Chapter 8
Josephine’s Pov
NAKALABAS na kami ng restaurant ni Kamden at naglalakad na kaming dalawa pabalik ng cabin. Dala-dala ko parin ang binigay ni Bea na bikini. Inipit ko nga lang sa tagiliran ko upang hindi na maalala ni Kamden.
Panay ang tingin ko sa dagat at para bang tinatawag ako nito. Ang sarap siguro lumanggoy pero naisip ko na mainit pa kaya baka pag ahon ko sa dagat ay maging negra ako bigla.
Mamayang hapon nalang siguro ako. Hahanap din ako ng pwesto na walang masyadong naliligo. Gusto ako lang ang nando’n. Nahihiya kasi ako at baka ako lang ang maiba sa mga tourista, syempre short at tshirt ang su-suotin ko at hindi ‘tong bikini na binigay ni Bea. Hinding hindi ko ‘to su-suotin kahit kailan.
“Mag swi-swimming ka ba, ate Jo?” Tanong bigla ni Kamden sa ‘kin.
Napalingon ako sa kanya at agad akong umiling. “Hindi.. mainit kasi. Siguro mamayang hapon nalang. Hahanap ako ng pwesto na walang masyadong tao.” Pagsasabi ko ng totoo. Ewan ko ba, sinasabi ko talaga kay Kamden ang gusto kong sabihin kahit bago lang kami nagkakilala. Siguro ay dahil nakikinig siya kapag nagsasalita ako. Pwede din dahil mas bata siya sa ‘kin.
“Bakit mamayang hapon pa? Dapat ngayon nalang, ate Jo. Gamitin mo yang bikini mo.” Sabi ni Kamden kaya nanlaki ang mata ko ng idamay na naman niya ang bikini na hawak ko.
“Naku, hindi ko gagamitin ‘to no! Binigay lang ng babaeng nakilala ko kanina. Sabi kasi niya ang pangit daw ng suot ko kaya ayon.. sinama niya ako do’n sa tent niya at binigay niya ‘to sa ‘kin. Hindi ko nga sana tatanggapin eh.” Pagsasabi ko ng totoo.
“Eh bakit ayaw mong suotin kung bigay naman pala, ate Jo. Sayang naman ang effort ng taong nagbigay sayo nyan.” Sabi niya na para bang kinokonsensya ako.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at hindi ako nakasagot agad. Totoo din naman kasi ang sabi niya na sayang ang effort ni Bea. Pero hindi kasi ako sanay magsuot ng bikini. Baka panay lang ang hila ko sa pwetan kapag kinain ang tela.
“Kung nahihiya ka na baka makita ng ibang tao ang katawan mo ay may alam ako kung saan ka pwede maligo. VIP access kaya ang makakasama mo lang ay ako. Wag kang mag alala, hindi ako titingin sa katawan mo, ate Jo.” Sabi niya sa ‘kin kaya medyo nakahinga ako na kami lang dalawa ang nando’n.
“Sige, payag ako. Mas matanda naman ako sayo kaya alam kong may galang ka sa ‘kin.” Nakangiti kong sabi kaya natawa siya ng mahina.
“Good. Ano.. tara na?” Tanong niya
sa ‘kin.
“N-Ngayon na agad?” Nauutal ko pang tanong.
“Oo. Ayaw mo ba? Hindi mainit do’n kaya wag kang mag alala kung masunog ang balat mo.” Sabi niya sa ‘kin kaya tumango tango ako. Pumayag na ako dahil kanina pa kasi ako naiingit mag swimming. Kaso hindi ko magawa dahil nga sa may mag jowa na naglalampungan.
Kung saan ba naman ako tumingin ay may nag a-anohan. Paano ako maliligo no’n kung hindi ako komportable sa mga nakikita ko.
Ilang sandali lang ay may dumating na golf car. Akala ko nga ay huminto lang sa harapan namin pero nagulat nalang ako ng iginiya ako ni Kamden sa likod ng car. Naguguluhan man ay sumunod ako sa gusto niya saka siya sumakay din.
“Private cave.” Sabi ni Kamden sa driver kaya agad na umandar ang sinasakyan namin na golf car. Meron naman pa lang ganito eh, pinahirapan pa kami ni Bea maglakad papunta do’n sa tent.
Habang umaandar ang sinasakyan naming golf car ay panay ang tingin ko sa nadadaanan namin. May mga kubo din pala dito at maraming nakatambay na mag jowa. Sa kaliwang bahagi ko ay dagat ang nakikita ko habang sa kanan ko naman kung saan nakaupo si Kamden ay mga puno o di kaya ay mga restaurant o kung ano-ano pa.
Hindi ako masyadong makalingon sa kanan ko dahil baka si Kamden pa ang matitigan ko. Maganda pa naman ang view kapag siya ang tititigan ko. Gwapo kasi siyang bata. Matangos ang ilong at ang labi niya ay parang gusto ko siyang tanungin kong may nilalagay ba siya dahil pinkish kasi. Baka mapagkamalan pa siyang bakla.
Kating kati na ang dila ko na itanong yun pero baka mapahiya siya at baka marinig ng driver. Mamaya ko nalang siguro itatanong kung kami nalang dalawa.
30 minutes din pala ang biyahe namin bago kami nakarating sa sinasabi ni Kamden. Bumaba kami sa golf car at naglakad na naman. Akala ko pa naman ay makikita ko na agad ang lugar na sinasabi niya.
Naglakad kami ng five minutes at nakarating kami sa isang cave. May bantay na matandang lalaki do’n na agad lumapit kay Kamden. Tumingin naman ako sa kabuuan ng cave at iniisip kung may makikita ba akong paniki dito.
Nag uusap si Kamden at ang matanda hanggang sa hinawakan ni Kamden ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa cave. Nagpatianod lang ako hanggang sa makapasok kami sa madilim na cave.
“Bakit ang dilim dito?” Tanong ko pa kay Kamden.
Tumawa lang siya ng mahina. Hila-hila parin niya ako kaya nagpatianod lang ako habang panay ang tingin ko sa dinaraanan ko at baka madapa ako. Ang hirap naman kasi ng ganito, malabo na nga ang mata ko, dito pa talaga niya ako dinala sa cave. Ako din naman kasi ang may gusto dahil ayaw kong may kasama akong mag swimming.
Unti-unti ay may nakikita akong liwanag. Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa bumungad sa ‘kin ang napakagandang dagat. Dagat sa loob ng dagat. Ang ganda.
Namangha talaga ako sa ganda kaya napanganga na lamang ako. “Ang ganda..” sabi ko at hindi mapigilan mapangiti.
“Tanging mga VIP lang ang may access dito, ate Jo. Kaya mag enjoy ka habang nandito tayo. Gawin mo lahat ng gusto mo.” Sabi ni Kamden sa ‘kin kaya tumingin ako sa kanya at napansin kong nakatitig siya sa ‘kin.
“Salamat, Kamden. Maraming salamat dahil ngayon ko lang nasubukan ang mga ‘to. Ang saya pala..” sabi ko.
“Sige na, magpalit ka na ng outfit mo. Doon lang ako uupo.” Sabi niya kaya tumango ako. Binitawan na niya ang kamay ko saka siya nagsimulang maglakad papunta do’n sa tinuro niya.
Ako naman ay naisipan ko nalang na mag ikot-ikot muna para malaman ko kung may banyo ba dito para sana makapagpalit ako ng bikini.
Pero nagdadalawang isip talaga ako kung su-suotin ko ba o hindi na lang. Kahit kami lang ni Kamden ay nahihiya parin ako. Hindi talaga ako sanay eh. Pakiramdam ko kasi ay masisislip yung ano ko. Bakit kasi nauso pa ‘tong bikini-bikini na ‘to. Dagdag tuloy sa iisipin ko. Baka bumakat ang ano ko dito kasi ang nipis pa naman. Pula pa naman kaya makikita talaga. Pero nakakahiya naman kung hindi ko isusuot dahil nag effort pa si Kamden na dalhin ako dito sa private cave para lang walang makakita sa katawan ko.