Chapter 57 Josephine’s Pov DINALA ako ni Madam K sa isang room na may nurse. Wala naman sana akong sugat pero mas pinili parin niyang dalhin ako dito. Mukha siyang clinic pero parang hindi kasi room ang nakikita ko. “Magpahinga ka na muna dito.” Sabi ni Madam K kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi na po, madam K. Ayos lang naman po ako. Salamat nalang po.” Saad ko sa nahihiyang boses. Hindi ko inaasahan na tutulungan niya ako kanina. Akala ko nga ay kakampihan niya si Ms. Veronica dahil alam kong close sila lalo na’t nakita ko sila nong una na magkasama. Pero ako ang hinawakan ni Madam K at inilayo niya sa kaibigan ni Ms. Veronica. Napabuga ako ng hangin dahil sa nangyari kanina. Halata sa mukha ni Ms. Veronica ang pag aalala niya sa ‘kin kaya naniniwala ako na wala talaga siyang

