2

1842 Words
Namulat ako kinabukasan nang wala na si Shad sa aking tabi. Kumabog ang dibdib kong maalala ang nangyari kagabi! May nangyari sa aming dalawa?! “Jusko!” hawak ko pa sa aking dibdib. Doon ko lang napansin na may suot na akong damit na mahaba at nang tignan ko ang loob ay nakita kong may suot na akong panty. Mabilis akong tumayo at kinuha ang kung ano mang pwede kong makuha sa kwarto niya. Bubuksan ko pa lamang ang pinto nang lumabas siya sa banyo. Punas-punas niya ang kaniyang buhok na aking ikinagulat. “Going home?” tanong niya sa akin at agad na nilagpasan. “Y-yes, sorry…” tila lalabas na akong muli nang magsalita siya. “Ihahatid na kita, hintayin mo na lang ako matapos.” pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko gustong makasama siya, dahil mahal ko siya, okay? At hindi ako pwedeng sumama sa kaniya, dahil ikakasal ako sa iba. Iyon ang patakaran bilang panganay ng mga Villion. “Kailangan ko nang umalis, hindi ako pwedeng magtagal rito…” tinignan ko ang kaniyang likod nang suotin niya ang isang puting t-shirt at ang kaniyang gray pants. Halos mapaawang ang labi ko nang bumakat ang kaniyang p*********i sa gray nitong pants. Nakatabingi pa! “Can you please change your pants? Gustong-gusto mo bang nakikita ‘yang anes mo nang lahat?” tumaas ang kaniyang dalawang kilay at pinagmasdan ang ibabang parte nito. “You want me to change?” ngumuso akong pagmasdan siya. “Okay! Let me clarify, okay? We’re friends…” “Friends?” ngumiwi siya at tumungo-tungo. “But we just did it? Make love,” umangat pa ang kaniyang isang kilay sa akin nang itanong niya iyon. “F-cked, okay? Hindi iyon make love,” sagot ko sa kaniya na ikinakunot niya ng kaniyang kilay. “Its not f-cked for me… so, sorry.” tumalikod siyang muli at may binuksan nanaman na pintuan. Lumabas siya nang may hawak-hawak na black pants. “What are you doing?” “Changing… hindi mo gusto na suotin ko itong gray pants ko, hindi ba?” pinikit ko muli ang aking mga mata. Saindele, hindi mo siya pwedeng mahalin. Alam mo na ‘yan sa sarili mo at ayaw mo rin naman masaktan ka, hindi ba? Ayaw mo ring masaktan siya. “Fine! Pero pwede bang bilisan mo? Kailangan ko nang umalis, Shad… asan ba ang mga damit ko?” nginuso niya ang nasa likod ko kaya nang kunin ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko. “Bakit punit na ‘to?” kahit ang skirt ko ay punit na rin! “I don’t know,” sagot niya sa akin at agad na naghubad sa harapan ko. “Shad! Ano ka ba?! ‘Wag ka ngang hubad nang hubad sa harapan ko!” “Saan ba gusto mo? Sa likod mo?” uminit ang pisngi ko nang maalala ko kagabi. Binutas niya ang p********e ko sa likod mismo ng kaniyang pinto! Paningin ko ay namumula na talaga ang pisngi ko ngayon. “Here… suotin mo ‘to.” saka niya ibinigay sa akin ang isang pants. “Hindi ‘to kasya sa akin.” iyong pants kasi na suot niya kanina na gray! Iyon ang ibinigay niya sa akin para suotin! “Hindi kita ihahatid, kung hindi mo susuotin ‘yan…” kumunot ang noo ko sa desisyon niya. “Hindi ka pwedeng pumunta sa bahay! Hindi mo ako pwedeng ihatid doon, Shad!” bulaslas ko pa sa kaniya. “Bakit?” natahimik ako. Hindi ko gustong sabihin sa kaniya ang dahilan, pero alam ko namang alam niya na ang totoo. “Alam mong panganay ako, Shad. Alam mo rin kung ano ang trabaho ko bilang panganay ng mga Villion.” turo ko pa sa aking sarili. “Kaya iniwan mo ako? Dalawang taon na ang nakalipas?” umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ang problema kasi ay hindi pa nagpapakita ang fiance ko. Last two years ay sinabi sa akin ni mommy na kailangan kong hiwalayan ang boy friend ko para sa lalaking iyon. Si Shad ang boy friend ko nu’ng mga araw na iyon. Hindi ko pa kilala ang fiance ko, hanggang ngayon. “Shad, it’s been two years… hindi ka pa rin ba nakaka-move on?” kahit alam ko sa sarili ko, kahit ako ay hindi pa rin nakaka-move on. “Kung sabihin ko sa ‘yong oo, ano gagawin mo?” parang kinurot ang puso ko sa kaniyang sinabi. Naka move on na siya? Dahil ba iyon sa bago niyang architect na si Tine? Iyong secretary dati ng pinsan ko? “K-kung gano’n ay wow… b-bravo,” palakpak ko pang sabi. “Aalis na ‘ko,” ngumiti akong sabihin iyon sa kaniya at agad na lumabas ng pinto. Narinig ang ilan niyang mura nang sundan niya ako. “Saindele…” tawag niya pa sa akin. “Sasha, please…” pagtatama ko sa kaniya. Gano’n na lang ang gulat ko nang mahila niya ang braso ko. “Why are you crying?” umiwas ako ng tingin sa kaniyang tanong sa akin. “Dahil hindi pa ako nakaka-move on, okay?!” dire-diretso kong sabi sa kaniya. Kita ko ang ngiwi sa kaniyang labi at hinawakan ang pisngi ko. “Ikaw! Naka-move on ka na! Ako hindi pa! Ang unfair!” bulaslas ko pang sabi. “You leave me first, baby…” bulong niya pa sa akin. “Because, I have too…” iyak ko pang sabi sa kaniya. “Hindi mo ba talaga akong gustong iwan noon? Dalawang taon nang nakalipas, Saindele…” umiling ako sa kaniya. “Kailangan kasi, okay? Hirap na hirap ako, Shad… hanggang ngayon.” pinunasan niya ang aking luha at agad na tinignan ako sa aking mga mata. “Stop crying, baby…” hinalikan niya pa ang aking noo. “Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa tayong magsimula ulit…” pinagmasdan niya ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Mabilis ko siyang niyakap at agad na hinalikan ang labi nito. Sa loob ng dalawang taon ay iniwan ko siya. Sa loob ng dalawang taon ay hinayaan kong mamuhay nang masaya, kahit hindi naman talaga. Naging successful siya, habang ako ay hinayaan niya mag-grow. “Ayos lang ba kung dito kung dito muna ako?” para akong aso na nagpapa-cute sa kaniyang harapan ngayon. Ngumiti lamang siya sa akin at ginulo ang buhok ko. “Balita ko ay napapangiti ka ng bago mong architect…” tumaas ang kaniyang kilay sa akin. “Mali ang balita na natanggap mo. Lagi niya akong tinatapunan ng kape.” nakilala ko na si Tine noon, hindi ko naman inaasahan na siya ang secretary ni Pivo noon. Si Pivo ay ang aking pinsan, panganay na Villion rin tulad ko at ngayon ay nakikipagtalo pa rin sa kaniyang ina para sa kaniyang fiancee. Halata naman kay Pivo na mahal niya ang babaeng iyon, pero sadyang hindi talaga pwede siguro. Pinagmasdan ko si Shad na nakatingin sa akin ngayon at tila inaalam, kung ano ang aking iniisip. “Iniisip mo ba kung paano mo ‘ko iiwan ulit?” nag-angat ako ng tingin sa kaniya at natawa. “Iniisip ko kung paano ko tatakasan ang responsibilidad ko sa pamilya ko,” nguso kong sagot sa kaniya. “Alam mo naman kung ano ang nangyayari, hindi ba? Tulad ni Pivo ay hindi niya magawang pakasalan ang tunay niyang mahal, kasi hindi pwede…” pinagmasdan niya akong maigi. “Kung tunay nilang mahal ang isa’t-isa ay walang makakapigil doon…” pinagmasdan ko siya sa kaniyang sinabi. “Hindi ka ba mahuhulog kay Tine? Kasama mo nga siya sa isang event doon sa Zerfa, e…” nag-iwas pa ako ng tingin sa kaniya. “Malaki ang utang na loob ko sa Guerrero…” kumunot ang aking noo. “H-ha? Ano ang kinalaman ng mga Guerrero rito? Kilala ko ang mga Guerrero, pero ang layo na nang narating nila kung ikukumpara mo sa kumpanya ng mga Villion…” ano naman ang kinalaman doon ni Tine? “Isang Guerrero ang babaeng iyon. Iyong architect ko ngayon, Clarestine Zerfa…” umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi sa akin. “Seryoso ka ba? Alam ba ‘to ng pinsan ko?” ngumiwi lang si Shad at pinagmasdan ako. “Ang alam lang ng pinsan mo ay isang Zerfa lang si Tine. Iyon lang, wala nang iba…” kinagat ko ang labi ko. “’Wag mo munang sasabihin iyan sa pinsan mo at hayaan mong sila ang lumutas sa gulo nila…” pinagmasdan ko lamang siya at tumungo. “Kung gano’n ay wala naman ba dapat akong ipagseselos sa inyong dalawa ni Tine?” ngumiti nanaman siyang muli sa akin at agad na umiling. “Nagseselos ka ba?” “Medyo, napapangiti ka niya, e… mahirap kaya pangitiin ang isang tulad mo,” nguso ko pang sabi sa kaniya. “’Wag mo nang pahabain ang usapan. Suotin mo na ‘yan at lulutuan na kita ng umagahan,” kumurap-kurap ako. Hindi niya ba ako ihahatid? “Pero… kailangan kong umuwi! Baka mamaya ay hinahanap na ako ng Mommy? Saka… may problema pa ako, Shad… ipapakilala na ako ni Mommy sa fiancee ko,” pinagmasdan niya ako at doon ko nakita na parang wala siyang pakialam sa sinabi ko. “Nakikinig ka ba? Ipapakilala na ako ni Mommy sa fiancee ko…” lumapit pa ako sa kaniya at tinignan siya maigi sa mga mata niya. “And? Ano ang gagawin mo?” tanong niya sa akin. “Hindi ko pa alam… siguro ay kailangan kong tanungin ang pinsan ko para d’yan. Palagay ko ay may plano si Pivo, gagayahin ko na lang…” tinarayan niya ako at umiling. Hindi pa rin siya nagbabago. Kapag hindi niya gusto ang sagot ay tinatarayan niya ako. Para siyang bakla d’yan… Sandali lamang nang matapos ang niluluto niyang umagahan para sa aming dalawa. Magsasalita na sana ako nang tumunog ang aking telepono. Kaya nang sagutin ko iyon ay may kasama pang paglunok. “M-mom…” sagot ko sa tawag ni mommy sa akin. “Sasha! Asan ka? Bakit hindi ka umuwi? Jusko naman, Sasha! Ang sabi ni Tiff ay naiwan ka niya sa bar! Saan ka natulog?” sunod-sunod ang tanong sa akin ni mommy. “I’m… I’m with Tiff right now,” tinignan ko pa si Shad habang isinagot iyon kay mommy. “Sasha, please… alam kong nilulubos-lubos mo na ang lahat dahil magpapakilala na ang fiancee mo. Pero ‘wag mo namang sayangin ang panahon, Anak. Hindi pwedeng hindi mo pakasalan ang lalaking iyon! Sa loob ng dalawang taon ay hindi siya nagpakita sa atin, ngunit ngayong taon ay magpapakilala na siya!” ang haba nang sinabi ni mommy na ikinainit ng ulo ko. Ayaw ko nang ganito, hindi ko masabi kay mommy na ayaw ko nang pakasalan ang lalaking iyon. “Opo, Mommy…” pero hindi ko kayang makitang nahihirapan ang nanay ko. Pinagmasdan ko si Shad na mukhang naiinis ang itsura ngayon. Palagay ko ay naririnig niya ang sinabi ni mommy sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD