Chapter 62 Josephine’s Pov DINALA na naman ako ni Kamden sa penthouse niya. Hindi ako sumama ng kusang loob sa kanya, binuhat lang naman ako ng walanghiya na para bang isang sako ng bigas. Wala nga ding nagawa si Vin ng buhatin ako ni Kamden kahit anong sigaw ko na tulong. Para tuloy akong kinikidnap pero sa isang manyakis na bata. Nakasimangot tuloy ako habang nakaupo dito sa mahabang sofa ni Kamden. Mabuti na nga lang at hindi nahulog ang cellphone ko ng buhatin niya ako. Baka ibato ko talaga sa kanya ang tsinelas ko sa kalokohan niyang ginagawa sa ‘kin. Nakakrus ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko habang nakabusangot. Hindi talaga ako natutuwa sa lalaking ‘to. “Bakit nakabusangot ang mukha mo, ate Jo?” Tanong pa niya sa ‘kin kaya inirapan ko siya. “Gumagawa ka kasi n

