Chapter 31 Josephine’s Pov NALAMAN na ng nanay at tatay ni Zeny ang kondisyon ko. Kinausap pa nila ako dahil panay lang ang iyak ko. Sino bang hindi maiiyak sa kalagayan ko. Pilit nila akong pinapakalma at kinakausap nila ako na wag daw akong mag isip ng masama lalo na’t nasa sinapupunan ko daw ang anak ko. Hindi ko magawang matuwa sa mga nangyayari. Gusto ko nalang magwala sa katangahan ko. Bukaka lang ng bukaka ng may mabuo iyak ng iyak. Mabuti na lang at mababait ang mga kumupkop sa ‘kin. Kahit hindi naman nila ako ka ano-ano ay tinulungan parin nila ako. Mas lalo akong na s-stress dahil magiging pabigat ako lalo sa kanila. Ilang araw na akong nakatulala dahil hindi ko parin matanggap. Pinipilit nila akong kumain ngunit ayaw kong pumayag. Ilang beses na din akong pinagalitan ni Z

