“Nice meeting you, Sasha…” tango-tango niya pang sabi sa akin at agad naman akong nginitian. “Photographer?” turo ko sa kaniyang camera na nakasabit sa kaniyang leeg. “Uhm… sabihin na natin na oo? Freelancer,” sagot niya sa aking tanong sa kaniya. “Staycation?” siya naman ang nagtanong sa akin. “Kinda? Sabihin na natin na oo?” panggagay ko sa kaniyang sagot sa akin kanina. Parehas kaming natawa sa mga pinagtatanungan naming dalawa sa isa’t-isa. “With someone?” tanong niya muli sa akin. “Uh-huh…” aaminin kong may itsura siya. Mas mukha siyang mabait at maamo kaysa kay Shad, pero ano naman? Mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko kay Shad. “And you? May kasama ka?” ngumiti lang siya sa akin at tumungo rin. “With love of my life,” sagot niya sa akin at agad na itinaas ang kaniyang camera

