Chapter 37 Josephine’s Pov DALAWANG LINGGO na akong nagtatrabaho dito sa Isla. Masaya naman ako kahit pa nga naiiyak ako minsan kapag naalala ko si Keegan. Pero nawawala ang lungkot ko kapag may nag aabot sa ‘kin ng tip. Iniipon ko at pinapadala ko kaagad kay Zeny para may pambili sila ng pagkain. Hindi ko naman kasi masyadong kailangan kasi libre ang pagkain namin dito. Kaya pinapadala ko nalang kina Zeny para may mabili siyang pagkain nila. Nandito ako ulit sa hotel at naglalaba na naman ako. Malapit lang din naman ako mag out kaya excited akong tinapos ang trabaho ko. Nong day off ko ay nag ikot ikot lamang ako dito. Nakakatuwa nga dahil ang ganda pala talaga ng lugar. Kaya naman pala maraming tao ang pumupunta dito. Hindi na ako magtataka pa. Ang dami ding activity dito. Sayan

