong araw. Hindi rin bumisita si Timothy dito dahil siguro busy iyon. Dalawang araw narin kasi magmula ng opisyal na mayroon ng kami. May level na 'yung friendship namin turns into relationship. Kaso nga lang hindi parin ako pumapayag na sabihin niya sakanyang parents maging sa aking mga magulang. Gusto ko munang itago sakanila hindi dahil sa hindi pa ito ang tamang oras, kundi gusto ko munang masulit 'yung meron kami dahil baka kapag sinabi namin ay biglang magbabago ang lahat. Natatakot lang ako sa resulta. Gano'n naman ang mga tao, e. Natatakot sumubok dahil pinangungunahan sila ng iniisip nilang magiging resulta. Hindi pa nga rin ako makapaniwala na 'yung masungit kung amo, I mean 'yung kababata

