Chapter 36 Josephine’s Pov NAGSIMULA NA ako sa trabaho ko. Kabado ako pero nilulunok ko nalang ng laway ang kaba ko upang magawa ko ng maayos ang trabaho ko. Kailangan kong maipakita na kaya ko ang trabaho upang hindi sila magsisi. Limang kwarto na ang napuntahan ko at kinuha ang mga maruruming towels at bedsheet. Dinala ko na din ‘yon sa laundry area para malabhan ko. May dala din akong mga towel na marurumi na galing sa isa pang room. Mukhang wala naman na yata akong nakaligtaan kaya bumalik ako sa laundry upang maglaba. Hindi naman ako mahihirapan dahil may washing machine naman. Mabilis kong tinungo kung saan ang laundry area nila dito. Tinuro naman nila kung saan yun kanina dahil inikot ako ng babae kanina. Nagmamadali akong maglakad ng may makita akong babae na galing sa laun

