Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 37 Roxanne’s Pov NANDITO pa rin ako sa hospital at nandito din sila mommy at daddy. Nalaman nila ang nangyari sa akin kaya nagmadali silang pumunta dito sa hospital. Punong puno ng pag aalala si mommy Jo lalo na’t nasaksak ako. Kinailangan pa talagang tahiin dahil malalim din ang natanggap ko mula sa lalaking sumaksak sa akin. Nahuli naman ang lalaking sumaksak sa akin. Mabuti nalang at nahabol nila manong guard. Nasa presento na ‘to at kagagaling lang din ng dalawang police dito. Si lolo Kevin ang nagpadala dahil nag alala sila sa nangyari sa akin. Sabi naman ni daddy Kamden ay magsasampa daw agad ng kaso. Siya na daw ang bahala do’n at ang kailangan ko lang daw gawin ang magpahinga. Nakikita ko naman na nag aalala sila sa akin. Pero ang

