Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 6 Roxanne’s Pov NANDITO kami sa mall at sinamahan ko si tito Kaemon. Ewan ko kung anong binibili niya basta nakasunod lamang ako sa kanya. Nadaanan pa namin ang isang shop na ang mga binebenta ay mga romance novel. Nanginginig ang mga mata ko at mabilis akong pumasok sa loob. Ang saya ng puso ko dahil ang daming naka display. Hindi ko mapigilan na kumuha ng isang book at tinignan ang cover nito. Panay lang ang tingin ko at kapag may nagustuhan ako ay hinahawakan ko sa kaliwa kong kamay saka ako titingin na naman ng ibang book. Naglakad na naman ako at panay lang ang pili ko. Gusto kong magbasa mamaya pag nakauwi kami ni tito Kaemon. Kaagad nanlaki ang mata ko ng maalala ko si tito Kaemon. Patay ako nito. Nawala sa isipan ko na kasama ko

