Chapter 88 Josephine’s Pov ILANG ARAW na din ang nagdaan simula ng malaman namin na si Dan ang tauhan ni Esmael. Sa wakas ay nagising din Vin. Nakaligtas siya sa ginawa ni Dan. Nagpapasalamat talaga ako na ligtas siya. Bumubuti ang kalagayan niya kaya maging si Kamden ay natuwa. Hindi ko iniwan si Vin dahil wala namang mag aalaga sa kanya kundi ako lang. Nandito ako sa room niya. May binili si Kamden na pagkain para kay Vin kaya ako ang magpapakain. Hindi na nagseselos ang mahal ko kaya pinayagan niya akong alagaan si Vin. “Kumain ka ng mabuti, Vin. Kailangan mong magpalakas ha!” Saad ko kay Vin at inaayos ang pagkain niya. Inalalayan ko pa talaga siya ng mapansin kong gusto niyang umupo. “S-Salamat, ate Jo. Pero baka mamatay na talaga ako nito kapag sinubuan mo ako ng pagkain.

