Chapter 35 Josephine’s Pov NAKARATING KAMI sa Isla kung saan kami mag ta-trabaho. Pinayagan na din kami na tanggalin ang piring namin sa mata kaya nakita ko na ang kagandahan ng buong Isla. Nawala ang lungkot ko dahil sa magandang tanawin na nakikita ko. Pinababa na kami sa yacht kaya bumaba agad ako. Wala pa naman akong kilala sa mga kasamahan ko kaya hindi ko na muna sila kinakausap pero ngumingiti naman ako sa kanila. Panay ang tingin ko sa paligid dahil ang ganda. Entrance pa nga lang ay ang ganda na. Talagang mayaman ang may ari ng hotel na ‘to. “Sumunod kayo sa ‘kin..” biglang sabi ng lalaki na nag abot ng panyo sa’min. Sumunod naman kami sa kanya. “Ito ang Isle Amour. Simula ngayong araw ay dito na kayo mag tatrabaho sa loob ng anim na buwan.” Sabi ng lalaki kaya napatango

