Chapter 34 Josephine’s Pov PUMAYAG si Zeny na magtrabaho ako sa sinasabi ni bakla. Nakausap ko siya agad ng makauwi ako sa bahay. Kinausap ko agad siya at pumayag naman siya agad. Mas mabuti daw yun upang makaipon daw ako para kay Keegan. Kay Keegan ako nahirapan at nakiusap pa ako sa kanya at pinaintindi na kailangan kung gawin ang trabaho. Ang tagal kong napapayag ang anak ko pero hindi nagtagal ay naging maayos na. Pumayag ang anak ko kaya kahit papano ay masaya ako na may halong lungkot. Sino ba naman kasing matutuwa kapag nawalay ka sa anak mo. Ngayon pa lang ay iyak na ako ng iyak ng patago. Ayaw kong makita ni Keegan dahil alam kong iiyak din siya. Nilalakasan ko nalang talaga ang loob ko at inisip ko na lang na para sa’min naman ‘tong dalawa. Gusto kong makaipon ng pera para

