Chapter Two

1928 Words
KAYLE MONTREAL   NANDITO ako ngayon sa study room ni daddy may sasabihin siyang importante sa akin "Spill it, Dad" wika ko habang sumisimsim ng coffee napangiti ako dahil mabango at napakasarap ang lasa. "Kayle, panahon na para magtrabaho sa company natin" sukat sa narinig ko nabuga ko ang iniinom ko at tumalsik yun sa mukha ni daddy pinunasan naman niya iyon siguro kung ibang tao yon nakatikim kana sa kanya.   "Daddy, Hindi ba napagusapan na natin ito? Ayaw kong magtrabaho sa company at isa pa wala akong hilig magpatakbo ng isang business.  Kontento na ako sa pagiging photographer at pag p-paint ko" mahinahong sagot ko sa kanya inilapag ang tasa ng kape pakiramdam ko nawalan na akong gana na ubusin yun akala ko kasi nagkakaintindihan na kami at ibibigay niya ang gusto ko.   "Baby, madaming business ang pinapatakbo ng mga kapatid mo at magbubukas pa ng iba't ibang branch kaya kailangan ka nila. Kung gusto mo maguumpisa ka sa mababang posisyon hanggang sa malaman mo na ang pasikot sikot doon ka muna sa company ni Ate Demi mo" nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni daddy nakaramdam ako ng awa dahil totoo naman dahil marami nga kaming business kaya naman isa ang pamilya namin sa pinakamayaman at kilala kahit sa ibang bansa.   "Pumapayag na ako daddy pero gusto ko pa din ipagpatuloy ang pagiging photographer ko, deal?" wika ko tumayo naman ito at nakipag shake hands at nagsalita.   "Deal"   Paglabas ko ng study naabutan ko si mommy "kumusta pag uusap niyong dalawa ng daddy mo?" tanong nito habang naglalakad kaming dalawa bagot na tinignan ko si mommy "Gusto niya akong magtrabaho sa company alam mo naman mommy na hindi ko hilig yun nakaka stress kaya" sagot ko at napabuga nalang narinig ko naman ang pagtawa ni mommy "Anak kailangan mo ng sanayin ang sarili mo lalo na ito ang legacy natin kailangan din ni ate demi mo ang katuwang sa merchand company hindi niya kaya na mag isa lang siya at ibang kapatid mo naman busy din sa negosyo" sagot nito sabagay totoo naman dahil ang angkan namin nagmula talaga sa pag nenegosyo hanggang sa napalago ito kaya naman minahal ni daddy ang company na para niya itong anak kaya ganoon nalang siya ka d-dedicated nakuha naman ni ate demi yun. "Susubukan ko mommy pero hindi ko mapapangako hindi naman lingid sa kaaalaman niyo na photography ang gusto ko noon pa man.   "Good, ano nga palang gusto mong almusal baby?" tanong niya nang makababa na kami at ngayon ay nasa salas na "magluluto ako" nakangiti nitong dugtong bihira lang magluto si mommy dahil meron naman kaming chef dito pero pagdating sa akin baby na baby niya ako kaya kulang nalang ipabantay niya ako sa bodyguard 24/7 "kahit ano mom wag lang gulay" sagot ko at umupo na pinapanood ko lang siyang mag prepare ng pagkain binuksan ko ang phone ko malaro muna ako ng pubg  matagal pa naman matatapos si mommy ilang araw na din kasi akong hindi nakakalaro sa phone dahil nga busy ako masyado walang oras para doon.   "Kayle nakalimutan kong sabihin bagsak na ang negosyo ng mga Vergara" usal ni mommy habang nagbabalat ng garlic gaya ng inaasahan ko sa negosyo ng pamilya ni rushton nagkamali siya ng taong binangga lalo si daddy hindi siya mapapanatag hangga't hindi siya nakakabawi ganoong klase siya ng tao. "Kayo talaga sinabi kong okay lang hindi niyo na kailangan maghiganti" sagot ko at tumayo para kumuha ng gatas sa refrigerator napahinto ito sa pag chop ng onion "Kilala mo naman ang daddy mo kayle ayaw niyang na-aagrabyado tayo lalo kana ikaw ang bunso sa mga anak niya" sagot nito at pinagpatuloy na ang ginagawa niya sabagay napaka over protective kasi nila akala naman nila baby pa ako samantalang ang tanda ko na nga.   "Hay, Oo na mommy alam ko naman kung gaano kayo ka over protective" sagot ko naman dahil five years old ako na kidnap na ako na muntik ko nang ikamatay mabuti nalang may kakilala na magaling na assassin si daddy kaya nakuha ako akala nila mamatay na ako dahil nabaril pa ako noon kaya ganoon nalang sila kung mag-alala kaya hindi ko masisi ang pamilya ko kung mahigpit sila kaya hanggang naka tapos ako merong bodyguard na nagbabantay sa akin hanggang sa matapos na siyang magluto at kumain na kaming lahat napangiti naman ako dahil ang sarap talaga magluto ni mommy. Kinaumagahan alas singko palang bumangon na agad ako sa kama sympre nag alarm clock nalang ako mahirap nang tanghali ka magising panigurado bubungangaan ka ni daddy sasabihin dapat tumulad sa kanya na pagdating sa trabaho mahing punctual ka agad akong naligo at nagbihis nang biglang narinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Bakit ganyan ang suot mo?" bungad ni mommy nang pumasok siya sa kwarto ko para icheck ako bago siya pumasok sa company may ari din siya ng isang mall. Simple lang kasi ang suot kong damit pangkaraniwan lang hindi gaya ng nakasanayan ko na isang tingin pa lang alam mo ng may sinabi sa buhay. Isa nga pala akong butch na hindi mo mahahalatang babae ako dahil wala akong matambok na papaya flat lang ito na dinaanan ng isang pison tanggap naman nila kaya naman sinasabi ni daddy tatlo ang anak niyang lalaki.   "Ganito ang kailangan kung isuot mommy dahil ayokong makahalata silang galing ako sa mayamang pamilya at isa pa pogi naman ako kahit anong style ko" nakangiting sabi ko habang inaayos ang buhok ko panay ang ngiti sa harap ng salamin "Kamukhang kamukha talaga kita" nakangiting sabi ni Mommy hinalikan niya ako sa noo. "Oh sya, bumaba kana hinihintay ka na nila sasabay ka kay Ate Demi mo" wika niya nauna na nagpaalam lumabas ilang minuto nakalipas bumaba naman ako nadatanan ko silang kompleto nakangiti sa akin.   "Ate Demi may tsokolate ka ba diyan?" tanong ko habang nasa biyahe kami may kinuha naman siya sa loob ng bag niya at inabot sa akin "Kinakabahan ka ba? Ganyan ka kapag kinakabahan, relax ka lang hindi kita papabayaan" wika nito habang nakatingin sa harapan huminga muna ako ng malalim "Paano hindi ako kakabahan hindi ko alam kung saan niyo ako ilalagay" sagot ko habang kumakagat ng tsokolate napapikit pa ako sa sarap inabutan naman niya ako ng tumbler at ininom ko yun. "Basta sa tingin ko mag i-enjoy ka" sagot niya habang nakatingin sa bintana gumuhit ang isang ngiti sa labi niya parang kinakabahan ako sa iniisip niya.   "Mang Rod ihinto mo ang sasakyan sa coffee shop" utos ko nagtataka naman si Ate Demi malapit lang naman dito ang company kaya lalakarin ko lang "Bibili lang ako ng frappe at cheesecake" sagot ko alam niya kasing mahilig ako sa pagkain "Promise hindi ako mal-late" sabi ko hinalikan siya sa pisngi bago lumabas ng sasakyan.   Hawak ko ang inorder kong frappe at cheesecake tatlong cheesecake ang binili ko dahil nga malakas akong kumain lalo pag dessert kaya nga puro salad o graham ang nasa ref o kaya naman cake hindi nawawala ang mga yon.  Tinapon ko naman ang maliit na papel na may number ng babae na customer din naiiling na lang ako sanay naman akong may lumalapit sa aking babae pero good boy ito hindi ako nakikipag flirt.   "Hep hep, diyan ka lang" pigil ng guard nangiinsulto niya akong tinignan mula ulo hanggang paa pati ang suot kong damit "Saan ka pupunta? Kung makiki cr ka mali ka ng pinunta doon ka sa jollibee o mcdo" masungit niyang wika may hawak pa itong batuta pinagtitinginan na din kaming dalawa ngumisi naman ang apat pang guwardiya.   "Dito ako nagt-trabaho may appointment ako kay Demi Montreal"  sagot ko na nakangiti pa din pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko baka may gawin akong pagsisisihan ko sa huli lalo na nakiusap ako sa parents at kapati ko na itago ang identity ko pag magt-trabaho ako sa company.  Tumawa naman ito ng nakakainsulto at pa iling-iling pa "Ikaw? May appointment kay Ma'am Demi? Lakas din ng tama mo sa utak pare mabuti pa umalis kana dito habang pinapakiusapan pa kita ng maayos" pagtataboy nito na para akong may nakakahawang sakit. Kalma ka lang kayle first day mo ngayon sa trabaho wag kang gagawa ng issue.   "Tawagan mo siya para malaman mong nagsasabi ako ng totoo" seryosong sagot ko tinignan ko siya ng matalim medyo nasindak ito umalis siya at pumunta sa reception desk kinausap niya ang receptionist at ilang minuto bumalik na ito sa akin.  "15th floor merong receptionist doon itanong mo kung saan ang opisina ni Ma'am Demi" sabi nito na nakatingin sa suot kong damit masyadong mapang mata sa kapwa ang isang ito dahil ba sa malaking company sila nagttrabaho feeling high class na din.    Panay naman ang tingin ng mga empleyado may nakasabay pa ako sa elevator naiiling na lang ako "Kuya bago ka lang noh? Saang department ka?" tanong ng babae lahat naman sila nakatingin sa akin naghihintay ng isasagot ko "hindi ko pa alam ngayon pa lang sasabihin sa akin ni At— Ma'am Demi" sagot ko naman habang umiinom ng frappe "Si Ma'am Demi ang nag i-interview sayo?" Gulat na sabi nila  "Oo" alanganing sagot ko hindi sila nakaimik bakit kaya? May problema ba kung si Ate Demi? Nakarating na din ako sa floor ko bumungad sa akin ang table ng receptionist tinawagan muna nito si Ate Demi bago ako sinamahan sa opisina nito.   "Hi Ate" bati ko inilapag ang pagkain sa table niya minamasahe nito ang sariling sentido niya mukhang na stressed agad pagkapasok ng company kaya nga ayokong maghawak ng business namin baka magka wrinkles ako.  " Let me massage your temples ate demi" presinta ko na nakangiting lumapit sa kanya nasa likod na niya ako "Sige nga baby ko kahit limang minuto lang sobrang na stressed ako sa marketing assistant ko" sabi niya na may pagka halong inis sa boses niya sinumulan ko na siyang imasahe halatang sarap na sarap siya magaling kasi ako pagdating dito kadalasan si mommy ang minamasahe ko hanggang sa makatulog na siya.   "Dems here is the monthly report tumaas ang s—" napatigil siya sa pagsasalita ng madatnan niyang hinihilot ko ang ulo ni Ate Demi nagtatanong ang mga mata nito pero balewala lang sa kapatid ko umalis ako sa likuran niya umayos naman ng upo si Ate Demi sumulyap ako sa babae na seryoso ang mukha kahit may glasses pa ito hindi matatago ang gandang taglay niya.   "Who is he?" tanong niya sa kapatid ko at diretsong tumingin sa akin malamig ang boses niya ang aura nito halatang strikto sana hindi ko siya makasama sa trabaho nakakatakot kasi kahit diyosa pa siya. Tumikhim muna ang kapatid ko bago sumagot "She's your new assistant siya si Kyra Hill ako mismo ang nag interview sa kanya at qualified namn siya" sagot ni Ate Demiparang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. No freaking way!! Itsura pa lang niya halatang masungit baka hindi ako makatagal kung siya ang makakasama ko. Sumulyap ako kay Ate Demi pinapahiwatig ko sa mga tingin na ayoko ang plano niya pero ngumiti lang ito ng matamis halatang may pinaplano.   "Demi hindi ko na kailangan ng Assistant" pagtutol ng babaeng masungit nato na ang talim ng tingin sa akin "Elaine, kailangan mo pa din ng assistant ngayon marami kang ginagawa kahit magaling ka pa kakailanganin mo din ng tulong nang iba" sagot naman ni Ate Demi na salita palang niya alam mo ng hindi mo siya dapat kontrahin. "Fine, pero kapag pumapalpak siya hindi ako magdadalawang isip na tanggalin siya sa accounting department alam mo naman kung gaano ako ka strikto demi" seryosong wika nito bigla naman nanuyo ang lalamunan ko nakaramdam tuloy ako ng kaba kung bakit ba kasi sa kanya ako itinalaga ni ate demi ang dami naman pwedeng humawak sa akin sa babaeng dragon pa na akala mo papatay "sure kapag pumalpak itong si kyra ikaw na ang bahala kung papaalisin mo ba sa department mo o hindi" nakangiting sagot ni ate demi napaismid naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD