Chapter 89 Josephine’s Pov NAKALABAS na ng tuluyan si Vin sa hospital at agad nag pumilit na mag du-duty na daw siya. Pinipigilan ko nga dahil kailangan pa niyang magpagaling sabi ng doctor. Ayaw naman kasi niyang mag stay sa hospital na dahil ang tagal na daw niyang nakahilata. Pakiramdam daw niya ay nag pra-practice na daw siyang mamatay sa kakahiga niya. Wala naman na akong magawa dahil yun ang gusto niya. Hinayaan ko nalang siya dahil siguro ay nabobored na siya sa buhay niya. Sigurado naman akong wala ng mananakit sa kaibigan kong yun dahil wala na ang mga tauhan ni Esmael. Naging strikto na din ang Isla na ‘to at lahat ng empleyado ay sinusuri bago pumasok ng hotel upang mag duty. Maging ang mga tourista na pumupunta dito sa Isla ay hinaharang at isa-isang tinitignan kung may dal

