STEVE Suot ang pangligong damit, kaming apat ay nasa tubig ng batis at nagtatampisaw pagkatapos naming magpahinga ng ilang sandali ng makatapos kami kumain. Nasilayan kong muli ang perpektong katawan ng dalawa at hindi ko maitatangging napakanda. Pero pinagsawalang bahala ko dahil baka mapagkamalan pa akong pinagpapantasyahan sila. “Ang lamig ng tubig at ang sarap sa pakiramdam. Namiss ko 'to. Whoooook!” Sigaw ni sir Marco. Namiss? Parang may alam si sir Marco na hindi ko alam, nakakahalata narin ako dito, e. Pero bahala na at least siya naalala niya kaming dalawa. Siguro'y hinihintay nalang din niyang si sir Timothy naman ang makaalala ng pinagsamahan namin. Umupo ako sa gilid ng batis sa may mga bato, pinapanood ko si Patty at sir Marco na naghahabol-habulan. Medyo ma

