CHAPTER 1
“Hey, amiga!”
Napalingon si Latina sa papalapit na si Handa. Nakaupo siya sa tapat ng malaking round table na nasa sulok ng Hang Out. Kanina pa siya roon, maybe half an hour if she’s not mistaken. Pagkatapos ng trabaho niya sa kaniyang shop ay dumiretso siya sa bar ni Judas. Balak niyang mag-unwind saglit bago siya umuwi. And since wala siyang kasama roon na mag-inom, sinubukan niyang tawagan si Handa, nagbabakasakaling hindi busy ang kaibigan. And she’s available, kaya nang magkausap sila kanina ay sinabi nitong pupuntahan daw siya nito sa bar.
“I’m sorry I’m late,” wika nito nang tuluyang makalapit sa table niya. Kaagad itong umupo sa tabi niya at nakipagbeso sa kaniya.
Kunwari’y tinarayan naman niya ito. “Pauwi na ako, dumating ka pa,” aniya.
“Ito naman, nagtampo agad!” Humagikhik ito. “Waiter!” Sumenyas ito sa lalaking waiter na parating sa may puwesto nila.
“Good evening po, Ms. Handa!” bati ng lalaki sa dalaga.
“One tequila sunrise, please! Thanks!”
Tumango naman ang lalaki, saka ito umalis at nagtungo sa bar counter.
“So, ano ang problema natin ngayon, amiga?” tanong nito nang balingan ng tingin si Latina.
Bumuntong hininga siya saka dinala sa kaniyang bibig ang baso ng margarita na iniinom niya. Sumimsim siya.
“Whoa! Mukhang seryoso yata ang problema mo ngayon? Nakatatlong baso ka na agad in just thirty minutes,” wika nito nang mapatingin sa lamesa. “So, tell me . . .”
“Walang problema, Handa.”
“As if naman hindi kita kilala, Latina Graziania Montemayor Dela Costa!” Umirap ito at umayos sa pagkakaupo. “I know something’s bothering you kaya nandito ka at nag-iinom. And I’m sure na it’s about Abraham na naman, right? I mean, siya lang naman ang alam kong malaki mong problema simula nang magsama kayo sa iisang bahay.”
Muli siyang napabuntong hininga. Right. Handa is right. Her life has been fine simula nang bumalik siya ng Pilipinas. Kahit pa sabihing madalas ang pagkikita nila ni Abraham nitong mga nakalipas na buwan dahil sa mga kaibigan niyang asawa ng mga kapatid at pinsan ng binata, it’s fine with her. She manages to avoid him. Pero simula nang magsama sila ni Abraham sa iisang bahay, pakiramdam niya ay araw-araw na lang ay may problema siya—problema niya kung paano ang iwasan ang binata araw-araw. When she knows he’s at home, she’s always nervous, worried and doesn’t know what to do. Kaya nga sa umaga, sinasadya niyang late na kung gumising para late na rin siyang pumasok sa kaniyang trabaho kasi alam niyang maagang gumigising si Abraham para pumasok sa trabaho nito. Sa gabi naman, alam niyang late na ito umuuwi, kaya inaagahan naman niya ang uwi galing sa trabaho niya.
Que horror!
Kailan kaya matatapos itong sitwasiyon nila? Kung bakit kasi naisipan pa ng Lolo Karias niya na makipag-date ulit siya kay Abraham nang sa ganoon ay muling maayos ang relasiyon nila? Oh, for Pete’s sake! It’s been three years since they ended their relationship when they are still in Spain. The chances of her and Abraham getting back together are slim to none.
Pinagbigyan na lamang niya ang kaniyang abuelo dahil na rin sa kondisiyon nito.
“I’m sick, apo. Hindi ko alam kung kailan na lang ang itatagal ko sa mundong ito. Simple lang naman ang kahilingan ko. I just want to see you happy before I pass away.”
“Lo, hindi naman po kayo mawawala agad. Tuloy-tuloy naman po ang pagpapagamot mo, ’di ba po?” reklamo niya sa kaniyang abuelo.
“Alam ko kung ano ang nararamdaman ng katawan ko, Graziania. I can tell.”
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sa ere. Napailing pa siya bago dinampot ang baso ng fresh orange juice na nasa center table. Nasa gazebo sila ng kaniyang abuelo. Ipinatawag siya nito kanina dahil may importante raw silang pag-uusapan. Hindi niya naman alam na ang tungkol pala sa kanila ni Abraham ang pag-uusapan nila. Actually, ilang beses na siya nitong kinausap tungkol sa bagay na iyon, pero nakailang beses na rin niya itong tinatanggihan. Knowing her grandfather, wala itong gusto na hindi nito nakukuha.
“I love Abraham for you, apo, alam mo ’yan. And I know na hanggang ngayon ay mahal pa rin ninyo ang isa’t isa. Why—”
“I don’t love him anymore, lolo!”
Liar, Latina! Liar!
Pagsusumigaw ng kaniyang puso. Right. She’s such a big liar. Nasaktan man siya sa mga nangyari sa kanila ni Abraham noon, ngunit nanatili pa rin sa kaniyang puso ang pagmamahal para sa binata. She never lost that love for Abraham in her heart. She still loves him until now. Even if it hurts, even if she continues to be hurt.
Tumitig sa kaniyang mga mata ang matanda. Mataman ang mga titig nito sa kaniya na tila inaarok ang kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.
“Kung hindi mo na siya mahal, alam kong puwede pang maibalik ang dati ninyong pagmamahalan. Just give it a try, apo. Alam kong magiging okay ulit kayo kapag naikasal na kayong dalawa.”
“Alright, Lolo! I don’t want to talk about this—”
“Magtatampo ako sa ’yo hanggang sa huling hininga ko kung hindi mo pagbibigyan ang kahilingan ko, Latina Graziania Dela Costa.”
Natigil siya sa akmang pagtayo sa kaniyang puwesto nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang Lolo Karias. Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. He called her by her full name. At minsan lang iyon gawin ng kaniyang abuelo. Kapag seryoso at galit ito, tinatawag siya nito sa buo niyang pangalan.
“Lo—”
“I gave you my word.” Pagkasabi niyon ay tumayo ito. Kinuha ang baston na nasa gilid ng sofa at naglakad na ito papasok sa mansion.
“Hey! Earth to Latina! Hello?”
Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni Handa maging ang pagpitik ng daliri nito sa harapan ng kaniyang mukha.
“H-Huh?”
Buntong hiningang umismid si Handa, pagkuwa’y kinuha nito ang baso ng alak na nasa mesa. ’Di niya man lang napansin na dumating na pala ang order nitong alak. “Kanina pa ako nagsasalita rito, ’di ka naman pala nakikinig! Hay! Ano pala ang silbi ng pagpunta ko rito? Para kumausap ng hangin? Sana pala nag-overtime na lang ako sa trabaho ko kaysa ang damayan ka.”
Napabuntong hininga rin siya dahil sa mga sinabi nito. “Sorry,” sabi niya na lamang. “Alam mo naman na hangga’t maaari ay ayaw kong makasama sa iisang lugar at makausap si Abraham.”
“Bes, alam mo sa sarili mo na kahit ano ang gawin mong pag-iwas sa kaniya, hindi mo pa rin magagawa iyon. I mean, magkasama na kayo sa iisang bahay, right? You’re doing this favor because of your Lolo Karias. Kahit pa late kang pumasok sa trabaho mo sa umaga, late kang umuwi sa bahay ninyo sa gabi, hindi pa rin mababago n’on ang katotohanang live-in partner kayo ni Abraham ngayon.”
“We’re not live-in partner, Handa.”
“Ano pala ang tawag sa sitwasiyon ninyo ngayon? Bahay-bahayan lang? Naglalaro lang kayo?”
“Handa, you’re not helping! Mas lalo mong pinahihirapan ang kalooban ko ngayon.”
“Ay, taray! Kasalanan ko pa pala ngayon kung bakit nahihirapan ang puso mong in denial sa nararamdaman para kay Abraham! Thank you, huh! Ang galing ko sa part na ’yon! Wala akong kamalay-malay!”
“Hey!”
Sabay silang napalingon kay Judas nang marinig nila ang boses nito. Naglalakad palapit sa kanila si Judas, nakangiti nang malapad.
“I didn’t know you two were here.” Hinalikan sila pareho sa pisngi ni Judas, saka ito umupo sa kabilang parte ng sofa.
“Itong si Latina kasi, naghahanap ng solution sa big problem niya.”
Nangunot ang noo ni Judas nang mapatitig ito sa kaniya. “Problem? May problema ka, Latina?”
“A,” tipid at pabulong na sabi ni Handa, na ang tinutukoy ay si Abraham. As if naman hindi niya maririnig ang pagbulong nito.
Napairap na lamang siyang muli nang tingnan niya ang kaibigan.
Napatango-tango naman si Judas. “You know, Latina? Para hindi mahirap para sa inyo ni Abraham ang sitwasiyon ninyo ngayon, bakit hindi ninyo pag-usapan nang maayos? Bakit hindi kayo magplano? I mean, alam ko naman na madadaan sa maayos na usapan ang lahat. Kung ayaw mong ituloy itong set-up ninyo ng kapatid ko, pag-usapan ninyo para makausap din ninyong dalawa ang mga matatanda na hindi na ituloy ang gusto nilang mangyari sa inyong dalawa.”
“It’s not that easy, Judas.”
“Bes, hindi mahirap na kausapin si Abraham para matapos na itong problema mo. Either way . . . gusto mo talagang mahirapan ang puso mong in denial.”
Nilingon niya ulit si Handa. Tinitigan niya ito nang seryoso. God! Handa could only say those words because she was not in her position. It’s difficult. It is difficult for her to do their suggestions. It was difficult for her na harapin nang matagal ang binata dahil kapag nangyari iyon . . .
“Everything will be okay, Latina. Trust me. Kailangan lang ninyo mag-usap ni Abraham.”
Napatungo na lamang siya nang muling magsalita si Judas. They don’t understand her kasi wala naman silang alam. Hindi nila alam ang totoong nangyari.
“Oh, I’m sorry. I have a visitor. Please, don’t get drunk yourselves, ladies. I won’t be able to take care of you later because I have an important meeting,” ani Judas at tumayo agad sa puwesto nito. “Latina . . .”
Muli niyang tinapunan ng tingin si Judas, pagkuwa’y tipid na ngumiti at tumango.
“Okay. Maiwan ko na kayo.”
“So—”
“I want hard drink, bes,” wika niya, kaya naman naputol sa pagsasalita si Handa.
“Pero . . . kasasabi lang ni Judas—”
“He’s not your big brother kaya huwag kang matakot sa kaniya.” Kaagad siyang tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa bar counter. “Vodka, please!”
“One shot, Ms. Latina?” tanong ng bartender na lalaki.
“One . . .” Nilingon niya ang table nila ni Handa. Wala na roon ang kaibigan niya, nasa dance floor na ito at sumasabay sa mga taong nagsasayaw roon. Napabuntong hininga siya. “One bottle.”
“Pero, Ms. Latina, bilin po ni Señorito Judas—”
“Come on! I really need that drink. Don’t worry about Judas, ako na ang bahala sa kaniya.”
Tinitigan siya ng lalaking bartender, tila nag-aalinlangan itong ibigay ang sinabi niya. Pero sa huli, wala na rin itong nagawa nang siya na mismo ang pumasok sa loob ng bar counter at basta na lamang namili ng hard drink sa back bar. Nang makakuha ng alak na kailangan ay muli siyang bumalik sa kaniyang puwesto.
“Bes, let’s dance, dali!” Nagmamadaling lumapit sa kaniya si Handa. Kinuha nito ang kaniyang kamay, pero hinila niya ring muli.
“I don’t want to dance, Handa. Ikaw na lang if gusto mong makipaglandian sa mga lalaki sa dance floor.”
“KJ mo naman, Latina! Landian agad?” Sumimangot ito, saka pasalampak na umupo sa kaniyang tabi. “May balak ka ba na maglasing at talagang hard drink ang gusto mong inumin? Hoy, Latina Graziania Montemayor Dela Costa! Para ipaalala ko sa ’yo, hindi mo ako babysitter ngayong gabi, kaya kung may balak kang magpakalunod sa alak mong ’yan, huwag mo nang ituloy! Hindi kita ihahatid sa bahay n’yo ng Abraham mo!”
“He’s not my Abraham, Handa.”
He’s not mine, anymore. Bulong ng kaniyang isipan.
Bumuntong hininga siya at nagsalin na sa kaniyang baso. Unang tungga niya sa shot glass, napapikit pa siya nang maramdaman niya ang kakaibang lasa ng alak na humagod sa kaniyang lalamunan.
“Ayaw mo?” tanong niya kay Handa. Ipinakita niya pa ang basong hawak niya.
“Sige na nga! Dadamayan na kita sa nararamdaman mo,” wika nito at ngumiti. “Pero hindi pa rin kita ihahatid mamaya,” mabilis na dagdag pa nito.
Napangiti na lamang siya at sinalinan ang isang shot glass at ibinigay iyon sa kaibigan.
Hindi niya na napansin ang paglipas ng oras. Ang balak na saglit na pag-unwind sa bar ni Judas ay hindi nangyari. Halos maubos na nila ni Handa ang isang bote ng alak. She felt dizzy, pero hindi niya na iyon pinansin. She even enjoyed the music inside the bar na siya pa ang nag-aya kay Handa na magtungo sa gitna ng dance floor at nakipagsabayan sa pag-indayog sa ibang sumasayaw sa saliw ng tugtog.
“¡Odio mi situación en la vida ahora mismo!” sigaw niya kasabay ang mas malakas na tugtog ng musika. Saglit siyang huminto sa pagsasayaw at tinungga ang bote ng alak na hawak niya. “Whoa! Party!”
“Bes, hinay-hinay lang!” sigaw ni Handa sa kaniya habang nasa tabi niya ito, nakaalalay sa kaniya. “That’s enough! Come, let’s go!”
“No, Handa! Let’s enjoy the night!”
“Latina!”
Hindi niya pinakinggan ang pagtawag sa kaniya ni Handa. Nagpatuloy siya sa pagsasayaw kahit ramdam niya na ang labis na pagkahilo at panghihina ng katawan. Mayamaya, saktong pagkatingin niya sa bar counter, nakita niya ang lalaking nakatayo roon habang seryoso ang mukhang pinanonood siya. Napatigil siya sa pagsasayaw, maging ang mga kamay niyang nasa ere ay unti-unting bumaba. May distansiya man sa pagitan nilang dalawa at hindi ganoon kaliwanag ang lugar, pero kitang-kita niya ang pagtiim bagang nito.
“Bes! Latina!”
Bigla na lamang umikot ang kaniyang paningin. Ang malakas na tugtog at sigaw ni Handa ay unti-unting lumalim hanggang sa hindi niya na iyon marinig at tuluyang nandilim ang kaniyang paningin.