“Sasha…” tawag sa akin ni Tiff nang makabalik ako ng Manila. “Sasha, hey…” umiling lang akong tignan siya. “Tama ka nga, Tiff. Totoo ang pakiramdam ko, totoo ang hinala ko, pero bakit naman gano’n?” mabilis ko siyang niyakap. Kakarating ko lang ngayon sa kaniyang condo. Mabuti na lang at wala siyang kasamang lalaki, kung hindi siya lamang mag-isa sa kaniyang condo. “Shh.. please, ‘wag ka namang ganiyan. Parehas na nga tayong broken, oh! Paano naman tayong dalawa?” taas kilay niya pang tanong sa akin. “Maupo ka muna, kukuhaan lang kita ng tubig…” ani niya. Hindi na ako nagsalita pa at umupo na lamang sa kaniyang sofa. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko pa rin lubos maisip na ginago niya ako! “Uminom ka muna, hindi ka pwedeng umuwi ng ganiyan sa inyo, Sasha…” “Hindi

