Chapter 33 Josephine’s Pov NAGLILINIS ako ng sahig dahil tapos na ang trabaho. Pauwi na naman kaya ako na naman ang mahuhuli dahil kailangan ko munang linisan ang mga buhok ng mga customer. Magpupunas pa din ako ng mga salamin at table. Ganito ang ginagawa ko bago ako umuwi ng bahay. Sanay naman na ako umuwi ng gabi at alam naman ni Keegan kung anong oras ako umuuwi. Nandito pa naman si bakla at hinihintay ako. Akala ko nga ay aalis na siya dahil akala ko ay may date siya ngayong gabi. Pero mukhang negative dahil nakasimangot si bakla. “Bakit ganyan itsura mo, mama? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa.” Saad ko sa kanya kaya tumingin siya sa ‘kin at inilapag niya ang phone na hawak niya sa table. “Kainis kasi yung jowa ko, te! May babae yata siya..” sabi niya at napakamot pa s

