KABANATA 2

1850 Words
"Aidan!" Napalingon ang binata ng marinig niya ang pangalan niya. Isang lalaki ang lumapit sa kanya at ngumiti siya rito. "Kanina pa kita hinihintay," ani Luis. Umupo ang lalaki sa harap ng table niya tapos tumingin sa lugar na tinitingnan niya kanina. "I saw Pamela and Devon, hindi ko lang sigurado kung sila ngayon dahil never silang pupunta sa ganitong lugar," wika ni Luis. "Sino naman sila?" Tanong niya. "Pam, is my ex-girlfriend and Devon is her bestfriend." Bigla siyang napahinto ng maalala niyang ang pangalang binibigkas ng dalawang babae kanina. Devon, and Pam. "Exciting!" Hindi niya napigilang bigkasin na ikinalingon ng kaibigan niya. "Forget it may naalala ako." Nilagok niya ang nasa baso niyang alak pagkatapos muling tumingin sa kaibigan niyang si Luis. Pinagmasdan ng kaibigan niya ang paligid. "Bakit mo pala naisipang pumunta sa ganitong lugar? Hindi ito ang lugar na kinagawian mo safe ba rito?" Tanong ng kaibigan niyang si Luis. Hindi kasi ito ang lugar na nakasanayan niyang puntahan. Madalas kasing nasa condo siya kasama ang ibang barkada O 'di kaya'y nasa mamahaling resto bar siya naglalagi. Ito ang unang beses niyang tumuntong sa lugar na ito. "Just to experience the ambience," mabilis niyang sinipat ang nasa paligid. "I saw a fallen angel here." Tinapik siya sa balikat ni Luis. "Ilan ang ang dala mo?" Salubong ang kilay ni Aidan. "What?" "How many condoms do you have? You said fallen angel, marami ba ang babae na pwedeng magdala sa atin sa heaven ngayong gabi," sabay ngisi nito. "That's not what I mean," sabay tungga niya ng alak. "Ano ba yung fallen angel na nakita mo?" Muli niyang sinariwa ang babaeng naka-engkwentro niya kanina. "Never mind." "Ang labo mo!" Sinaid ni Luis ang alak na nasa baso niya. "Sinabi mo kanina na nakita mo ang ex-girlfriend mo?" Tumungo si Luis. "Yeah, pero mukhang hindi sila iyon kilala ko si Pam at si Devon never silang pupunta sa low class na bar na katulad nito baka kamukha lang nila iyon." "Do you have a picture of your ex-girlfriend?" Nakakunot ang noo ni Luis ng tumingin kay Aidan. "Bakit mukhang interesado ka sa kanila?" "I just want to confirm kung sila yung dalawang babae na lumapit sa'kin at gustong maki-table sa'kin kanina." Tumawa ng malakas si Luis. "You're crazy!" "Why? Hindi mo ba matanggap na mas lapitin ako ng mga babae kaysa sa'yo." "Maybe yes, but not Pam, and Devon" Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. "I have pictures with them on my social media account ko wait." Ilang minuto nag-aabang si Aidan sa kaibigan habang hinahanap sa social media niya ang larawan. "Here!" Ipinakita sa kanya ang picture ng dalawang babae. "Yung nakayakap sa'kin si Pam at yung katabi niya bestfriend niya." "Sila ngayon." "See they are beautiful and sexy." "Yes, If I am not mistaken sila ang kaninang lumapit sa'kin kanina." Lumitaw ang kunot ng noo ni Luis sa sinabi ni Aidan. "Are you sure?" Muli niyang nilagyan ng alak ang kupita niya. "Ibig sabihin sila nga ang nakita ko kanina pero bakit nandito sila?" "Tatawagan ko si Pamela para malaman ko ang dahilan." Umiling si Aidan. "Wala na kayo pero bakit kailangan mo pa siyang tawagan?" "We're good friends." "How can you accept that your ex-girlfriend would be your friend? After all that has happened to both of you. Ilang beses na ba kayong naglaro sa apoy dalawa at halos yata pati nunal niyo sa buong katawan kabisado ninyo na tapos friends kayo. Huwag mo akong lokohin," sabay said niya sa alak na nasa kupita niya. "Wala akong pakialam kung hindi ka maniwala," pagkatapos tinawagan ni Luis ang ex-girlfriend niyang si Pamela. Ilang minuto rin nag-usap ang dalawa pagkatapos nakangiting tumingin si Luis kay Aidan. "Aidan, are you bored?" Salubong ang kilay ni Aidan. "Huh?" "I mean gusto mo ba ng konting trip sa buhay?" "What do you mean?" "Remember my Ex-girlfriend Pam? Tama ka, silang dalawa pumunta sila rito sa lugar na ito at alam mo ba ang dahilan?" Sabay ngiti ni Luis. "Hindi ako manghuhula." "Wala kang kwentang kausap." "Sabihin mo na ng diretso 'wag ka ng magpaligoy-ligoy." "Yung bestfriend ni Pamela na si Devon, naghahanap ng part time boyfriend." "I see…" "I recommend you as a part time boyfriend." "What!" "C-mon Aidan nakita mo naman siguro ang itsura ni Devon. Maganda siya at sexy pantasya siya ng mga lalaki. Hindi ka na lugi kung maging part time boyfriend niya dahil bukod sa babayaran ka niya ng malaki may free will ka pa sa kanya," sabay kindat ni Luis. "No way!" "Nine days lang naman. Sinabi ko na kay Pam na may i-recommend ako sa kanya at ikaw iyon." Dahil sa sinabi ng kaibigan niya ay magkakasunod niyang ininom ang alak. "You're crazy." "Isipin mo na lang Aidan, pwedeng-pwede mo siyang dalhin sa langit ng walang kahirap-hirap." "Anak ako ni Rodolfo Demarco ang isa sa mayaman sa bansang ito hindi ako papayag sa gusto mong magpanggap na mahirap para maging part time boyfriend ng isang babaeng frustrated ng magka-boyfriend." "Are you sure hindi mo tatanggapin ang alok ko sa'yo?" Tumingin si Aidan. "Yes." Nagkibit-balikat si Luis. "Fine, sa iba ko na lang iaaalok ang offer na ito." Huminga ng malalim si Aidan at tumingin kay Luis. "Okay! I will accept." Ngumiti si Luis. "Allright!" Tinaas ni Luis ang kopita. "Cheers!" "Cheers!" Pagkatapos ipinagpatuloy nila ang pag-inom ng alak. ********* "Should I need to wear like this!" Hindi mapigilan ni Devon ang inis sa kaibigan na si Pam. Pinagsuot kasi siya ng sexy dress na kitang-kita ang dibdib niya at legs niya. Saglit na tiningnan ni Pam ang kaibigan. "Perfect ka na diyan pero kailangan lagyan kita ng make up para mas bagay sa suot mo." "Pamela!" Tawag niya sa buong pangalan sa kaibigan. Kapag ganito kasi ang tawag niya rito ibig sabihin galit na siya. Ngunit tila hindi natinag ang kaibigan. Hinila niya ang braso ni Devon. "C-mon! Lagyan na kita ng make up." "Bakit kailangan kong gawin ito? Isang bayarang lalaki lang naman ang makikita natin. Why should I need to be beautiful and super sexy?" Napahalukipkip si Pamela. "Kailangan makita ng lalaki na magiging boyfriend mo na maganda at sexy ka para hindi siya mag-back out." She rolled her eyes. "Wow! Siya pa ang may ganang mag-demand? Babayaran ko siya ng triple anong dapat niyang ireklamo. Part time boyfriend ko lang siya at hindi ko siya boyfriend. Dapat ako ang may karapatang magreklamo." "I swear hindi ka magsisi sa nakuha kong part time boyfriend mo dahil mukha siyang mayaman at may pinag-aralan plus he's tall, hot and handsome," sabay kindat ni Pamela. "Whatever!" Sabay irap ni Devon. "Wag ka ng umangal Devon. Isipin mo na lang umattend ka ng party." "Okay!" "That's good." Dalawang oras ang lumipas bago sila nakarating sa sikat na restaurant sa makati. Kumuha sila ng VIP table para malaya silang makapag-usap ng lalaki. "Anong oras ba darating ang lalaking iyon?" Wika ni Devon. Ilang beses na kasi siyang nakatingin sa wrist watch niya at nakakaramdam na siya ng inip. "Nandito na raw siya sa place na ito baka hinahanap niya ang table natin." "Tsss… Baka hindi pa siya nakarating sa lugar na ito siguro naligaw na." "Hi! Good morning, ladies!" "Good morning, Aidan." Tumayo si Pamela. Parang slow motion na lumingon si Devon sa lalaki. Gano'n na lang ang gulat niya nang makilala ang lalaking nasa harapan nila. Tumayo siya. "You!" Napalakas pa ang pagkakasabi niya. Isang matamis na ngiti ang tinugon ng lalaki. "Hello! My name is Aidan, how about you?" Inilahad pa niya ang kamay nito. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Agad niyang napansin ang malalim na dimples nito at ang malinis nitong pananamit. Matangkad at malaki rin ang katawan ng lalaki dahilan para magmukha siyang model ng underwear. Sino nga ba ang mag-aakalang na mahirap ang lalaki dahil kahit ang balat nito ay makinis at maputi. "Bakit ikaw?!" "Devon, wag ka ng kumontra perfect 'yan sa hinahanap mong boyfriend," sabad ni Pamela. Matalim na tingin ang ipinukol ni Devon sa lalaki. "Ang akala ko, okay na sa kanya? Mukhang ayaw niya aalis na lang ako," pumihit si Aidan patalikod upang umalis. "Sandali lang!" Sigaw ni Devon. Huminto naman si Aidan at humarap sa kaniya. "My name is Devon, come and join us," sabay umupo siya. Umupo naman si Aidan na kaharap niya. "Ehem! Siguro naman hindi na ako kailangan dito. Mas maganda siguro kayong dalawa na lang ang mag-usap ng mga dapat gawin, right?" Sabay tayo ni Pamela. "Lahat ba ito in-order mo?" Tanong ni Aidan. "Yes, Kumain ka hanggang sa mabusog ka. Alam ko namang hindi ka nakakain ng mga 'yan." "Of course not! Kaya pa naman siyang bilhin ng pera kaya makakabili pa ako. Hindi naman ito para sa mayayamang katulad mo lang 'di ba? Basta kaya mong bumili ng pagkain pwede ka rito." Pang-asar na ngumiti si Aidan. "Whatever!" Sabay irap niya. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Aidan. Huminga ng malalim si Devon "Anyway, siguro sinabi na sa'yo ni Pamela ang dahilan kung bakit ka nandito magiging part time boyfriend kita sa loob ng nine days. Kailangan mong maging boyfriend ko lalo na kapag nandyan ang lolo ko at si kuya." "Okay, what else?" Salubong ang kilay ni Devon. "What do you mean?" "Wala ba tayong rules? Alam mo naman kapag sinabing boyfriend sa panahon ngayon marami ng free will like hug, kiss, touch or even make love ay ginawa ng mga magkasintahan." Tumawa si Devon. "Sinuswerte ka naman 'yata triple na nga ang ibabayad ko sa'yo gusto mo may ganyan pa." "So paano mo matatawag na boyfriend? Uso pa ba ang pagsibak ng kahoy at paghaharana sa panahon ngayon?" "Hindi ako papayag kung 'yan ang gusto mo." "Fine, maghanap ka ng lalaking part time boyfriend mo na kasing gwapo at hot ko na papayag na walang hug at kiss," tumayo si Aidan at naglakad palabas ng restaurant. "Damn it!" Tikom ang kamao ni Devon sa galit. Pagkatapos ay huminga ng malalim. "Come back here!" Huminto si Aidan at ngumiti sa kaniya. "Pumayag ka na?" "Pumapayag na ako pero sa harap lang ni lolo at kuya. Kapag ginawa mo 'yun na hindi sila kaharap papatayin kita." "How about make love?" Pilyo siyang ngumiti. "Fvck you! Pervert!" Tumawa si Aidan. "Just kidding. Okay pumapayag na ako nasaan ang paunang bayad ko," inilahad niya ang kamay niya. Gigil na gigil sa galit si Devon habang kinukuha ang cheke sa bag niya at pinirmahan. "Siguraduhin mong tutupad ka sa usapan kapag niloko mo ako hindi kita hahayaang mabuhay pa." "Kaya ka siguro walang boyfriend kasi lagi kang galit. Sayang ang ganda mo kung papangit ka lang dahil lagi kang galit." "You're the only one who told me that way." "Because from now on I'm your handsome and hot boyfriend," sabay kindat niya. "Conceited!" Lumapit si Aidan sa kaniya at tinitigan siya sabay yumuko upang magpantay sila. Pagkatapos tinapat ni Aidan ang labi sa tenga ni Devon. "I love you too," biro nito sa kanya. Tumawa ito ng malakas habang palabas ng restaurant. "Damn it!" Sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD