STEVE "Sino ba ang mga 'yun? Masyado silang mayayabang hahaha, ang epic pa ng mukha nila ng sabihin namin kung sino kami" "Mmm?! Yumabang ka narin, e." Sabi ni Patty kay sir Marco na katabi niya. Nasa may restaurant kami dito sa bayan, naisip kasi nilang dalawa pagkatapos ng entrance exam ay kumain kami sa labas at mamasyal. Sinusulit narin kasi namin ang natitirang araw ng bakasyon dahil sigurado kaming pagkatapos nitoʼy magiging busy kami sa skuwela. "Sila? Hindi namin kilala 'yung apat na mga payaso pero 'yung lider kuno nila ay si Jenny, ang kaibigan namin dati na insecure na insecure kay Steve." Pagkukuwento ni Patty kaya tango tango naman ang isinagot ni sir Marco sakanya. "Hayaan niyo nalang sila, hindi na dapat pinapatulan ang mga makikitid ang utak." Sabi k

