STEVE Ilang minuto lang ang binyahe namin ni Limuel at nakarating kami dito sa baranggay na nagdiriwang ng kanilang fiesta. May mga bandiritas sa taas na simbulo na may kasiyahang magaganap. Pumunta kami sa isang bahay na hindi ko alam kung kanino 'to. Pinagbuksan naman kami ng isang dalaga kaya pumasok na kami agad. "Oh, andito na pala si Limuel. Mabuti naman at hindi ka nahuli, iho." Salubong sa amin ng isang matanda. "Kasi 'La, kinuha ko pa po kasi itong kaibigan ko sa Hacienda Park." Sagot ni Limuel. "Osiya sige pumasok na kayo sa kusina ng makakain na kayo." Pumunta na kami sa kusina nitong bahay na hindi naman gano'n kalakihan pero sakto na sa dalawang pamilya. Medyo vintage rin ang disenyo nito. Maraming pagkain ang mga nakahain sa lamesa kaya umupo na ka

