DORALIE’S POV “Anong sinasabi mong inililihim ko, sa ‘yo, Diego? Wala akong inililihim sa ‘yo!” protesta ko at iniwan ko ang hinihiwa kong patatas at tinungo ko ang laundry area para magpakalma dahil sa nararamdaman kong inis. Subalit, sinundan ako ni Diego. “Kung wala, ba’t ka umiiwas at ba’t hindi ka makatingin ng diretso sa akin,” gagad niya. “Anong umiiwas? Hindi ako umiiwas, okay! Bumalik ka na sa loob, Diego at wala na ‘kong gustong sabihin sa ‘yo,” asik ko. “Wala ba? Alam ko na may inililihim ka sa akin, Doralie at malalaman ko rin ‘yon. Sa ngayon ay gusto ko munang magpalamig ng ulo at huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kay Dana,” matigas na saad niya at umalis na siya sa likuran ko. Naikuyom ko ang kamay ko at naiinis ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang sinaktan ng gan

