KABANATA 3

2816 Words
Ilang beses na sinipat ni Devon ang relong pambisig habang nakatanaw sa kalsada. Mahigit isang oras na siyang naghihintay kay Aidan ang driver na na-hired niya para magpanggap na boyfriend niya sa loob ng siyam na araw. “f**k! Kung hindi ko lang kailangan ng boyfriend hindi ako magtitiis na maghintay sa gunggong na ‘yon.” Hinampas pa niya ang manibela niya sa inis. Limang minuto pa ang lumipas ay lumabas siya sa kanyang kotse at inis na hinintay si Aidan. Ang usapan kasi nilang dalawa ay magkikita sila ng alas-otso ng umaga upang sabihin sa lalaki ang mga dapat gawin at mga dapat malaman tungkol sa kanya. Papipirmahin niya rin ito ng kontrata para siguradong hindi na ito umurong. “Hello, Babe.” Napalingon si Devon nang marinig niyang ang boses na mula sa kanyang likuran. Tumaas ang kilay niyang tumingin dito. Nakita niya si Aidan na nakasuot ng puting t-shirts at maong na blue pants. “Do you know what time it is?” Pagtataray niya. Sinipat ni Aidan ang wrist-watch niya. “Alas-onse ng umaga." Sabay ngiti nito. Nagtagis ang bagang niya sa inis sa lalaki. “Do you really want to make me angry?” Nagkibit-balikat siya. “Ikaw kung trip mo magalit, ikaw ang bahala.” “Hindi mo ba alam na kanina pa ako naghihintay sa ‘yo rito! Ako ang boss mo pero ako ang pinaghintay mo ng matagal!” sigaw ni Devon. “Naririnig kita hindi mo kailangan sumigaw, traffic kaya natagalan akong dumating.” Huminga ng malalim si Devon upang mabawasan ang galit niya sa lalaki. “ Tandaan mo, isa sa mga ayoko ay ang pinaghihintay ako ng matagal.” Sabay talikod.“Let’s go!” sigaw ni Devon. “Yes, Madam.” Pang-asar pa siyang ngumiti kay Devon. Umakyat ang dugo ni Devon sa galit nang umupo sa likuran ng kotse si Aidan. "Bakit diyan ka umupo?" Inis niyang tanong. Napakamot sa ulo si Aidan. "Dito maluwag. Bakit gusto mo ba akong makatabi?" Sabay kindat nito. She rolled her eyes saka binigay ang susi ng kotse. "Ikaw ang mag-drive." Lumabas si Aidan para lumipat ng puwesto at siya ang nag-drive ng kotse. Hindi maipinta ang mukha ni Devon habang nakatingin sa kalsada. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin siya sa lalaki dahil pinaghintay siya ng matagal. "Babe, huwag kang sumimangot papangit ka niyan," wika ni Aidan. Matalim na tinitigan niyang si Aidan. "Paanong hindi ako sisimangot nakikita ko 'yang mukha mong nakakainis." Sabay irap niya. "Siguro may crush ka sa 'kin kaya mo ako tinitigan." Kumindat pa si Aidan sa kanya. Pinikit ni Devon ang mga mata niya. "Manahimik ka hindi ko kailangan ng kausap." "Ang sungit mo naman tatanda kang dalaga kapag ganyan ka." "The hell you care!" "Sungit." Ipinikit ni Devon ang mga mata upang matigil na ang ingay ni Aidan. Hindi kasi ito titigil kung hindi siya mananahik. Dinala ni Devon si Aidan sa kanyang bahay upang ituro ang mga dapat gawin at sabihin na rin ang mga bagay na tungkol sa kanya. “Isa sa mga tatandaan mo na ayoko ng kulay pink, yello, yellow green at violet," wika niya habang inaabot ang tatlong pirasong papel na naglalaman ng kontra nilang dalawa. Isa-isang tiningan ni Aidan ang nakalagay sa kontrata. “Bakit ayaw mo ng mga pangbabae na kulay? Kung sabagay hindi ka naman mukhang babae.” Sabay tawa niya. Nagsalubong ang kilay ni Devon. “ Anong sinasabi?” “Mga babae gusto ang kulay pink ikaw lang ang ayaw.” Nameywang siya. “Ano ba ang pakialam mo?” Nag-peace si Aidan kanya. "Miss. Sungit." Nakaka-badtrip ang lalaki na 'to. Grr!" Muli niyang ipinaliwanag kay Aidan ang mga dapat gagawin kapag dumating na ang kanyang Lolo at Kuya Tim. Nagdala naman ng pagkain ang katulong ni Devon. Nagsalubong ang kilay ni Aidan habang binabasa niya ang kontrata. Pagkatapos nitong basahin ay binitawan niya ang kontrata. Walang kaalam-alam si Devon na hindi pa niya pinirmahan ang kontrata na binigay niya. "Kapag tinanong ka ng Lolo ko sabihin mo matagal na tayong magkasintahan at may plano na tayong ikasal," wika ni Devon, habang umiinom ito ng juice. Tumango si Aidan. "Bakit kailangan mong magsinungaling sa kanila?" "Kailangan kong gawin 'yon para ibigay sa 'kin ang mana ko. Nag-iisang babae na lang ako sa pamilya kaya ang gusto ng Lolo ko ay makita niya akong may sariling pamilya bago siya mawala sa mundo. Ang Lolo ko na 'yon ay masyadong advance mag-isip kailangan talaga ako ang gustong magkaroon ng pamilya." Hinilot niya ang sintindo niya dahil sa nararamdaman niyang sakit ng ulo. "What's wrong? Kanina pa kita napapansin na hinihilot ang ulo noo mo." "Hangover napadami ang ininom kong alak kagabi kaya masakit ang ulo ko." "Ayoko sa girlfriend ko na mahilig sa party." Tinitigan ni Devon ng masama si Aidan. "Hindi mo naman ako girlfriend." "Pero simula bukas girlfriend na kita kaya huwag ka ng mag-party ng hindi ako kasama." Tumayo si Devon sa kinauupuan niya. "And who are you to forbid me from doing what I want to do? Did you forget? Binabayaran kita para maging boyfriend ko at hindi ang makialam kung ano ang gusto kong gawin." Sabay irap niya. Nakipagtitigan si Aidan sa kanya. "Baka nakakalimutan mo rin Miss. Devon, Kung hindi ako papayag na maging boyfriend mo, hindi ibibigay sa 'yo ang mana ng Lolo mo. Paano kung magbago ang isip ko ngayon? Makakanap ka ba ng lalaki na magpapanggap na boyfriend?" Umigting ang panga ni Devon habang nakatitig siya kay Aidan, samantalang si Aidan ay pang-asar na nakangisi sa kanya. "You are so clever," wika ni Devon. Ngumisi siya. "Kailangan kong gawin 'yon para sa pinangangalagaan kong reputasyon. Kung ayaw mong sumunod sa gusto ko. Ngayon pa lang ay maghanap ka ng kapalit ko dahil mag-quit na ako." "Hindi mo magagawa 'yan! Nagbayad na ako sa 'yo at pumirma ka na ng kontrata." Dinukot ni Aidan ang pitaka niya sa likod ng bulsa ng pantalon niya at iwinagayway ang cheke na binigay sa kanya. Dinampot din nito ang kontrata na binigay kanina niya kanina. "Wala pa akong sign dito kaya malaya akong umayaw." Sabay ngiti niya. Huminga ng malalim si Devon. "Okay, hindi na ako magpa-party kung hindi ka kasama, happy?" Inis niyang sabi. Ngumiti si Aidan. "Mayroon din akong kontrata na dapat mong sundin." Nilabas nito ang white envelope na nakatago sa likod niya. Binigay niya ito kay Devon. "Alangan naman ikaw lang may kontrata ako wala?" Halos malukot sa kamay ni Devon ang papel habang binabasa niya ang laman ng kontrata ni Aidan. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng isang empleyado na may sariling kontrata. "f**k you!" hindi napigilan sambitin ni Devon. "Mas maganda siguro kung sasabihin mo na— f**k me." Sabay kindat niya. "Inuubos mo ba talaga ang pansensiya ko. Isang hamak na driver ka lang kung makapag-demand ka sa katulad kong mayaman akala mo may karapatan ka na." Seryosong tumingin si Aidan sa kanya. "Hindi ibig sabihin na driver lang ako ay kaya mo na akong paikutin sa palad mo. Baka akala mo, hindi ko alam kung anong nakalagay sa kontrata mo? Kapag hindi kita sinunod ay ipapakulong mo ako." Namutla si Devon sa sinabi ni Aidan. Hindi kasi niya akalain na maintindihan nito ang kontrata na binigay niya. Sinadya pa naman niyang gumamit ng malalim na english words para hindi nito maintindihan ang nakasulat. "K-Kailangan kong gawin 'yon dahil baka lokohin mo ako." Nanlaki ang mga mata ni Devon nang itaas ni Aidan ang kontrata at pinunit-punit sa harapan niya. "What did you f*****g do that!" sigaw niya. Lumapit si Aidan sa kanya. Halos magkadikit na ang mukha nila. Matalim ang tingin sa kanya ni Aidan kaya naging malikot ang mga mata niya. Nasa kusina ang mga katulong niya kung may masamang gawin sa kanya ang lalaki kailangan niyang sumigaw ng malakas o tumakbo papunta sa kusina. "I will f*****g quit!" Sabay talikod nito. Hinagis nito ang cheke na binigay niya at dire-diretsong umalis. "Damn it! Come here! Aidan!" sigaw ni Devon ngunit hindi siya nito pinansin. Hinabol niya si Aidan ngunit wala na ito. "Paano siya nakaalis agad?" Tinanong niya ang hardinero niya kung nakita si Aidan. Wala naman siyang kotse at lalong hindi nito ginamit ang kotse na pinag-drive niya kaya imposibleng makaalis ito agad ng gano'n kabilis. "Yung lalaki na nakasuot ng kulay puting damit?" Tumango si Devon. " Yes, siya." "Nakita ko siyang sumakay sa mamahaling kotse," sagot ng hardinero niya. "Okay, thank you." Bumalik siya sa loob ng bahay niya. Marahil plano na talaga niyang umalis kanina pa kaya may naka-abang ng kotse para sundin siya. Nilamukos niya ang mukha niya dahil sa inis. Bukas na darating ang Lolo niya at kailangan niya ng may maiharap na lalaki. "Damn! Damn it!" Hiyaw niya. Ibinato niya ang mga gamit na nahawakan niya dahil sa labis na galit. Mabilis namang lumapit ang katulong niya at niligpit ang mga nabasag. Umakyat siya ng second floor kung saan naroon ang kuwarto niya. Patihaya siyang humiga at nakatulala siya sa kisame. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. "Hays! Bakit ngayon pa siya nag-back out kung kailan darating na si Kuya at Lolo." SAMPUNG minuto pa lang siyang nakahiga sa kama ay narinig na niya na tumutunog ang cellphone niya. "Oh, s**t!" Nakita kasi niya sa screen ang pangalan ng Lolo niya. Nais makipag-video call ang Lolo niya sa kanya. Ang akala niya dahil hindi sinagot ang unang video call nito ay hindi na ito muling tatawag. Ngunit nagkamali siya. Muli itong tumawag sa kanya kung kaya't napilitan siyang sagutin ang tawag. "Yes, Lolo, how are you?" Pilit niyang sagot. "I'm okay, bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo? Nasaan siya?" Ngumiti siya. "Bakit naman boyfriend ko ang gusto mo makita, ako ang apo mo." Sinikap niyang baguhin ang topic. "Lagi na kitang nakikita kapag nag-video call tayo, ang gusto kong makita naman ngayon ay ang boyfriend mo." "Okay, Lolo, bukas-bukas isasama ko ang boyfriend mo sa pagsundo sa inyo sa airport" Lumapad ang ngiti ni Lolo. "Mabuti naman kung gano'n. Bukas magkikita na tayo, Nandito na kami at naghihintay na lang kami na sumakay sa eroplano." "Mag-iingat kayo Lolo." "Mag-ingat din kayo diyan, Apo." Sabay putol ng tawag ng Lola niya. "f**k! Anong gagawin ko ngayon?" Mabilis ang pagpapatakbo ni Devon sa kotse niyang habang papunta siya sa condo unit ng kaibigan niyang si Pamela. Kailangan niyang makahanap ng lalaki na magpapanggap na boyfriend niya. Nang nasa harap na siya ng pintuan ay sunod-sunod niyang pinindot ang doorbell upang marinig agad siya ni Pamela. "Devon, ano naman ba problema mo? Bakit kailangan mong sirain ang doorbell ko?"inis niyang sabi. Dire-diretsong pumasok si Devon sa loob ng condo ni Pamela at umupo sa couch. "I need your help, kailangan ko ng boyfriend ngayon, darating na sila Lolo bukas kailangan ko ng boyfriend na maihaharap sa kanila." Nagsalubong ang kilay ni Pamela. "Pumayag na si Aidan na magpapanggap na boyfriend mo, what happened?" Halata sa mukha ni Devon ang labis na galit nang marinig niya ang pangalan ni Aidan. "Nag-quit siya kanina at binalik ang pera na binigay ko. Ang kapal ng mukha ng lalaki na 'yon, siya pa ang may ganang umayaw ang laki na nga ng ibabayad ko sa kanya. Masyado siyang demanding palibhasa guwapo. Maghanap na lang tayo ngayon ng ibang lalaki." "Alam mo kahit makahap pa tayo ng lalaking magiging part-time boyfriend mo. Ang tanong? Magtatagal ba sa ugali mo?" "Wala naman akong ginawa, bakit parang kasalanan ko pa?" "Bawasan mo ang pagiging suplada mo at matapobre kung hindi mo gagawin 'yan kahit fake boyfriend hindi tatagal sa 'yo." "Okay, Fine, ano ba ang kailangan kong gawin? Desperada na akong makahanap ng boyfriend." "Kausapin mo si Aidan at humingi ka ng sorry sa kanya. Pakiusapan mo siyang bumalik." Nanlaki ang mga mata ni Devon. "Me?" Tinuro pa niya ang sarili niya. "Ako, makikiusap sa kanya? No way! Hindi ko gagawin ang bagay na 'yon." Nagkibit-balikat si Pamela. "Wala na akong magagawa dyan. Hindi na kita kayang tulungan." "Pamela…" sinadyang buuin ni Devon ang pangalan ng kaibigan niya upang ipahiwatig na seryoso siya sa sinabi niya Tumingin si Pamela. "Pupuntahan mo si Aidan or wala kang part-time boyfriend?" Sumigaw ai Devon sa sobrang inis. "The hell! Why should I do this!" "Kailangan mong gawin para sa mana na ibibigay sa 'yo." Bumuntong-hininga siya at nilamukos ang mukha sa matinding inis. Pakiramdam kasi niya ay siya pa ang humahabol kay Aidan. Kung may mahahanap siyang ibang lalaki baka pinagulpi pa niya si Aidan sa matinding galit. Kasama ni Devon si Pamela na puntahan si Aidan sa isang condo unit sa makati. Ang sabi ni Pamela ang condo na tinitirahan ni Aidan ay pagmamay-ari ng matalik nitong kaibigan na nasa ibang bansa. "Mag-doorbell ka katulad ng ginawa mo sa doorbell ko," wika ni Pamela. Inirapan ni Devon si Pamela. "Shut up." "Sige, magsuplada ka para walang part-time boyfriend na pumayag sa 'yo." "Ito na nga gagawin ko na." Pinindot ni Devon ang doorbell. "Wala naman yatang tao." "May tao 'yan." Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Aidan na nakasuot ng boxer shorts. At ang hawak nitong tuwalya ay pinupunas niya sa basa niyang katawan. Napanganga si Devon nang makita niya ang malapad niyang dibdib ang six-packs abs niya. Lumunok siya nang maramdam niyang tila nanunuyo ang kanyang lalamunan. "Wow! Ang init!" Hindi napigilan sambit ni Pamela. "Ay, sorry, katatapos ko lang maligo, pumasok kayo," wika ni Aidan Pumasok si Devon at Pamela sa loob ng condo ni Aidan. Si Aidan naman ay dumiretso sa kuwarto para magbihis ng damit. Napansin ni Devon na bagong-bago ang condo unit na tinitirhan ni Aidan. Halos lahat ng mga gamit ay halatang bagong bili rin. "Bagong condo pa lang ito, bago pa rin ang mga gamit," wika ni Pamela. Tumango si Devon. "Hindi ako interesado kung anong meron dito ang importante sa 'kin ang desisyon niya." Lumabas si Aidan na nakasuot na ng damit at shorts. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Kung nandito kayo para pilitin ako na maging part-time boyfriend niya ay puwede na kayong umalis." "Please… tulungan mo ang kaibigan ko," wika ni Pamela. Ngumisi si Aidan. "Si Devon ang dapat makiusap sa 'kin at hindi ikaw." Kuyom ang kamao ko sa galit. "Aidan, sabihin mo kung magkano ang gusto mo bumalik ka lang,"ani Devon. "Hindi ko kailangan ng pera mo." Fuck! Sinikap pa rin ni Devon na kontrolin ang galit niya. "I'm sorry kung nasaktan ka sa mga sinabi ko, kalimutan mo na sana 'yon. Kailangan ko ng tulong mo." Saglit na nag-isip si Aidan. "Papayag lang ako kung pipirma ka sa kontrata ko." "What the he— Tinakpan ni Pamela ang bibig ni Devon upang hindi niya maituloy ang sasabihin niya. "Pumapayag na siya," sabat ni Pamela. "That's good." Kinuha niya ang white envelope na may laman kontrata kung sana nakapaloob dito ang rules ni Aidan. Binigay niya ito kay Devon. "Baguhin mo ang kontrata na papipirmahan mo sa 'kin kapag nabasa mo ang nakalagay sa kontrata ko." Siniko ni Pamela si Devon. "Huwag ng umarte pirmahan mo na." Madiin ang pagkakahawak ni Devon sa ballpen. Ang sarap saksakin ng ballpen. Hindi maipinta ang mukha ni Devon habang pinipirmahan ang kontrata ni Aidan. Inis na inis siya dahil hindi niya matanggap na naisahan siya ng isang driver. "Okay, thank you for your cooperation." Binigay ni Aidan ang isang kopya kay Devon. "Sa iyo na 'yan para may kopya ka." Nakangisi ito sa kanya. Inirapan ni Devon si Aidan. "Huwag kang mahuhuli bukas." Sabay talikod niya at naunang lumabas. Nang nasa loob sila ng kotse ni Pamela ay sumigaw siya habang hinahampas niya ang manibela. Ngayon lang niya binubuhos ang galit niya para kay Aidan. "Humanda 'yan Aidan na 'yan kapag natapos ang siyam na araw, gaganti ako sa pang-iinsulto at pang-iinis niya sa 'kin." "Gusto mo ba ako na ang mag-drive? Gusto ko ng umuwi ang tagal mong tapusin 'yan galit mo," ani Pamela. Hindi maipinta ang mukha niyang nang pinaharurot niya ang kotse palayo. "Gusto ko mabuhay ng matagal, umayos ka!" ani Pamela na nakakapit ng maigi. "Relax, hindi ko gagawin 'yon." "Mabuti naman kung gano'n." Hinatid niya si Pamela sa condo niya at umuwi na rin siya sa bahay niya. Nang nakahiga na siya sa kama ay naisipan niyang muling basahin ang nakasulat sa kontrata na pinirmahan niya kanina. Sa sobrang galit kasi niya ay hindi niya binasa lahat ang nakasulat. "Bullshit!" Napatayo siya sa kama nang mabasa niya ng buo ang laman kontrata. When the nine days are over, Devon Beñevidez will live in the condo for two months, and she will take care of me and serve me as a real husband. Sex is allowed if both parties cannot avoid it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD