Chapter 60 Josephine’s Pov NATAPOS kaming kumain ni Kamden kaya gusto ko sanang paalisin siya. Panay naman siya iling dahil ayaw niya daw umalis. Gusto niyang tumambay dito sa room ko. “Magpapadala ka na ba ng pera sa pamilya mo?” Tanong ni Kamden sa ‘kin. “Ahm..” hindi ako nakasagot agad at nag isip ng isasagot. “Mamaya na lang siguro.” Sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin. “Wala ka talagang pasok, ate Jo no?” Tanong pa niya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. “W-Wala.. pero gusto kong magpahinga kaya umalis ka na sa room ko.” Pagpapaalis ko sa kanya. “Matapos mong kainin ang dinala kong pagkain, paalisin mo ako, ate Jo. Hindi mo pa nga kinakain ang dala-dala ko pang isa.” Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. “Ha? Anong dala-dala mo pa?” Naguguluhan kong tanong dahil wala

