Chapter 32 Josephine’s Pov LIMANG taon na ang nakalipas simula ng manganak ako sa anak ko. Masaya naman ang buhay ko at hindi ako nagsisisi na tinanggap ang pagbubuntis ko. Totoo nga ang sabi nila nanay na blessing ang mga baby. Kaya naniniwala ako na dahil kay Keegan ay naging maganda na ang takbo ng buhay ko. Hindi na mabigat at patuloy na maganda ang nangyayari sa ‘kin. Malaki na din ang anak ko at masaya ako na napalaki ko ng maayos kahit pa nga ako lang mag isa ang tumayong magulang sa kanya. Hindi naman ako pinabayaan ng mga kumupkop sa ‘kin kaya mas naging magaan ang buhay ko at hindi masyadong nahirapan. Sa kasamaang palad pa ay namaalam na si tatay ni Zeny. Nasaktan din ako sa nangyari dahil nasanay na ako na sila ang kasama ko. Para na din akong nagkaroon ng ama dahil sa kan

