Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 5 Roxanne’s Pov WALA AKONG kasama sa bahay dahil umalis sila at pumunta sa bahay nila lola at lolo. Hindi na ako sumama dahil walang maiiwan sa bahay. Wala din kasi tito Kaemon at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Napagpasyahan ko na lamang na hindi sumama upang may tao sa bahay. Mahirap na, baka may pumasok dito. Sabado ngayon kaya late na din akong lumabas ng room. Nang makaalis kasi sila mommy ay bumalik ako ulit sa room ko upang matulog ulit. Nagising lang ako at sakto naman na kumulo ang tiyan ko. Balak ko lang mag kape. Black coffee lang muna at titiisin ko na muna ang gutom ko. Mamaya na akong tanghali kakain para fasting parin. Ang dami ko kasing kinain kagabi dahil sa biniling pagkain ni tito Kaemon. Pinaubos talaga niya sa

