Chapter 56 Josephine’s Pov NAGISING nalang ako dahil sa ingay ng mga tao. Dinig na dinig ko ang sigawan nila mula sa aking room kaya agad kong idinilat ang mata ko at hindi nakita si Kamden sa tabi ko. Mukhang maaga siyang umalis at hindi na niya ako ginising pa. Bumaba ang tingin ko sa suot ko at napansin na may saplot na ako sa katawan. Mukhang binihisan niya muna ako bago siya umalis. Kahit papano ay napangiti ako dahil hindi niya ako iniwan sa kama na walang saplot sa katawan. Bumangon nalang din ako at agad akong pumunta sa banyo. Napahinto pa ako sa paghakbang dahil bigla kong naramdaman ang kirot sa p********e ko. Ang hapdi kaya napataghoy na lamang ako. Nasobrahan yata ni Kamden kagabi kaya talagang masakit. Pero kaya ko naman kaya kailangan ko ng bumangon at pumunta sa ban

