“Ayos ka lang? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong sa akin ni Tiffn ang mag-video call kami habang nakipag-usap muli si Shad kay Mrs. Buendia. Nagpaalam siya sa akin na dahil sa pag-alis niya kanina ay hindi natuloy ang kanilang pag-uusap. Feeling ko naman ay kasalanan ko naman iyon, dahil alam ko naman na dahil sa akin kaya siya umalis agad. “Kasi naman! ang sabi niya ay mahal niya raw si Tine as friends… as friends lang daw, pwede ba ‘yon? I mean, paano ako maniniwala?” tanong ko kay Tiff, habang nagluluto siya ng kakainin niya. “And? Jusko naman, Sasha! You’re old enough para hindi mo ma-gets ang as a friend!” “Like what? Mahal pa rin naman, hindi ba? Naroon pa rin ang salitang love!” hindi ko na talaga alam ang iniiisip ko ngayon. Para ba akong tanga na pinipilit ko pa rin sa sari

