Chapter 2

1727 Words
Chapter 2 Josephine’s Pov NATULOY kami ni Esmael na umuwi sa hacienda ng pamilya niya. Ganun parin, kinakawawa niya lang ako. Ang akala nga ng mga katulong dito ay mahal namin ni Esmael ang isa’t isa. Para akong katulong na dinala ng amo para utusan ng utusan. Ngayon lang ako nakapag pahinga simula pa kanina. Panay kasi ang utos sa ‘kin ni Esmael at ayaw talaga niyang ipautos sa ibang katulong. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya upang makita niya kung paano ako umiyak sa pagod. Hindi siya makakapagdala ng ibang babae dito dahil nandito ang lolo niya. Ayon sa mga narinig ko mula sa mga katulong ay strikto daw ang lolo ni Esmael. Kaya malamang ay hindi siya gagawa ng kalokohan dito kung ayaw niyang masipa ng lolo niya. Kaya siguro mainit ang ulo niya kanina pa at ako na naman ang pinag iinitan niya. Mabuti na nga lang at tapos na ako sa mga gawain ko at nakapagpahinga na ako. Wala naman sigurong masama kong maglakad lakad ako sa malawak na lupain nila Esmael. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin upang mawala ang mga problema ko kahit saglit lang. Kung pwede lang talaga umalis sa poder ni Esmael ay baka ginawa ko na. Ngunit alam ko naman na hindi pwede dahil sa oras na malaman ng mga magulang ko ang ginawa ko ay hahanapin nila ako at kakaladkarin nila ako. Takot ako sa mga magulang ko kaya kahit pagod na akong sundin ang mga utos nila ay ginagawa ko parin. Bumuntong hininga ako at nagsimulang maglakad lakad at panay ang tingin sa paligid. Ang lawak kasi talaga dito. Marami ding nga puno. Parang ang sarap mamuhay dito ng mag isa. Kung ganito lang ang tirahan ko ay ayos lang. Mas gusto ko pa ang malayo sa City. Yung tipong wala akong kasama sa bahay. Wala akong iisipin na ibang tao kundi ang sarili ko. Ang sarap siguro mamuhay ng ganun. Pero kahit kailan ay hindi mangyayari ang gusto kong buhay. Hanggang pangarap lang. Sabi ko pa nga dati ay kung hindi man ako mamuhay ng mag isa ay sana makahanap ako ng lalaki na makakasama sa buhay na mabait, mapagmahal at higit sa lahat ay kayang-kaya niya akong pakainin ng tatlong beses sa isang araw. Sa totoo lang ay hindi mahalaga sa 'kin kung mayaman ba ang lalaking makakapareha ko. Ang mahalaga ay may trabaho siya at hindi niya ako sasaktan. Aanhin ko naman ang yaman niya kung babaero at nanakit ng babae. Wag nalang siguro mag asawa kapag ganun. Pero kahit isa sa gusto ko ay walang matutupad dahil nagdesisyon na naman ang ama at ina ko na ipakasal kay Esmael. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa mga puno ng mangga. Napapangiti ako dahil ang presko ng hangin. Nakakagaan ng pakiramdam. May nakikita akong bunga ng mangga. Pero hindi naman ako mahilig sa mangga kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nagulat ako ng may makita akong lalaki na bigla nalang sumulpot mula sa malaking puno ng mangga. Wala pa siyang saplot pang itaas at may dalang mangga. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa katawan niya. Nakakakita naman ako ng katawan ng lalaki dahil kay Esmael at wala namang epekto yun sa ‘kin. Pero bakit sa lalaking ‘to ay umiinit ang katawan ko. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. Kung anong gagawin ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Wala din namang lumalabas sa bibig ko. Tumikhim ang lalaki kaya tumingin ako sa kanya ulit at natitigan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na gwapo ang lalaki. May tattoo din ito sa kaliwang dibdib niya pero hindi ko mabasa dahil hindi naman siya masyadong malapit sa ‘kin. “Nagulat ka ba?” tanong ng lalaki sa ‘kin kaya agad akong umiling habang hindi mapakali sa kinatatayuan ko. “H-Hindi naman po..” sagot ko sa nauutal na boses. Tumawa siya ng mahina. “Po? Mukhang mas matanda ka pa yata sa ‘kin.” Sabi ng lalaki kaya medyo nahiya ako. Baby face naman kasi siya, habang ako ay sa damit pa lang magmumukha ng 30 years old. “Bago ka lang ba rito?” Tanong niya sa ‘kin. Tumango ako agad. “Kararating lang namin ni Esmael.” Saad ko sa mahinang boses. “Si kuya Esmael? Nandito na pala siya?” Aniya at umaliwalas ang mukha niya. Tumango na lamang ako ng dahan-dahan habang titig na titig ako sa mukha niya. “Tamang-tama pala ang pagpunta ko dito sa hacienda nila. Anyway, sino ka nga pala? Kaano-ano mo si kuya Esmael?” Tanong ng binata sa ‘kin. Sasagot na sana ako ng biglang may tumikhim sa likod ko. “Kamden.. nandito ka pala.” Dinig kong sabi ng lalaking nasa likuran ko. Alam kong si Esmael yun kaya hindi na ako lumingon pa sa kanya. “Good to see you, kuya Esmael. Nagkita na ba kayo ni kuya Sam?” Tanong ng lalaking may pangalan na Kamden. “Yeah. Nag usap na kami. Nga pala, nakilala mo na pala ang asawa ko..” saad ni Esmael kaya napayuko ako dahil kahit kailan ay hindi ako masaya na siya ang asawa ko. Ikinakahiya kong dalhin ang apelyido niya. “Asawa? Totoo pala talaga na nag asawa ka na?” Gulat na gulat na tanong ni Kamden. “Yeah,” tipid na sagot ni Esmael saka ko naramdaman na inakbayan niya ako sa balikat. Hindi tuloy ako makakilos at kahit gustohin ko mang tanggalin ang braso niya sa balikat ko ay hindi ko ginawa dahil ayaw kong masaktan. “Siya ang asawa ko. Asawa sa papel pero kahit kailan ay hindi ko mamahalin. Tignan mo naman ang itsura ng babaeng ‘to.” Pangungutya ni Esmael sa ‘kin sa harap ng lalaking bisita ng pamilya niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit ako tumingin sa lalaki. Kitang kita ko tuloy na naglaho ang ngiti niya sa labi habang nakatitig sa ‘kin. Nagsalubong din ang tingin namin dalawa kaya ako na ang nag iwas ng tingin. Pinapahiya na naman kasi ako ni Esmael. Dapat talaga hindi na niya ako pinasama dito. Tinanggal na ni Esmael ang kamay niya sa balikat ko at lumayo ng konti. “Alam ko na ang iniisip mo, Kamden.. alam kong natatawa ka na ganitong babae ang asawa ko. Hindi siya nababagay sa ‘kin pero negosyo ay negosyo kaya kailangan masunod ang gusto ng mga magulang ko. Ayos lang naman kung siya ang asawa ko.. nagagawa ko parin naman ang nga gusto kong gawin sa buhay lalo na pagdating sa sex.” Nakangisi na sabi ni Esmael. “Ganun ba?” Tugon ng lalaki. “Ganun na nga. Dinala ko nga siya dito dahil alam kong hahanapin na naman siya ni lolo. Alam mo naman yun. Pero mamaya lang ay aalis ako.” Sagot ni Esmael na para bang proud pa sa mga ginagawa niya. “Paano naman ang asawa mo? Iiwan mo lang dito?” Tanong ng binata. “Uuwi ka na ba mamaya?” Balik tanong ni Esmael sa lalaki. “Yes. Hinatid ko lang si kuya Sam. Why?” Tanong ng lalaki kaya sinubukan ko na naman siyang tignan. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko dahil ang gwapo talaga niya. Hindi nakakasawa ang mukha niya. “Isabay mo na ‘tong asawa ko sa papel. Pinakita ko lang naman siya kay lolo ko at sinabi ko na uuwi din kami agad mamayang hapon dahil may meeting ako. Pero ang totoo ay may pupuntahan akong kasiyahan. One week lang naman ako doon kaya isabay mo na siya at ihatid mo nalang sa bahay ko.” Utos ni Esmael sa binata saka niya kami tinalikuran ni Kamden at nagsimula na siyang maglakad palayo sa’min. Para akong nakahinga ng maluwag na sandali lang pala kami. Kaya naman pala konti lang ang dala niyang bag kanina. Yun naman pala may pupuntahan siya. Siguro ay dinala lang talaga niya ako dito upang makita ako ng lolo niya dahil malamang sa malamang ay tatanungin siya ng lolo niya. Napaka mautak talaga. Titiisin ko nalang ang ilang oras na pananatili dito sa hacienda nila. Makakauwi din naman pala ako mamaya. Pero nahihiya akong sumabay sa lalaking ‘to. Nautusan pa tuloy siya ni Esmael. Napaka walang kwenta talaga niya. Sa sobrang inis ko kay Esmael ay hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala si Kamden. Sobrang lapit niya sa ‘kin kaya napaatras ako ng konti. Ang lakas din ng t***k ng puso ko na parang may nagkakarera sa loob. Hindi tuloy ako mapalagay. “What’s your name?” Tanong niya sa ‘kin. “J-Josephine..” sagot ko at hindi ko masabi sabi ang apelyido ko. Naguguluhan kasi ako kung apelyido ko ba o kay Esmael. Hindi naman ako proud na asawa niya. Ni wala nga kaming wedding ring na dalawa. Tanging papel lang talaga. “I’m Kamden Paterson, 21 years old.” Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Wala kasi sa itsura ng katawan niya na 21 siya. Matured kasi dahil sa abs niya. Sa braso pa nga lang ay talagang masasabi ko na tambay siya sa gym. “21 ka pa lang?” Wala sa sarili kong tanong. “Yes. May problema ba?” Kunot noo niyang tanong. Bigla akong nahiya at napakagat nalang sa ibaba kong labi. “Ahm.. wala naman. Pasensya na. Ako naman ay 26 years old. Kaya dapat mag ate ka sa ‘kin.” Nakangiti kong sabi. “Ahh.. 26 ka lang pala. Akala ko nasa 30 ka na. Anyway, 5PM ako aalis dito sa hacienda. Kung sasabay ka ay abangan mo nalang ako sa labas ng gate. Kapag wala ka do’n ng eksaktong 5PM ay aalis na ako at bahala ka na umuwi mag isa, ate.” Sabi niya na talagang diniinan pa niya ang pagkakasabi niya ng ate. Naglakad na siya at talagang nilagpasan na niya ako. Sinundan ko siya ng tingin at napanguso ako. Wala talaga sa itsura niya na 21 years old siya. Pero kaya pala baby face siya. Hindi katulad sa ‘kin na maagang nabulok kahit 26 years old pa lang. A/N: Pa lambing po.. pa add po sa library ninyo upang mag notif bawat update. Salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD