Chapter 3

1519 Words
Chapter 3 Josephine’s Pov TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa passenger seat. Hindi ko magawang lumingon sa driver seat dahil nahihiya ako. Sumabay kasi ako kay Kamden tulad ng sabi ng magaling kong asawa na maagang umalis kanina. Malamang ngayon ay nag e-enjoy na siya sa kung saan man siya pumunta. Nahihiya tuloy ako kay Kamden. Na abala ko pa siya dahil sa ihahatid pa niya ako sa bahay ni Esmael. Kung pwede nga lang ay doon nalang ako sa bahay namin umuwi ay gugustuhin kong magpahatid. Namiss ko na kasi ang dati kong kwarto. Yun lang kasi ang comfort zone ko tapos pinaalis naman ako ng mama at papa ko. Naiiyak na lamang ako kapag naalala ko ang kwarto ko. Pero ayos lang.. gagawin ko na lamang ang ginawa ko sa kwarto ko dati. Hindi naman siguro mangingialam si Esmael kung aayusin ko ang kwarto ko ngayon tulad ng design sa kwarto ko dati. Mabuti na nga lang at may nautusan akong maid nila mama na ayusin ang mga gamit ko saka niya ibinigay sa mama ko. Kaya ang iba kong gamit ay nasa akin. Pero yung iba talagang gusto kong kunin. Malamang sisigawan lang ako ni mama kapag bumalik ako doon. Ang sinabi pa naman niya ay wag na wag na daw akong tumapak sa bahay namin kahit kailan lalo na’t may asawa na daw ako. Dapat daw ay sumunod daw ako kay Esmael at wag na wag daw akong gagawa ng ikakasira ng pamilya namin. Wala na talaga silang inisip kundi ang apelyido nila na baka masira ko. Wala naman kasing mahalaga sa kanila kundi ang maging mabango sila sa business world. Kaya ang higpit-higpit nila sa ‘kin. Kaya ayaw nila akong payagan gumala dahil baka may magawa akong mali at mapabalita at masira ang pangalan nila. Bumuntong hininga ako at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Napagod ako sa buong maghapon na utos ni Esmael. Gusto ko ng makarating sa bahay at humiga sa kama. Pinagod talaga ako ni Esmael sa mga utos niya. Walang awa talaga ang lalaking yun. Palibhasa kasi hindi na lumabas ang kanyang lolo sa kanyang silid kaya hindi niya nakikita ang ginagawa ni Esmael sa ‘kin. Nahihiya nga ako kay Kamden dahil alam niya na ginawa akong utusan ni Esmael. Pati yung Sam na kasama niya ay nagtataka kung bakit ako ang nag aayos ng mesa kanina para kumain sila. Hindi nalang talaga ako sumagot dahil sigurado akong ipapahiya lang ako ni Esmael. “Bakit hindi ka nagrereklamo sa pinaggagawa ni kuya Esmael sayo?” Biglang tanong ni Kamden na binasag ang katahimikan. Nilingon ko siya at nakita kong naka focus siya sa daan. “Wala naman akong magagawa. Kapag nagreklamo ako ay malamang ay sasabihin niya sa mama at papa ko. Ako parin ang magiging kawawa.” Pagsasabi ko ng totoo. “Wala bang pakialam ang mama at papa mo, ate Jo?” Tanong niya sa ‘kin kaya medyo nagulat ako ng tawagin niya akong ate Jo. “Ate Jo?” Tanong ko sa kanya at hindi makapaniwala na binigyan niya ako ng nickname. “Masyadong mahaba ang Josephine. Kaya Jo nalang, ate.” Sagot niya saka siya sumulyap sa ‘kin. Nagtagpo ang tingin namin ngunit ibinalik din niya ang kanyang tingin sa harapan lalo na’t nagmamaneho siya. “Nag aaral ka pa ba?” Tanong ko sa kanya. “Yes! Malapit na gumraduate sa kolehiyo.” Sagot niya agad kaya napatango tango ako. “Ikaw.. anong ginagawa mo sa buhay bukod sa maging asawa ni kuya Esmael?” Tanong niya kaya napakamot ako sa gilid ng noo ko. “Naglilinis lang ng bahay ni Esmael. Nagluluto, naglalaba at higit sa lahat pinagsisilbihan ng maayos si Esmael dahil baka mapalayas niya ako at sa kalsada ako tumira.” Nakangiwi kong sabi kaya palipat lipat siya ng tingin sa ‘kin. “Bakit ka naman pumapayag ng ganun? Dapat ay kumuha nalang siya ng maid kaysa sa mag asawa na halata namang walang pagmamahal. Payag ka bang habang buhay kang kawawa kay kuya Esmael?” Tanong niya sa ‘kin kaya natigilan ako. “Hindi naman sa nangingialam ako, ate Jo. Pero kung utusan ka niya kanina ay parang ginawa ka ng alila na dapat sana ay hindi dahil asawa ka niya.” Aniya sa inis na boses. Hindi ko mapigilang matuwa dahil may naiinis kay Esmael at kinakampihan ako. Kahit hindi ko naman masyadong kilala si Kamden at ngayon ko lang siya nakilala. “Salamat ha..” sabi ko sa mahinang boses. “Kasi walang may pakialam sa ‘kin. Wala din kasi akong mapagsabihan ng sama ng loob ko. Wala kasi akong kaibigan dahil hindi naman ako nakakagala tulad ng ibang estudyante dati. School at bahay lang talaga ako kaya hirap akong makahanap talaga ng totoong kaibigan. Pamilya ko naman ay walang pakialam sa ‘kin. Kahit pa siguro magsumbong ako sa ginagawa ni Esmael sa ‘kin ay ako pa rin ang pagagalitan nila.” Malungkot kong sabi habang nakatulala lang ako sa harap. Nalulungkot sa buhay kong walang kwenta. “Malungkot pala buhay mo, ate Jo. Hindi katulad sa ‘kin..” sabi naman ni Kamden kaya nilingon ko siya at ngumiti. “Mabuti ka pa. Bata ka parin naman kaya dapat mag enjoy ka sa buhay. Ako konti na lang at mamamaalam na ako sa kalendaryo. Hindi ko man lang nagagawa ang mga gusto ko. Hindi kasi ako malaya.” Wika ko kaya lumingon na naman siya sa ‘kin. “Bata ka parin naman, ate Jo. Wala ka pa sa 40 eh. Bakit hindi mo gawin ang mga gusto mo.” Aniya kaya natawa ako ng mahina. “Gustuhin ko man pero wala din naman akong pera. Gusto ko nga sanang umalis sa bahay ni Esmael dahil kahit mawala ako sa bahay niya ay alam ko naman na hindi niya ako hahanapin. Pero kahit piso ay wala ako no’n.” Wika ko kaya nalukot ang mukha niya. "Hindi ka niya binibigyan ng pera?" Gulat na gulat niyang tanong kaya umiling ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kamden na para bang na s-stress sa buhay ko. “Hindi naman uuwi si kuya Esmael sa bahay niyo diba? Sabi niya one week siyang mawawala.” Tanong niya kaya tumango ako. “Oo, yun nga ang sabi niya. Bakit?” Tanong ko kay Kamden. “Kung ganun.. hindi niya malalaman kung hindi ka uuwi sa bahay niyo ng one week, tama ba ako, ate Jo?” Tanong na naman niya sa ‘kin kaya tumango na naman akong muli. Hindi na sumagot si Kamden at mas lalong pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Nagtataka ako kung bakit yun ang mga katanungan niya. Nagtaka ako kung bakit lumampas kami sa kalsada na patungo sana sa City. Ibang way na ang dinadaanan namin ni Kamden. “S-Saan mo ako dadalhin, Kamden?” Tanong ko sa kanya at medyo nataranta ako. “Wala na akong pasok, ate Jo. Pwede na ako magbakasyon.” Sabi niya saka siya tumingin sa ‘kin. “Isasama kita sa bakasyon na pupuntahan ko. May alam akong napakagandang Isla na alam kong mag e-enjoy ka at magagawa mo lahat ng gusto mo, ate Jo.” Dagdag niyang sabi kaya kumunot ang noo ko. “Isla? Anong Isla yun? Teka.. wala akong dalang damit panligo eh. Pero.. pwede bang maligo ng mahaba ang palda?” Nakangiwi kong tanong kay Kamden. Natawa naman siya kaya napanguso ako. Nahihiya ako dahil wala naman talaga akong dalang damit na sexy. “May outing ka ba do’n? Baka may mga kasama ka. Baka mapahiya ka lang sa mga kaibigan mo kapag nakita nila ako, Kamden.” Wika ko sa nahihiyang boses. “Wala akong mga kasama, ate Jo. Ikaw ang kasama ko. Gusto kong maging malaya ka kahit one week lang. Kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo pagdating natin sa Isla. Kalimutan mo muna ang mga pumipigil sayo maging masaya. Piliin mo muna ang sarili mo.” Seryosong sabi ni Kamden kaya napaisip ako. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa mga ganung lugar. Pinagbabawalan ako ng papa ko at baka daw may gawin akong ikakasira ng pangalan nila. Ngayon na dadalhin ako ni Kamden sa Isla na sinasabi niya ay para akong nabuhayan ng loob. Para bang nagkaroon ako ng saya dahil magagawa kong mag enjoy sa Isla kung saan ako dadalhin ni Kamden. Tama ang binata, piliin ko na muna ang sarili ko at kalimutan muna ang lahat. Tama lang na sumama ako kay Kamden. Mas lalo pang pinatakbo ng mabilis ni Kamden ang sasakyan. Tahimik lang ako at nag iisip ng gagawin kapag nakarating kami sa Isla na sinasabi niya. Excited na tuloy ako kahit hindi niya sinasabi kung anong itsura ng Isla. Ang mahalaga lang naman sa 'kin ay maging masaya kahit isang linggo lang. Yung walang iniisip na asungot pati na nga magulang kong ayaw akong maging masaya. Deserve ko naman siguro magbakasyon ng one week kahit ngayon man lang maranasan kong lumangoy at magawa ang ginagawa ng ibang tao. Kahit yun man lang ay magiging masaya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD