Chapter 69 Josephine’s Pov HINDI ako pumayag sa gusto ni Kamden na hindi pumasok sa trabaho. Kailangan kong bumalik at ako mismo ang hahanap sa tauhan ni Esmael. Hindi ako papayag na habang buhay niya akong tatakutin. Hindi na ako ang dating si Josephine na takot sa kanya. Hindi na ako ang babaeng nagpapabugbog sa kanya. Bumalik ako sa hotel at bumalik sa pag du-duty. Kumain nalang din ako sa pantry kahit pa nga gusto ni Kamden na sa penthouse na ako kumain. Pero gusto kong pumunta sa pantry dahil magmamatyag ako. Isa kasi sa duda ko ay baka katrabaho ko lang. Kailangan kong mahanap ang taong yun bago pa siya makagawa ng paraan na makapasok si Esmael dito sa Isla. Nandito parin ako sa pantry at nakaupo habang tinatapos ang pagkain. Nakatingin lang ako sa paligid hanggang sa napadako

