Chapter 61 Josephine’s Pov NAKAPAGPADALA na ako kay Zeny at tinawagan ko agad sila. Kausap ko ngayon ang anak ko sa phone at hindi mapuknit ang labi ko dahil excited siyang pumunta ng grocery para bumili ng pagkain. Nagpadala ako ng 10k habang ang natira ay itinago ko. Iipunin ko para kapag natapos ang contract ko ay may pera kaming gagamitin. Iniwan ko si Kamden sa room ko dahil ayaw niyang lumabas sa kwarto ko kaya ako ang lumabas. Bahala siya sa buhay niya. Napakakulit kasi talaga niya. Naglalakad ako pabalik sana sa room ng maalala ko na baka nandoon parin si Kamden at inaabangan ako. Sigurado akong itutuloy niya ang naudlot na kalandian niya kanina. Naisip ko nalang na wag munang bumalik sa room ko at gumala muna. Bahala siya maghintay sa ‘kin do’n. Patuloy lang ako sa paglal

