3

1972 Words
“You okay?” tanong ko sa kaniya ngunit tumungo lamang siya sa akin. “Shad, I know… alam kong hindi pa tayo totally maayos.” dahil sa nangyari kagabi ay kaya narito ako ngayon sa kaniya. Hindi ko alam kung tadhana na ba talaga ang nagbigay sa amin ng pagkakataon para magkita kaming dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon. “Are you going to work?” pinagmasdan niya ako at tinapunan ng tingin ang orasan sa aking likod. “Uh-huh… hindi ko pwedeng hindi puntahan ang PRIODAB,” sagot niya sa akin, pero alam kong hindi siya masaya. “Alam ko kung bakit ka ganiyan… I know, Shad... I know you well.” “I don’t wanna rush you, baby… ang gusto ko ay pag-usapan natin ang kung anong mayroon tayo ngayon,” lumunok ako at kinagat ang aking labi. “Gusto kong malaman kung ano ba tayo ngayon,” kunot ang noo niya pang sabi sa akin. “I want you to fight for me,” para akong tinapunan nang malamig na tubig sa kaniyang sinabi. “Ayon ang kailangan ko, Saindele… ayon ang dapat nating pag-usapan,” sunod niya pang sabi. “Okay, hindi muna ako uuwi sa amin… kung ito ang gusto mo and I’ll respect that…” ngayon lang ako makakabawi sa kaniya sa lahat nang aking ginawa. Iniwan ko siya sa loob ng dalawang taon ngunit narito pa rin siya ngayon sa harap na tila bang ako pa rin ang kaniyang mahal. Nakita ko ang isang masayang ngiti sa mga labi niya na ikagaan ng aking loob. “Kung gano’n ay bati na tayo? Hindi mo nagustuhan ang sagot ko kay Mommy, hindi ba?” palagay ko ay ayon talaga ang dahilan kung bakit grumpy siya ngayon sa akin. “Mabuti at alam mo,” ngumuso ako sa kaniyang sagot at pinagmasdan lamang siya nang matagal. “Ipaglalaban kita kaya ‘wag kang mag-alala, Shad. Pero pwede bang alam mo ‘yon… magdahan-dahan naman tayo, kasi biglaan itong nangyari sa atin…” “What do you want me to do?” “Refresh? Baby time? Cuddle? Getting to know each other… again?” saka ako ngumiti sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang isang kilay at natawa. “My baby wants a cuddle? A baby time and getting to know each other again?” panggagaya niya sa aking mga sinabi. “Matagal tayong hindi nagsama, dalawang taon… malay ko ba kung ano na ang mga nangyari sa ‘yo. Gusto ko lang rin sa ‘yo I-share ang mga nangyari sa akin…” huminga siya nang malalim at tumungo. “Hindi biro ang dalawang taon na iniwan kita. Minsan napapaisip ako na baka ginagantihan mo lang ako, dahil iniwan kita…” “Sino naman ang nagsabi n’yan sa ‘yo?” agad niyang tanong sa akin. “Iyon ang iniisip ko, tulad nu’ng babae kagabi. Ang sabi niya ay mas bagay kayo ni Tine, kaysa sa akin…” naalala ko nanaman ang babae sa elevator kagabi. Ang sabi niya ay mas bagay daw si Shad at Tine. Kung sabunutan ko kaya siya? Mas bagay sa kaniya ang palad ko sa pisngi niya. “Naniwala ka naman? Alam mo kung bakit naghiwalay ‘yang pinsan mo at ang architect ko? Kasi hindi sila nagtitiwala sa isa’t-isa…” pinagmasdan ko siyang umiinom ng kaniyang kape. “Nagke-kwento siya sa ‘yo? I hired her, dahil alam kong malapit siya sa Villion. It’s the only way to win you back,” umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. “S-shad…” tawag ko sa kaniyang pangalan. “Saka may utang na loob rin ako sa nanay niya, dahil kung hindi dahil sa nanay ni Tine ay hindi naman ako magiging ganito. Walang PRIODAB kung wala ang nanay ni Undersized…” napakunot ang aking noo sa kaniyang tinawag kay Tine. “U-undersized?” “Maliit siya at nakakainis,” mabilis niyang sagot sa akin na ikinangiti ko na lang. Kahit alam kong hindi natutuwa ang puso ko sa aking mga naririnig sa kaniya. Hindi siya nagbibigay ng kahit anong endearment sa kung sinu-sino. Pero bakit binigyan niya ng endearment si Tine? Natatakot ako na baka nahulog na siya kay Tine, habang ako ay kakabalik lamang sa kaniya. I should really talk to Pivo. Hindi pwedeng maagawan pa ako ni Tine sa kaniya. “Baby…” napaangat ako ng tingin sa kaniya nang tawagin niya ako. “H-huh?” hindi ko na kasi narinig kung may sinabi ba siya sa akin. “You’re spacing out, hindi ka nakikinig sa akin.” “I’m sorry, naisip ko lang ang pinsan ko. Wala na akong balita sa kaniya…” iyon na lamang ang aking palusot sa kaniya. “Palagay ko ay nagbabalak na ang pinsan mo para makuha ulit ang architect ko.” dahan-dahan kong ibinaba ang aking tinidor at pinagmasdan siya. Architect ko? “Kailangan ko munang puntahan si Mommy. Kailangan ko muna siya kausapin… hanggang wala pa naman ang fiancee ko ay gagawa na ako nang paraan.” pinunsan niya ang kaniyang labi ng kung anong tela sa kaniyang gilid at tumungo lang sa akin. “You’re staying here… kunin mo na ang gamit mo sa bahay mo at dito ka na tumira sa akin.” “H-hindi iyon pwede! Hindi ako pwedeng umalis sa puder ni Mommy-” “Hindi ba’t ikaw na ang nagsabi na gustong mo ng getting to know each other again? Tumira ka rito kasama ko, para magkakilala tayo muli…” pinikit ko ang aking mga mata at tumungo. “Fine, gagawa ako ng paraan…” huminga ako nang malalim sa kaniya at nang matapos akong kumain ng umagahan ay hinatid niya na rin ako sa labas lang ng village namin. Agad akong nagpasundo kay aming driver, dahil hindi naman pwede na magpahatid ako kay Shad sa mismong gate namin. “Jusko naman, Anak! Saan ka ba nagpunta?” bungad sa akin ni mommy, habang ang aking kapatid naman na babae ay nakikipag-usap sa telepono sa sala. “Sabi ko nga Mommy ay nakayla Tiff lang ako. Iniwan niya lang ako saglit, tapos sinundo niya na rin ako. Parehas kaming lasing kaya hindi na nakapag-text sa ‘yo…” Alam kong nagsisinungaling ako sa kaniya, pero ito lang ang way para makasama ko si Shad. “Alam mo naman ang mangyayari hindi ba? Saindelle, ikakasal ka na sa iba. Hindi pwedeng magkaroon ka nang kahit anong issue sa kahit kanino,” sunod niya pang sabi. “Wala po akong ginawa kagabi, Mommy.” tumugo-tungo lamang siya sa aking sinabi. Papalayo na sana siya nang maisip ko ang sinabi ni Shad sa akin. Kailangan ko nang mag-isip nang idadahilan ko kay mommy para makasama siya! “Ma!” mabilis akong lumapit kay mommy at hinawakan ang braso nito. “Uhmm?” tanong niya sa akin. “Alam mo ba ‘yung fiance ni Pivo? Nakilala mo na ba?” pinagmasdan niya ako at parang na intriga sa aking tanong sa kaniya. “Nakilala na natin siya, Anak… ano ka ba? Bakit?” kumurap-kurap ako at nag-isip ng dahilan. “Nabalitaan ko kasi kay Pivo, gusto niya raw ng bonding…” kagat-kagat ko pa ang aking labi. “Really? That’s good! Samahan mo, Hija! Samahan mo si Marwin! Busy kasi masyado si Pivo sa company nila, hayaan mong samahan mo muna ang fiancee niya…” para akong natabunan ng tinik sa aking dibdib. Mukhang may dahilan na ako! “Kaso, Ma… baka mga weeks yon? Travel…” nguso ko pang sabi sa kaniya na ikinatawa niya lamang. “Go on! Kaibiganin mo ang Buendia na iyon, Saindelle! Para naman makipagsosyo tayo sa kanila sa susunod!” ngumiti lang ako kay mommy. Wala naman siyang ibang inisip kung hindi ang company, pera, sosyo, merging… basta lahat nang pwedeng kitain ay pera ay papatulan niya, kahit ang kapalit no’n ay ang sarili niyang anak. “Mommy… oh! Hi, Ate!” nagulat ang aking kapatid na si Dasha nang makita niya ako. Ngumiti lamang ako sa kapatid ko nang bigla siyang lumapit sa akin. “Ate! Look! Niyaya ako ni Chris! Oh, my gosh! Nakakakilig! Pwede ba akong makipagkita sa kaniya, Mommy? Ate?” kumurap-kurap pa siyang tumingin sa akin. “’Wag ka sa aking magpaalam, dahil hindi ka naman sa akin lumabas…” ngumuso pa ako kay mommy at siya naman itong ngumiti lang kay Dash. “Of course! Bakit naman hindi? Puntahan mo na!” napawi ang ngiti kong tignan si Dash na masayang-masaya na tignan ako at si mommy. “Thank you so much! Yie! Na excited ako!” saka siya umalis at ako naman itong naiwan kasama ni mommy. “Ikaw, Anak? Ready ka na ba para makita ang magiging fiancee mo?” lumunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. “I think… i need to take a nap, bago ako umalis, Mommy. Kailangan ko pa kausapin si Pivo ngayong araw…” umawang ang labi niya at tumungo. “O-okay! Sure! Go on…” mabilis akong tumungo sa aking kwarto at huminga nang malalim. Sana ay kaparehas ko na lang ang aking kapatid. Kaya niyang mahalin ang kung sino mang minamahal niya. Pwede niyang puntahan at pwede niyang pakasalan. Hindi ko na napag-isipang matulog, dahil kailangan ko nang puntahan si Pivo. Kailangan ko na siyang kausapin para ako naman ang hihingi ng request sa kaniya. “Ano ang ginagawa mo rito? Napadalaw ka?” agad niyang tanong sa akin nang makapasok ako sa office niya sa Villion Corp. “Naalala mo nu’ng pumunta ka ng Batanes kasama si Tine?” agad kong tanong sa kaniya. Tumaas lang ang kaniyang kilay sa akin. Halata sa kaniya ang parang hindi mabubuhay kung wala ang babaeng iyon. “Ang babaeng iyon ay umaaligid kay Shad at ngayon si Shad ay nakukuha na ang atensyon niya! Kailangang gumawa ka ng paraan!” medyo pasigaw kong sabi sa kaniya. “Ano ba ang gusto mong gawin ko? Kasama nang bwesit na lalaking iyon si Tine sa iisang kwarto sa Leyte! Satingin mo? Magagawan ko pa ba ng paraan ‘yon?” nanlaki ang mga mata kong tignan si Pivo. “What do you mean by that? Narinig kong nagpunta nga sila ni Tine sa Leyte for your project! VMall! Bakit sila magkasama sa iisang kwarto?” parang dinurog ang aking puso sa aking narinig. “At bakit mo naman sa akin tinatanong ‘yan?” “Cause Shad and I make s*x last night! He told me everything! Ang gusto niya ay magkabalikan kami! Kaya paanong nangyari ang sinasabi mo? Kailangan na nating gumawa ng paraan, Pivo!” alam kong masama na ang nasa isip ko. “Calm the f-cking down! Ano ang gusto mong gawin ko?” tanong nanaman niya sa aking muli. Saka siya biglang ngumiti. “Don’t worry, little monster… aagawin ko ang prinsesa mo at ikaw naman ay ikabit mo sa bagang mo ang lalaking iyon…” sunod pa niyang sabi. “Ano ang plano mo?” tumingin siya sa akin at agad nanaman akong tinanong. “Gusto kong pagtakpan mo ako kay Mommy na ang kasama ko ay ang fiance mo. Kailangan ko makasama si Shad at kailangan kong maka-sure na mahal niya pa rin ako. Dahil kapag nahulog ang loob niya kay Tine ay sigurado akong… hindi ko kaya…” nag-iwas ako ng tingin. “Marami ka pang kailangan isipin, Sasha. Alam mo kung ano tradisyon ng pamilya natin. Panganay lagi ang nagsa-sacrifice sa lahat…” tumulo ang mga luha kong tignan si Pivo. “Please, ikaw na lang ang makakatulong sa akin, Pivo… ‘wag mong hayaang mahulog si Tine sa kaniya, kunin mo na si Tine!” “’Wag kang mag-alala… hindi ka ba nagtitiwala sa gwapo kong mukha?” bwesit ka talaga, Pivo Villion! Hindi ko alam kung bakit naging pinsan pa kita!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD