Chapter Three

1954 Words
KAYLE MONTREAL   "Kyra Hill right? ngayong andito ka sa department ko ipinapaalala ko lang sayo na ayokong t-tanga tanga at t-tamad tamad sa trabaho at iwasan mo ang malate dahil importante ang oras dapat punctual maliwanag ba? Ayokong irason mo ang traffic dahil hindi valid yon mag adjust ka ng oras" lintiya niya habang isa isang tinignan ang folder ng mga staff niya hindi nga ako nagkamali strikto nga siya mukhang mas malupit pa siya kaysa sa kapatid ko.   "Hindi ka nagsasalita Miss Hill, nagkakaintindihan ba tayo?" huminto ito sa pagtingin ng folder at sumulyap sa akin nakita ko na naman ang magandang mata niya na kulay brown. "Naiintindihan ko po Ma'am Elaine" sagot ko na walang kabuhay buhay tumango naman ito "Sa loob ng opisina ko ang table mo dahil assistant kita"  great napaka swerte ko talaga. Bakit ba naisipan ni Ate Demi na maging Assistant ako ni dragon idagdag mong sa loob pa ako ng opisina niya edi minu-minuto ko siyang nakikita daig ko pa ang sinitensyahan nito eh "Miss hill tatayo ka lang ba diyan?" masungit nitong untag sa akin humingi naman ako ng pasensiya at sinundan na siya papasok sa opisina niya. "Dito ang table mo" sabay turo niya sa bakanteng table malapit sa pintuan sa dulo naman andoon ang table niya na puno ng papeles talagang workaholic siya. "Okay po ma'am" tanging sagot ko naiilang kasi ako sa presence niya tumango naman ito at umupo na sa table niya nagsimula na siyang magbasa ng mga papeles. "Argh Bwisit nananadya na talaga siya, ano bang problema niya sa akin?" naiinis na bulong ko habang hawak ang karton na may lamang office supplies nakakahalata na kasi akong pinapahirapan niya ako dahil panay ang utos niya sa akin kahit na gawain ng iba sa akin niya ipapagawa ayoko lang siyang sagutin dahil mabubunyag ko ang totoong pagkatao ko dito.   Masakit na din ang paa ko kaka akyat baba ko minsan gagamit pa ako ng staircase kaya napapa upo na lang ako at magpapahinga sandali madalas niya akong utusan sa Audit Department na limang floor ang dapat kong akyatin. "Miss pwedeng magtanong? Saan ang table ni Miss Fiona?" nakangiting tanong ko gabang may hawak na folder binaba nito ang salamin niya at suklay mukha siyang clown sa make up niya.   "Nakikita mo yung pintuan na yon? Doon sa loob ang opisina ni Ma'am Fiona"  sagot nito nagpasalamat naman ako at naglakad papunta kay fiona nagtitinginan naman sila dahil nga bago pa lang ako dito.   'Sino siya? Ang gwapo naman niya' 'Ngayon ko lang siya nakita dito girl may girlfriend kaya siya?'   Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan "Kausapin mo ang purchasing team ayoko ng ganito" nasaktuhan ko na pinapagalitan niya ang staff niya "Matagal kana dito pero bakit puro na lang bago sayo ang lahat" mukhang bata pa itong department head nila nang mapansin niya ako pinaalis na niya ang babaeng mangiyak ngiyak na tinignan niya akong mabuti nginitian ko naman ito nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.   "Ako nga po pala si Kyra Hill ang bagong assistant ni Ma'am Elaine" pagpapakilala ko sa kanya nakakaramdam ako ng niyerbos sa loob ng opisina nito. "Sit down, ky" wika nito napakunot naman ang noo dahil binigyan na niya ako agad ng nickname kung ano ang ikinasungit at ikina simangot niya kanina kabaligtaran ngayon na ngiting ngiti wala naman akong napansin na wedding ring sa daliri niya kaya alam kong hindi pa ito kasal.  "Bakit ka nga pala naparito? May kailangan ka ba?" tanong niya habang nakasanda ang likod niya sa swivel chair.   "Pinapapirma mo ni Ma'am Elaine pinapatanong din niya ang requisition slip ngayong buwan" sagot ko iniabot ko ang folder tinignan muna at binasa iyon bago niya pirmahan "Here, ako na ang magbibigay sa kanya ng requisition namin" nakangiting sabi nito pasimpleang hinagod niya ang kamay ko nakaramdam ako ng pagkailang sa inaakto niya. "Wag ka munang umalis teka lang may ibibigay ako sayo" sabi niya sabay tayo may kinuha ito sa paper bag "Lecheflan at buko salad gawa ko sana magustuhan mo" nahihiyang sabi niya paano na naman namumula ang mukha nito. Nakangiting tinanggap ko ang tupperware "Salamat paborito ko ang mga ito" nakangiting sabi ko alam kong labas na ang cute kong dimples. Nang makalabas na ako sa opisina niya siya namang pagtataka ng mga staff niya dahil may bitbit akong pagkain lumapit naman ang isang staff bridgette ang pangalan "Wow ang swerte mo galing kay ma'am fiona yan masarap mag alaga si boss" nakangising wika niya sana wag nilang gawing issue ang pagbibigay sa akin ng pagkain.   Pasipol sipol pa ako habang papasok sa opisina ni Ma'am Elaine napatigil ako nang may nakita akong paperbag sa ibabaw ng lamesa ko napakunot ang noo ko wala naman dito si Ma'am Elaine kaya hindi ko siya matanong "Galing kay Ma'am Elaine yan pina order niya sa ating staff niya. Aalis na ako hinihintay na ako ng boyfriend ko sa lobby. Ciao" sabi ni Jema  lumabas na sa opisina ni Elaine napangiti naman ako kahit pala masungit ang isang yon may tinatagong kabaitan din pala. Umupo na ako at inilabas ang laman ng paperbag sa Max pala siya nag paorder sinimulan ko ng kainin dahil gutom na ako madami kasing ginawa at napagod ako ng husto pagkatapos kong ubusin itinapon ko na at nagtoothbrush na ako.   Sakto namang paglabas ko ng cr sa office niya ang siyang dating niya pinagpapawisan ito sobrang init kasi sa labas kaya nga ayokong mag out for lunch mas okay pang magdala ako ng pagkain kaysa lumabas dahil sobrang init. Tinanggal nito ang blazer niya napalunok ako dahil sobrang kinis ng balat niya nakakaakit lalo na ng itali niya ang buhok niya napatingin ako sa leeg nito. Ano kayang lasa pag hinalikan ko at sinipsip yun?   "Miss Hill"  rinig kong tawag sa akin kaya napatigil ako sa pag d-daydream ko sa kanya "Bakit po?" tanong ko ng makabawi sa gulat kumunot naman ang noo niya "Are you alright? Para kang tanga na nakatayo diyan sa labas ng cr" namula naman ang mukha ko sa pagkapahiya bakit kasi na a-attract ako sa kanya hindi naman gaya niya ang tipo ko sa babae.   Napadako naman ang tingin niya sa lecheflan sa ibabaw ng lamesa ko "Galing ba kay Fiona yan?" tanong niya na ang lamig ng boses ganito ba talaga siya hindi man lang marunong ngumiti? Ano kaya ang magpapangiti sa kanya? Siguro mas maganda siya lalo kapag ngingiti.   "She likes you" tila nabingi naman ako sa sinabi ni Ma'am Elaine nagtama ang mata namin nakita ko na naman ang walang ka buhay buhay sa mga matang iyon. "Po? Gusto ako ni Ma'am Fiona?" pag uulit ko nagkibit balikat na lang ito at umupo sa swivel chair niya hindi na siya nagabalang sagutin ako. "Pag nagsimula siyang harutin ka umiwas ka ayokong may mab-brokenhearted sa department ko at magsisimulang maging lutang hanggang sa trabaho madadamay" malamig nitong saad napaka advance naman mag isip ang boss namin tumingin ako sa kanya nailang naman ako kasi nakatitig din siya sa akin. "Ma'am ang advance niyo mag isip parang rental" sagot ko sa kanya pero nang mapansin ko na lalong kumunot ang noo nito agad naman akong nagsalita "Biro lang ma'am"   Bakit ba ang daming bawal tapos binigyan lang ako ng pagkain may isssue na? Ganoon ba si ma'am fiona yung pagiging friendly niya may kasamang harot? Nakaka stress sila dito kaya nga ayokong hawakan ang company nato at gusto ko nalang maging photographer kung hindi lang dahil sa kasunduan namin ni daddy hindi talaga ako magtatrabaho dito. "Tsk, ibigay mo tong paperbag sa frontdesk sabihin mo kukunin ng kaibigan ko na si Patricia"malamig na utos nito pero nasa papeles na siya nakatingin kinuha ko nalang yun at pumunta na sa lobby "sayo kukunin ng friend ni ma'am Elaine itong paperbag patricia ang pangalan niya" sabi ko naman dahil may pagtataka ang naka rehistro sa magandang mukha niya.   "Noted ma'am" sagot nito at tumango ako naglakad na ako papuntang elevator nang biglang may tumawag sa akin "ky" nagulat ako dahil boses ni fiona yun pinagtatadhana kaming magkita "anong ginagawa mo dito sa lobby buti pinapayagan ka ni elaine napaka strikto ang babaeng yon lalo pagdating sa trabaho hindi ka pwedeng pa petiks" wika niya habang may dalang folder "may inutos lang sa akin sj Ma'am Elaine" sagot ko naman tumango lang ito sabay na kaming pumasok sa loob ng elevator. "Ky may girlfriend kana ba?" biglang tanong niya napatingin naman ako sa kanya pero ang paningin niya nasa sahig "wala" bagot kong sagot dahil boss ko siya tapos ganyang klase ang tanong niya hanggang sa naging tahimik na dito sa loob ng elevator pagdating namin sa third floor ang daming sumakay kaya naman napunta kami sa pinaka dulo ni fiona halatang hindi siya komportable kaya naman hinablot ko siya at sinangga ko ang sarili ko at magkaharap kaming dalawa itinukod ko na din ang dalawang braso ko napansin ko ang pamumula ng mukha niya.   "Okay ka lang ma'am? namumula kana" nag-aalalang tanong ko marahan naman siyang tumango baka naiinitan dito sa elevator siksikan kasi ang dami ba namang empleyado dito sa company kaya nga pinupursige nila daddy na palaguin ito dahil madaming empleyado ang umaasa sa amin "excuse me" rinig kong usal ng bakla walang pakundangan na tinabig ako kaya naman lalo akong napalapit kay ma'am fiona ganoon nalang ang gulat ko kasi tumama ang labi ko sa lips niya kaya agad kong nilayo ang mukha ko. "Sorry hindi ko sinasadya may tumabig kasi sa akin" saad ko hindi ito umimik kaya lalonh nag-alala ako baka isipin niyang manyak ako kahit hindi naman. "Promise, hindi ko sinasadya" muling sambit ko ngumiti naman ito "okay lang" napahinga naman ako ng maluwag dahil doon hanggang sa nakalabas na kami ng elevator. "Mauna na ako" paalam ko at naglakad na nagulat ako ng may humablot sa akin kaya nagtataka akong tinignan siya  "bakit?" nagtatataka kong tanong may kailangan ba siya?   "May bahid ng lipstick yung collar mo" nahihiyang sagot nito nanlaki ang mga mata ko dahil baka anong isipin nila  lalo ang boss kong si elaine baka saniban ng dragon ang babaeng yon. "Hala" gulat kong saad napangiwi naman siya at namumula ang magkabilang pisngi niya "may extra akong short sleeve na puti sa loob ng sasakyan ko yun nalang ang gamitin mo" alok nito halatang na g-guilty pero wala naman siyang kasalanan dahil sobrang siksikan talaga sa loob ng elevator kaya hindi maiiwasang magdikit kaming dalawa magsasalita pa sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.   "Kyra hill" napalundag ako dahil sa sigaw ng babae paglingon ko si elaine na ang talim ng tingin sa aming dalawa ni fiona na para bang gusto niya kaming patayin dalawa unting unti itong lumapit sa kinaroroonan namin "kaya pala ang tagal mong bumalik nakikipaglandian kalang dito sa labas" wika nito at tumingin naman kay fiona "ikaw naman wala ka bang balak mag trabaho?"  napalunok naman ako dahil kapareho lang niyang katayuan si fiona dito sa company pero parang staff lang niya ito kung kausapin pero sa mukha ni fiona parang balewala lang sa kanya ngumiti pa ito ng matamis "relax lang beks, kung makapag react ka parang nagseselos ka" natatawang sagot ni fiona umismid naman si elaine at hindi pinansin ang sinabi niya bumaling ng tingin sa akin si elaine ang mga mata niya sobrang talim pa din "bumalik kana sa table mo ms. Hill oras ng trabaho nakikipag landian ka" malamig na saad nito mabuti nalang walang nakakarinig kaming tatlo ang nandito kung hindi nakakahiya pinakalma ko ang sarili ko ayaw kong patulan pa siya baka lalong lumaki ang gulo lalo na isa siya sa pinaka magaling na empleyado ni Ate Demi.   Magkasalubong ang kilay na umupo ako sa table ko ginawa ko na ang dapat kong gawin ngayon ay may pinapa encode si Elaine sa akin madami yun parang pinaparusahan niya ako narinig ko ang pagbukas ng pintuan lalo na ang perfume nito sinusubukan kong wag tumingin sa gawi niya napabuntong hininga ako nang makaupo ito sa lamesa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD