Chapter 70 Josephine’s Pov NANDITO NA ako sw penthouse ni Kamden at talagang masarap ang hinanda niyang dinner. Ninanamnam ko ang bawat subo ko ng karne na napakalambot ng pagkakaluto. Malasa din kaya talagang napapapikit na lamang ako. Masarap pala magluto si Kamden. “Masarap ba, ate Jo?” Tanong ni Kamden sa ‘kin habang pinagmamasdan ang bawat subo ko. Tumango tango naman ako dahil ang sarap naman talaga. Ang ganda pa ng view namin dahil nasa terrace kami. Dito niya sinet up ang table kaya kita ko ang views ng lahat. Mahangin din kaya ang sarap tumambay. Bawing bawi ang mga iniisip kong problema kanina dahil sa dinner date na ginawa ni Kamden. “Masarap nalang,” sagot ko sa tanong ni Kamden kaya pinandilatan niya ako ng mata niya. “Ibig sabihin hindi masyadong masarap ang hinanda

