“Sasha! ‘Wag kang lalabas at nasa banyo ng mga lalaki si Shad!” malakas ang boses ni Tiff nang sabihin niya iyon sa banyo ng mga babae. Nasapo ko ang aking noo nang makita ko siyang parang nagwawala. “Buksan mo, Sasha! Baka mamaya lumabas na siya!” kaya nang lumingon siya sa banyo ng mga lalaki ay nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nito at kumurap-kurap. “Hindi ka ba makapaghintay?” lumabas ang babae sa loob ng banyo at agad na tinarayan si Tiff. Ngunit ang mga tingin ni Tiff ay nasa akin. “Oh, my gosh! Lisa! Long time no see!” pinanlakihan niya ako ng mata. “Shad! You’re here! Hindi kita nakilala!” sunod niyang sabi nang tignan niya si Shad. “Sainde-” sasabihin na sana iyon ni Shad nang sumingin si Tiff. “Lisa! Lisa ang pangalan niya, hindi ‘yan si Sas

