Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 36 Roxanne’s Pov NANDITO ako ngayon sa bar at umiinom mag isa. Napadaan lang ako dito kanina at naisipan na pumasok at uminom muna kahit saglit lang. Sa tingin ko kasi ay kailangan kong uminom ng alak. Sabi kasi nila, kapag may problema ay alak ang daw ang lapitan upang mawala ang problema. Paanong hindi ako nag iinom eh nakita ko na naman si tito Kaemon. Hindi sinasadya ang pagkikita namin, hindi din niya ako nakita. Ako lang, kaya nasasaktan na naman ako. Nakikita ko kasing masaya siya kasama ang babaeng nakita ko sa coffee shop. Silang dalawa lang ang magkasama, wala ang anak nila. Hindi na ako nagpakita pa sa kanya dahil wala namang dahilan para magkita kaming dalawa. Kaya mas pinili ko na lamang ang magtago upang hindi niya ako makit

