“Ayos ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali ngayon?” tanong sa akin ni Dasha nang suot-suot ko na ang aking evening gown para mamaya sa party ni Tine. “H-halata ba? Masyado kasing malaki ang party na iyon,” iyon na lamang ang aking isinagot sa kaniya, kahit ang totoo ay natatakot ako na baka makita ko si Shad doon. Gaga ka, Sasha! Makikita mo naman talaga si Shad doon! Naunang bumaba sa akin si Dasha. Ang kabog ng dibdib ko ay hindi ko nanaman mabilang sa bilis. Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama, hindi naman ako siguro kailangan pa sa party na ito. “Ang ganda naman ng anak ko,” bati ni mommy Daisy nang makababa rin ako. Ngumiti lang ako nang yakapin niya si Dasha at tumitig rin siya sa akin. “Ang ganda mo rin, Sasha…” hinawakan niya ang aking pisngi. “Maigi na lamang at m

