Chapter 4

1821 Words
Chapter 4 Josephine’s Pov NAKARATING kami ni Kamden sa isang Isla na hindi ko lubos akalain na meron pa lang ganito ka ganda. Hindi kami agad nakarating dahil akala ko ay kotse lang ang gagamitin namin. Pero sumakay pa kami ng isang private yacht para marating lang namin ang Island na sinasabi ni Kamden. Ang haba ng biyahe kaya medyo nag alala ako na baka hindi ako makabalik agad sa Manila kapag biglang tinawagan ako ni Esmael. Sa sobrang pag aalala ko ay hindi ako mapakali kanina. Napansin ni Kamden na parang nag aalala ako kaya kinausap niya ako kanina at kinuha niya ang phone ko saka niya ito at swinitch off. Kaya ngayon ay wala na talaga sa ‘kin ang phone ko. Nando’n na kay Kamden. Ibabalik lang daw niya kapag pabalik na kami ng Manila. Hinayaan ko na para matigil na ako sa pag iisip ng kung ano. Sarili ko na muna ang uunahin ko kaysa sa ibang tao. Kung mabugbog man ako ni Esmael sa pag uwi ko ay tatanggapin ko na lamang. Sanay naman na ako. Sa papa ko pa lang ay sanay na sanay na akong sumalo ng malakas na sampal. Panay ang tingin ko sa paligid dahil ang ganda talaga ng Island na ‘to. May buhangin din sa gitna na nakaukit ang salitang Isla Del Desiré. Ngayon ko lang nalaman na meron pa lang ganitong isla. Kahit madaling araw kami dumating ay kitang kita ko parin ang buhangin dahil sa pailaw nila. Excited na tuloy ako sumikat ang araw upang makita ko na ang lahat. Malapit naman na din mag 4AM kaya baka hindi na muna siguro ako magpapahinga. Hihintayin ko nalang na sumikat ang araw. Pero kahit madaling araw pa lang ay marami paring dumarating na mga turista. May nakasabay nga kami sa yacht kanina pero halatang mayaman kaya lumayo ako ng konti kay Kamden lalo na’t tinawag ang binata. Ayaw ko kasing mapahiya siya sa ‘kin dahil sa pananamit ko pa lang ay napaka old style na. Hindi nga dapat ganito ang suot ko lalo na’t nasa Island ako pero dahil biglaan naman kaya pwede ko naman sigurong isagot na hindi ako nakapag handa kung sakali man na may magtanong sa ‘kin at pagtawanan ako. Kahit naman siguro makapaghanda ako ay hindi parin naman ako mag su-suot ng mga bikini o kung ano pa. Hindi ako sanay. Pwede naman siguro mag short dito na hanggang tuhod at tshirt kapag naisipan kong mag swimming. Wala naman sigurong bawal kong anong outfit. Napatigil ako sa pag muni-muni ng lumapit sa ‘kin si Kamden. “Ito nga pala ang key card sa cabin na kinuha ko, ate Jo.” Saad ni Kamden kaya tinanggap ko ang inabot niyang key card. “Salamat,” saad ko sa mahinang boses. “Magkatabi lang ang cabin natin, ate Jo. Kaya kung may kailangan ka ay sabihan mo lang ako. Wag kang mahihiya po sa ‘kin.” Saad ni Kamden. Ang bait niyang bata. Ang galing ng mga magulang niya, napalaki nila ng mabait at maayos ang anak nila. Siguro ay mahal na mahal si Kamden ng mga magulang niya kaya punong-puno ng kabutihan ang puso niya. Samantalang ako ay puro sama ng loob ang binibigay sa ‘kin kaya wala akong confident sa katawan. “Tara na?” Tanong ni Kamden sa ‘kin kaya tumango ako. Ngumiti lang siya at nagsimula na kaming maglakad. Panay din ang tingin ko sa dagat kahit hindi ko pa naman nakikita ng maayos dahil nga sa madilim pa. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami ni Kamden sa sinasabi niyang cabin. Medyo malayo pala mula do’n sa maraming cabin na nakalihira. Dito kasi ay magkatabi ang dalawang cabin. Ang kasunod na cabin ay may distansya na at may puno na hindi ko alam kung anong pangalan. Hindi na magkatabi, tanging sa’min lang ni Kamden ang magkatabi. Gusto ko sanang itanong kung bakit ganun pero baka sinadya niya yun dahil bago lang ako sa isla na ‘to. Iniisip lang yata niya ako. “Yan ang cabin mo, ate Jo.” Saad ni Kamden na tinuro sa ‘kin ang kanan na cabin. “Ahh sige.. salamat ha!” Pagpapasalamat ko sa kanya saka ko inagaw ang travelling bag na dala ni Kamden. May pa dala-dala pa kasi ako ng damit eh hindi ko din naman pala magagamit do’n sa hacienda ni Esmael. Akala ko kasi magtatagal kami do’n pero hindi naman pala. “Kapag may kailangan ka sa ‘kin ay pindutin mo lang ang red button na makikita mo sa ilalim ng kama, ate Jo. Naka konekta yun sa cabin ko kaya darating ako sa harap ng cabin mo.” Sabi niya kaya nakangiti ako habang tumango tango. Ang bait talaga niyang bata. “Sige, pasok na ako.” Pagpapaalam ko kay Kamden na agad naman tumango. Naglakad na ako papunta sa pinto ng cabin ko at inilapit ang hawak kong key card sa isang scanner para bumukas ang pinto. Nang mailapit ko ay agad na bumukas ito kaya nilingon kong muli si Kamden at ngumiti ako. Ngumiti naman siya pabalik sa ‘kin kaya pumasok na ako sa loob ng cabin saka ko isinara ang pinto. Agad kong inilibot ang tingin sa kabuuan ng cabin at napangiti ako dahil ang ganda. May kusina din pala at sala. Akala ko ay maliit lang ang cabin na ‘to pero hindi pala. May kusina, banyo, may sala, kama at isang maliit na cabinet. Naglakad ako agad sa cabinet para iayos ang dala kong gamit. One week naman ako dito kaya pwede ko naman siguro ilagay ang damit para hindi gusot-gusot. Ipinatong ko ang travelling bag sa kama saka ko binuksan ang zipper. Aayusin ko na muna ang damit ko bago ako humiga sa kama. Hindi naman ako inaantok kaya hihintayin ko lang na sumikat ang araw. Excited talaga ako makita ang dagat. Ito ang unang beses na makakaligo ako ng dagat. Puro lang kasi sa internet ang nakikita ko at hanggang sa video lang. Natutuwa nalang ako sa bakasyon ng ibang tao. Kumuha ako ng damit para sana ilagay sa cabinet. Hinawakan ko ang hawakan ng cabinet at binuksan ‘to. Ngunit natigilan ako ng tumambad sa ‘kin ang iba’t ibang kulay ng ano.. hindi ko masabi-sabi dahil ito ang unang beses na makakakita ako ng bagay na ‘to. Napakurap kurap ako at agad akong tumakbo papunta sa kama at hinanap ang sinasabi ni Kamden na red button. Kailangan ko yata siyang tawagin dahil hindi ko kayang makita ang bagay na nasa loob ng cabinet. Nahanap ko ang button at pinindot yun. Nang mapindot ko ay agad akong tumakbo papunta sa pinto upang abangan si Kamden. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ko kaya alam kong si Kamden yun. Dali-dali kong pinagbuksan ng pintuan ang binata. Nang mabuksan ko ay bumungad sa ‘kin ang nakakunot noo ni Kamden. “What’s the problem, ate Jo?” Tanong niya kaya napangiwi ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Bakit kasi may ganun sa loob ng cabinet. Hindi tuloy ako makapag isip ng sasabihin. “Ahm.. may ipapakita sana ako sa'yo, Kamden.” Sabi ko sa nahihiyang boses. “Ano yun? May problema ba? May sirang gamit ba?” Tanong niya sa ‘kin kaya umiling ako. Niluwagan ko na lamang ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok si Kamden. “Pasok ka, Kamden.” Sabi ko saka ako tumalikod at naglakad papunta sa cabinet. Sumunod naman siya sa ‘kin dahil naririnig ko ang yapak niya. Tumingin ako sa cabinet habang si Kamden ay nasa tabi ko na. “Bakit merong ganyan sa cabinet?” Tanong ko sabay turo sa mga nakita ko. Tumingin naman si Kamden doon at agad natawa ng mahina. “Oh, s*x toys? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako tinawag, ate Jo?” Tanong niya sa ‘kin habang palipat lipat ng tingin sa laman ng cabinet at sa ‘kin. Nahihiya naman akong tumango. “Nagulat kasi ako dahil first time kong makakita ng ganyan. Naiwan ba yan ng ibang guest dito?” Tanong ko pa kay Kamden. “Ahm.. nope.” Sagot niya kaya kumunot ang noo ko. “Hindi mo ba binasa ang information na binigay ko sayo kanina kung ano ang Isla na ‘to?” Tanong ni Kamden sa ‘kin kaya nagtaka ako. May binigay siya sa ‘kin kanina nong nasa yacht kami pero hanggang second page lang ang binasa ko. Inaantok kasi ako kaya nakatulog ako pero saglit lang naman yun. Nakatulog pala ako habang nagbabasa kaya paggising ko ay wala na yung binigay sa ‘kin ni Kamden. Nabitawan ko yata. Kaya nga hindi ako inaantok ngayon dahil nakatulog ako kanina. “Hindi eh. Sa second page lang ako. Bakit? Anong meron do’n?” Tanong ko sa kanya para naman malaman ko. “Wala naman, ate Jo. Malalaman mo rin naman ang mga rules dito habang nasa island ka. Sa ngayon ay hayaan mo lang ang mga yan at igilid mo nalang, ate Jo.” Nakangiti niyang sabi kaya tumango nalang ako. Nahiya tuloy ako dahil tinawag tawag ko pa talaga siya na dapat sana ay iginilid ko na lamang. Mukhang nakahiga pa naman yata siya pero inistorbo ko pa. “Sige, pasensya na kung pinapunta pa kita dito. Sige, magpahinga ka na.” Sabi ko sa kanya sa nahihiyang boses. “Kung tulog pa ako hanggang mamaya, ate Jo, wag mo nalang akong hinatayin ha! Kumain ka ng almusal doon sa restaurant na mapipili mo. Kung gusto mo mag ikot-ikot gawin mo lang. Kumain ka lang din. Sabihin mo lang ang pangalan ko Kamden Paterson at ipakita ang key card at bibigyan ka na nila ng pagkain na gusto mo.” Sabi niya saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan. Napatango tango naman ako habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa pintuan at tuluyang lumabas at isinara ang pinto. Inisip ko ang sinabi niya na banggitin ko lang ang pangalan niya at makakakain na ako ng mga gusto ko. Magic word ba ang pangalan niya para yun ang sabihin ko? Nakakapagtaka naman at ganun ang patakaran ng Isla na ‘to. Hindi kailangan ng money pero sasabihin ang pangalan niya. Ang galing naman. Kung ganito lang sana palagi ay baka makakalabas ako ng bahay ni Esmael na hindi iniisip kung anong kakainin ko sa pang araw-araw at kung saan ako titira. Wala kasi akong pera kaya hindi na ako naglakas loob na lumayas. Baka lupa pa ang kainin ko kapag nagmatigas pa ako. Pumasok tuloy sa isipan ko na what if kaya kung dito nalang ako at hindi na bumalik sa Manila. Pero naisip ko naman si Kamden, hindi yun papayag dahil siya ang nagdala sa ‘kin dito. Wala na talaga akong malulusutan sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD