Chapter 7

1704 Words
Chapter 7 Josephine’s Pov BUSOG NA BUSOG ako sa mga inorder kong pagkain. Ngayon lang yata ako nag enjoy sa pagkain. Buong buhay ko kasi ay ang mama ko ang nagdedesisyon kung anong kakainin ko. Kung anong inorder niya ay yun na, bawal akong magdagdag ng kung ano-ano. Bawal akong magreklamo kaya kahit gusto ko ang pagkain na nakikita ko ay hindi ko masabi kay mama. Ngayong araw ay kung ano-ano ang pinag o-order ko. Nong una ay nahihiya ako dahil baka sabihin ng mga service crew dito na patay gutom ako. Pero sila naman ang nagsabi na umorder lang daw ako ulit kapag gusto ko pa daw. Hindi talaga nila ako pinabayaan kaya natutuwa ako. Nakadalawang coffee na din ako at balak ko pa sanang umorder ng ice coffee kapag umalis ako sa shop. Sulitin ko na lalo na’t libre lang naman ito ni Kamden. Pero nahihiya na kasi ako dahil halos lahat ng pagkain ay inorder ko na. Ilang ulit na din ang dalawang babae na lumapit sa ‘kin at kinuha ang mga walang lamang plato. Iniisip ko tuloy kong magugulat ba si Kamden kapag nakita niya ang mga inorder ko. Baka kasi magalit siya sa sobrang katakawan ko. First time ko lang naman kasi talaga makakain ng ganitong mga pagkain. Salamat talaga kay Kamden na lahat ng mga hindi ko nagawa at natikman ay naranasan ko ngayon. Ako lang mag isa sa VIP room at nakatanaw lang ako sa karagatan. Panay din ang haplos ko sa tiyan ko na busog na busog. Iniisip ko nga kung saan na naman kaya ako kakain mamayang tanghali. Si Kamden pa kaya ang bahala sa pagkain ko o hindi na? Baka mamulubi siya sa ‘kin at hindi na ako ilibre pa. Paano nalang ako mamaya nito. Napatigil ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pintuan. Agad akong lumingon at nanlaki ang mata ng makita ko si Kamden. “Good morning, ate Jo.” Bati niya sa ‘kin habang naglalakad siya papunta sa table ko. Nataranta naman akong tumayo upang batiin siya. Sa sobrang taranta ko ay nabitawan ko ang hawak kong bikini na binigay sa ‘kin ni Bea. Akmang pupulutin ko sana ang bikini ng maunahan ako ni Kamden. Napatigil ako at pinanood nalang si Kamden. “G-Good morning, Kamden.” Bati ko sa nauutal na boses. Tumingin siya sa ‘kin saka niya inabot sa ‘kin ang nahulog kong bikini. Pero hindi ko pa tinatanggap ng tumigil si Kamden at binuklat niya ang pang ibabang tela. Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nakatitig siya sa bikini. “Susuotin mo ba ‘to, ate Jo?” Tanong niya sa ‘kin kaya agad akong umiling habang nanlaki ang mata. Ano ba naman kasing klasing tanong yun. “H-Hindi ahh.. hindi ako nag su-suot ng ganyan.” Nauutal kong sabi at hindi makatingin kay Kamden. “Bakit naman?” Kunot noo niyang tanong saka niya ibinalik sa ‘kin ang bikini kaya agad kong inagaw ito at itinago sa malaki kong damit. Nakakahiya! Nakita pa talaga ni Kamden. Si Bea kasi eh. Sinabi na kasing hindi ko na kukunin pero nagpumilit pa kasi. Narinig ko ang mahinang tawa ni Kamden saka siya umupo sa katapat kong upuan. “Kanina ka pa dito, ate Jo?” Tanong niya at iniba ang topic namin. “Ahm.. oo. Sinabi ko nga pala ang pangalan mo kaya binigay nila sa ‘kin lahat ng gusto kong kainin.” Sabi ko at napangiwi. “Sorry ha.. kasi.. naparami ako ng order.” Nahihiya kong sabi habang nakakagat sa ibaba kong labi. Dapat niyang malaman at baka magulat siya kapag nakita niya ang mga inorder ko. “Umorder ka lang ng gusto mo, ate Jo. Wala namang problema sa ‘kin. Hangga’t kaya mong ubusin ay hindi ako magagalit.” Sabi ni Kamden kaya unti-unti ay napangiti ako. “Thank you ha! Ang sarap ng mga kinain ko ngayong umaga.” Saad ko sa kanya kaya napangiti siya. Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok do’n ang dalawang babae na nag assist sa ‘kin kanina. May dala silang tray na may lamang pagkain kaya alam kong umorder na si Kamden. Inayos yun ng dalawang babae sa table kaya nanood lang ako. Tapos na kasi ako nag breakfast kaya manonood nalang ako kay Kamden kumain. Hihintayin ko nalang din siya matapos para sabay na kami bumalik ng cabin. “Thank you.” Sabi ng Kamden sa dalawang babae na nag serve matapos maayos ang pagkain sa mesa. Yumukod pa ang dalawang babae saka sila naglakad papunta sa pinto at lumabas. Naiwan na naman kami ni Kamden. Ito na yata ang tamang oras para sumbatan ko siya sa islang ‘to. Nakakagulat ang mga nakikita ko kaya mananagot talaga siya sa ‘kin kapag hindi ko nagustuhan ang explanation niya. “Nga pala, nagulat ako sa Islang ‘to. Hindi ko naman kasi akalain na dito mo ako dadalhin.” Panimula ko sa kanya. Humigop naman siya ng kape habang nakatingin siya sa ‘kin. Nang matapos siya ay inilapag niya ang tasa sa table. “Bakit ka naman nagulat, ate? Hindi ba’t alam mo na dapat yan lalo na’t may asawa ka na.” Sabi niya sa walang buhay na boses. Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko. Akala yata nito na hindi na ako virgin dahil nga sa may asawa ako. “Alam ko na ang iniisip mo. Siguro ay akala mo may nangyari na sa’min ni Esmael.” Prangka kong sabi. “Bakit.. wala ba? May asawa ka na kaya natural lang na may gawin kayong dalawa. Kaya nagtataka ako kung bakit nagugulat ka kapag nakakita ka ng mga taong naghahalikan o nag se-s*x sa dalampasigan.” deritso niyang sabi kaya napalunok ako ng ilang beses. Talagang hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihin ang word na s*x. “Nakakahiya mang aminin pero… wala pa talagang nangyari sa’min ni Esmael kahit isang beses. Magkaiba kami ng room, ayaw nga no’n makasabay ako kumain kaya yung sinasabi mong may nangyari na samin dahil mag asawa kami ay napakalabo.” Sabi ko kaya napakurap kurap siya at halatang nagulat sa sinabi ko. “Ano? Hindi ka pa nagagalaw ni kuya Esmael? Ganun ka niya ka hindi gusto?” Gulat na gulat na tanong ni Kamden. Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi dahil nahiya ako. “Oo. Pero ayos lang sa ‘kin hindi naman ako proud na Villosino ang apelyido ko dahil kay Esmael. Masaya ako dahil wala siyang interest sa ‘kin kahit konti. Kaya bahala siya kung mambabae siya, ang mahalaga ay hindi niya ako pinapakialaman sa buhay ko.” Sabi ko kay Kamden kaya hindi siya nakapagsalita agad. Tumikhim siya at kinuha ang tasa na may lamang kape. “May feelings ka naman ba sa asawa mo, ate Jo?” Tanong niya bigla kaya halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. “Kadiri naman ang tanong mo, Kamden. Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking yun na walang ginawa kundi ang mambabae. Alam mo bang may palagi siyang dalang babae sa bahay niya. Ayos lang sana sa ‘kin eh, wala namang problema kahit anim pa ang dalhin niya. Pero ang nakakainis lang dahil sa t’wing natatapos ang kababuyan nila ay tinatawag ako ni Esmael upang linisin ang kwarto niya. Nakikita ko do’n ang malagkit na hindi ko alam kung kanino yun. Pati condom na alam kong ginamit ni Esmael. Umiiyak nalang talaga ako habang ginagawa ang mga utos ng lalaking yun dahil sa takot ko na baka magsumbong siya sa mama at papa ko o di kaya ay saktan ako.” Sabi ko at hindi na napigilan ang sarili ko na ilabas ang saloobin ko sa ginagawa ni Esmael sa ‘kin. “Ganun siya ka sama sayo?” Tanong ni Kamden sa ‘kin kaya tumango ako. “Oo. Pero wala naman akong magagawa. Kaya hinahayaan ko na basta ang mahalaga lang naman sa ‘kin ay hindi niya ako sinasaktan o kung ano pa man. Yun lang ay masaya na ako.” Malungkot kong sabi habang nakatitig ako sa mesa. Narinig ko na lang na bumuntong hininga si Kamden. “Kumain ka na lang ulit para hindi ka na malungkot.” Pag iiba niya sa usapan kaya napatingin ako sa mukha niya. “Pwede akong kumain ulit?” Tanong ko sa kanya. “Oo naman. Kaya ko nga dinamihan ang pag order dahil alam kong nandito ka pa sa VIP room.” Sabi niya saka siya nagsimulang kumain. Ako naman ay hindi na nahiya na kumuha ng pagkain sa table. Bahala na kung magmukha akong matakaw. Ngayon lang naman ‘to kaya sulitin ko na. “Ang sarap ng mga pagkain dito kahit nagugulat ako sa mga taong nakikita ko.” Sabi ko habang kumakain ng ham sandwich. “Masarap talaga mga pagkain dito. Kaya ko nga gustong tumambay dito kapag wala na akong pasok.” Aniya kaya napatango-tango ako. “Madalas ka pala talaga dito? Teka.. wag mong sabihin sa ‘kin na nakikipag ano ka din dito. Ang bata mo pa sa ganun ha!” Sabi ko habang nakanguso. “Eh ‘di hindi ko sasabihin sayo.” Walang buhay niyang sabi kaya napatigil ako sa pag nguya at literal na napa-O ang bibig ko. “Talaga… ibig sabihin may karanasan ka na? Ang bata-bata mo pa alam mo ba yun.” Sabi ko na para bang kinokonsensya siya. Hindi ako makapaniwala na hindi na siya virgin. 21 pa siya kaya dapat ay puro pag aaral lang ang inaatupag niya. Ako nga nong ka edad niya ako ay naka focus lang talaga ako sa pag aaral. Grabe talaga ang mga kabataan ngayon. Buti at wala lang sa mga magulang niya na wala siya sa bahay nila ng matagal. Kung ako kasi ay wala pang five minutes na wala ako sa bahay ay sampal at sasabihin agad akong malandi ng ama ko. Iba-iba pala talaga ang mga magulang. Ang malas ko lang ay sa mga taong malupit ako napunta at hindi sa mga mababait. Maiingit nalang talaga ako sa ibang kabataan na pwedeng gawin ang mga gusto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD